CHAPTER 46

24 1 0
                                    

Miyu's pov

"Mom! Eeeeeh~ gusto ko na pumasok" inis kong sabi.

"Hindi pwede, mabibinat ka" may pagka inis na ding sabi ni mom.

Kasi naman eh. Monday na oh! Intramurals namin tapos di ako makakapunta? Kainis na lagnat bakit ayaw mo kong lubayan?

"Miyu, bukas ka na lang pumasok ok? Magpahinga ka na muna" sabi naman ni dad.

"Dad naman eh~ gusto ko na ngayon" amboring dito wala akong kausap.

"Miyu, wag ka ng makulit. Aalis na kami" sabi ni dad at hinalikan ako sa noo ganun din si mom. Aish naman oh.

"Bye~" pag-papaalam nila.

"Bye" malamya kong sabi.

Alam nyo naman siguro kung pano ako nagkalagnat diba? At 5 days din akong nakakulong dito sa kwarto ko. Inabutan pa ako ng intrams! Magaling na ako eh. Pramis yan!

Well, di ko na sinabi pa kina mom and dad yung nangyari sakin. Ang sinabi ko lang cancelled na yung photoshoot. Natatakot lang ako baka magkita ulit kami nung lily na yon at yung isang lalakeng kasama nya. Bahala na nga si batman.

Dinalaw din ako ng buong barkada nung saturady at kahapon. Di na nga ako nahihilo pero bakit ayaw pa akong papasukin nila mom?!

"Nagugutom ako sa sobrang pagka stress nubayan" sabi ko sa sarili ko. Naisipan ko namang bumaba para kumuha ng pagkain.

"Manang, ano pong almusal?" Tanong ko ng makita ko si manang sa kitchen.

"Ay nak, nagluto ako ng paborito mo. Ang carbonara! Haha. Sige ipaghahanda kita at umupo ka lang muna dyan ah" napatawa naman ako sa sabi ni manang na dali daling kumuha ng mangkok.

"Iba ka talaga manang hahaha. Thanks sa pagluto ng favorite ko" sabi ko sakanya. Inabot naman nya sakin ang mangkok ng carbonara.

"Sus na bata talaga toh oh, aba syempre basta para sayo haha teka, magaling ka na ba?" Tumabi muna sakin si manang at nilagay ang kamay nya sa noo ko para tingnan ang temperatura ko.

"Magaling na po ako. Don't worry di lang kasi ako pinapasok nila mom. Masyadong oa noh? Hahaha" at nagtawanan naman kami.

"Juskong bata ka talaga oh. Hala maiwan na muna kita dito at marami pa akong gagawin" sabi ni manang.

"Sige po" sabi ko naman at kinain na ang carbonara.

After kong kumain ng carbonara ay tumungo lang ako ng garden. Dinala ko rin ang loptop ko at pinatong ito sa table pagkatapos ay umupo na ako. Naisipan ko namang buksan ang facebook ko dahil matagal ko na ring di ito nabubuksan.

"Hay ang boring naman" sabi ko habang scroll lang ako ng scroll sa news feed ko.

Bigla naman nag pop-up ang name ni jinri sa chat box ko.

Jinri Kang,
Girl! Kailan ka ba papasok?

Agad naman akong nagreply sakanya na bukas pa ako makakapasok.

Miyu Cruz,
Btw, anong ginagawa nyo ngayon?

Tinap ko naman ang send button at wala pang two minuets ay nakareply agad si jinri.

Jinri Kang,
As usual opening ceremony. And btw, buti naman at papasok kana tom. Bukas din kasi ang game ni xander eh, you know taga cheer daw tayo haha.

Oh oo nga pala nasabi nya yon last time.

Miyu Cruz,
Game ako dyan haha. Btw, diba ngayon yung searching for Mr. and Ms. Intrams?

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon