CHAPTER 56

30 1 0
                                    

Nica's Pov

Natapos ang lesson namin at uwian na. Inayos ko na muna ang mga gamit ko at tumayo na din, di na ako makapaghintay pa para mamaya kailangan ng matapos ang mga kabaliwan nya.

"Nica? Saan ka pupunta?" Napatigil naman ako sa paglabas ng room. Oo nga pala nakalimutan kong magpaalam.

Hinarap ko naman si sum ng nakangiti.

"May pupuntahan kasi kami ni mom eh haha. Una na ako ah" sabi ko at tumalikod ulit. Maglalakad na sana ako ng may pimugil sakin kaya humarap ulit ako.

"Nica, kanina pa kita nahahalatang tensyonado. Ok ka lang ba?" Tanong sakin ni sum. Nginitian ko ulit si sum.

"Don't worry. I'm ok may nasabi lang kasi sakin si mom na di ko nagustuhan?" Nag aalinlangan kong sagot. Oh dear me. Sana di nya mapansin na nagsisinungaling ako.

"Hmm, ok" sabi ulit ni sum. Aalis na sana ako ng tawagin naman ako ni jinri. Anong oras ba ako makakatakas sakanila? Jusko baka mamaya nyan naisahan nanaman ako ng lily na yon eh.

"Yes?" Pilit kong ngiti sakanila. Paalisin nyo na ako please lang.

"San ka pupunta?" Tanong nito. Napatingin naman ako kay miyu na nasa likod nila. Mukhang wala lang sakanya ang nangyayare. Tiningnan ko naman si matt na nagtatanong ang mukha sakin.

"Aalis nga kasi kami ni mom. Ano ba haha" sabi ko sakanila. Please buy that! Pleaseee.

"Ah, talaga? Sige ingat kayo ah. Tambay muna kami sa field" sabi ulit ni jinri.

"H-huh? Umuwi na kaya kayo" sabi ko sakanila. Kaya naman napatigil sila.

"Bakit? Maaga pa naman eh" sabi naman ni van. Ugh bahala na nga sila.

"Ok. Sabi nyo eh. Sige ingat kayo sa paguwi nyo mamaya" i said at umalis na.

Lumingon-lingon muna ako at binilisan ang paglalakad hanggang sa makapunta ako sa rooftop.

"Ang tagal ah" Inis na sabi ni lily. Nakatayo sya sa malapit na railings kung saan makikita ang nasa baba. Lumapit ako sakanya at hinarap sya.

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Lily! tigilan mo na toh! Tigilan mo na kami!" Galit kong sabi sakanya.

Tumawa naman si lily. Yung nakakainis na tawa, punyeta ang sarap nyang ihulog.

"Hahaha nica?! Naririnig mo ba mga sinasabi mo? Sinimulan ko na eh. So why stop? Right? And besides, nandito ka rin naman ikaw na ang unang magbabayad" nagulat naman ako ng bigla nya akong sabunutan. Hinawakan ko naman sya sa balikat para pigilan pero masyado syang malakas. Ugh!

"Tama na yan!" Napahiwalay naman ako kay lily ng biglang may humigit sakin. Tiningnan ko naman kung sino ito at nagulat ako ng makitang si sum ito.

"Oh, Hi sum! Naaalala mo ba ako?" Nakangiting sabi ni lily.

Seryoso? Baliw na ba sya?!

"So ikaw si lily? Tss. Di kita naaalala at ayaw kitang maalala!!" Sabi ni sum. Bigla naman nagdilim ang mukha ni lily. Yung kaninang nakangiting lily ngayon ay puno na ng galit na lily ang nasa harap namin.

"Lily, tigilan mo na ito" pagmamakaawa ko sakanya. Gusto ko syang tulungan na makawala sa nakaraan namin. Hindi sya yung dating lily, hindi na sya yung masiyahin at laging tumatawa na lily. Naaawa ako sakanya dahil sa sobrang laki ng kanyang pinagbago at gusto kong ibalik ang dating lily na yon.

Halos lumuhod na ako dito para lang magmakaawa sakanya pero pinigilan lang ako ni sum. Tiningnan ko sya at may halong pagaalala sakanya.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Bulong ko sakanya.

"Para tulungan ka" sabi niya at tumingin kay lily.

"Hoy lily! Hindi mo ba talaga kami titigilan? Huh?! Kulang pa ba yung mga ginawa mo samin?! Yung pag gulo mo sa birthday ni jinri?! Yung pang gugulo mo sa park?! Yung ginawa mo kay miyu?! Pati kay mich! Kulang pa ba? Huh?! Kulang pa ba?!" Halata kay sum ang galit. I can't blame her pati ako nauubusan na din ng pasensya kay lily but I need to this. Naging kaibigan pa rin naman namin sya kaso nga lang nagkalimutan. And I feel sorry for that.

"Oo! Kulang pa! Dapat nga magdusa kayo eh! Katulad ng ginawa nyo samin! Hindi nyo alam kung pano mamuhay ng miserable! Kaya ikaw sum! Wag kang oa pwede? Kasi may gagawin din ako para sayo kaya magintay ka! At para naman kina jinri? Eh punyeta! Kulang pa nga yon sakanila eh! Alam mo kung anong nararapat sakanila?! Sinusunog ng buhay! And don't worry summer, mangyayare yon. Just wait" may halong pangiinis na sabi ni lily. Susugudin na sana ni sum si lily pero pinigilan ko sya.

"Sum, please don't make it worse" i said.

"Worse? Eh gulong-gulo na nga eh. Tsaka yang si lily? Baliw na yan! Taena! Dapat sayo ikulong sa mental! Hayop ka!!" Nagulat na lang ako ng biglang tumakbo si sum patungo kay lily at sinabunutan ito. Lumapit naman ako sakanila para pigilan sila. Muntik pa nga kaming mahulog pero buti na lang at may railings dito. Patuloy pa rin sa pag sasabunutan ang dalawa habang ako naman ay pinipigilan sila pero di pa rin maiwasan ang makalmot ako. Nyemas talaga! Paano ko sila mapipigilan?

"Anong sinabi mo?! Huh?! Taena mo rin eh no? Ang kapal ng mukha mo na sabihing baliw ako?!" At nagulat ako ng biglang sampalin ni lily si sum. Napaupo naman si sum na hawak hawak nya ang kanyang pisngi.

Nakatingin lang sya kay lily at bakas sa pagmumukha nya ang galit. Napakuyom naman ang kamao ko. Ang ayaw ko sa lahat yung may nangyayare ganito. Siguro nga di na mababalik ang dating lily. Yung bestfriend kong si lily.So this is it.

"How dare you!" Galit kong sabi sakanya at sinampal din sya ng malakas. Napaatras si lily sa ginawa ko at bakas sakanya ang pagkagulat pero agad naman siyang ngumisi.

"Lumalaban ka na ah" sinugod naman nya ako at sinabunutan. This time, di na ako magpapatalo. Kinlmot ko sya sa right cheek nya at sinabunutan din sya. Nakita ko namang sinugod din ni sum si lily at sinabunutan mula sa likod.

Napasigaw naman si lily ng maramdam nya ang mga kalmot ko sa mukha nya. Tinulak ako ni lily patungo sa railings kaya nakabangga ako rito. Taena ang sakit sa likod! Tinulak naman ni sum si lily at sya naman ngayon ang nasa railings. Malapit na syang mahulog pero todo pa rin kami sa pagsasabunot ni sum. Panay pa rin ang pagkalmot ni lily saamin at ganun na lang ang pagkagulat ko ng biglang mahulog si lily at sum sa railings.

"Sum! Lily!" Gulat kong tawag napatingin ako sa baba pero wala naman doon ang katawan nila.

"Nica! Nica tulungan mo ako! Parang awa mo na, tulungan mo ako" pagmamakaawa ni lily. Nakakapit sya sa railings at konti na lang pwede na syang mahulog. Nakita ko naman si sum na nakakapit sa paa ni lily.

Agad ko naman inabot ang kamay ni lily pero masyadong malayo ang kamay nya kaya nahihirapan ako.

"Nica di ko na kaya. Mahuhulog na ako" naiiyak na sabi ni sum. Konti na lang ay muhuhulog na talaga si sum. Tumingin ako sa paligid para maghanap ng bagay na mahaba pero wala akong makita.

"Kapit lang kayo" sabi ko at tinry ko ulit na iabot ang kamay ko. Naabot naman iyon ni lily at tinulungan ko syang makataas.

"Salamat nica" sabi niya. Di ko na sya pinansin at iaabot ko na sana ang kamay ko kay sum nang bigla akong itulak ni lily. Napasigaw naman si sum ng nabitawan nya ang railings pero agad ko naman syang nahawakan sa kamay habang ako ay nakakapit pa sa railings.

"L-lily tulungan mo k-kami" sabi ko sakanya. Ngumisi naman si lily at pinaikot nya ang kanyang mata.

"Thank you na lang sa pagliligtas sakin. But, sorry hinihintay na kasi kayo ni kamatayan" napasigaw naman ako ng bigla nyang apakan ang kamay ko at tinulak hanggang sa mahulog kami.

********

Le! Lame! Haha pagpasensyahan nyo na. Sadyang baliw lang talaga ako ;) ---RIN 

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon