CHAPTER 55

22 1 0
                                    

Nica's pov

"Di pa ba papasok si miyu?" Tanong ni jinri. Back to school na at simula ng malaman ni miyu ang lahat di nya kami kinausap. Nanatili lang syang tahimik hanggang sa paguwi namin. Pangalawang araw na rin toh na di sya pumapasok.

"Guys! Pumasok si miyu!" Nakangising sabi ni van. At sakto naman na papasok na si miyu sa room.

Dire-diretsyo lang sya sa upuan nya na parang wala syang nakikita. I can't blame her kung ako rin ang nasa pwesto nya baka mabaliw pa ako.

Dumating naman ang teacher namin at naglesson lang. Kainis nga eh walang patawad lesson agad.

Wala bang kumustahan muna? Tss --__--

Napansin ko naman ang panay nakaw-tingin ni matt kay miyu. Mukhang di naman napapansin ni miyu si matt dahil sa tulala lang ito sa teacher namin.

Natapos ang dalawang subject namin na di pa rin kami kinikibo ni miyu.

Nag-stay lang kami sa room. Ako lang pala ang nag stay dito. Una kasing lumabas si miyu tapos sumunod naman sina sum. Alam kong di nila kakausapin si miyu, ayaw nya kase ng ganun. Gusto nya sya unang maga-approach and I think di pa sya ready na kausapin kami.

Wala naman akong magawa kaya nagbasa na lang ako tutal mahaba-habang free time toh.

Nagbell na pero wala naman bumabalik sa room namin. I mean, may lalabas tapos aalis din. Free time kase.

"Oh? Wala pa rin si miyu?" Napatingin naman ako sa nagtanong. Si mich pala.

Pinaliwanag naman ni mich lahat ng ginawa nya kay justin at ayon nagkaayos na din sila. Andaming iyakan nila eh acting lang pala yon ni mich para mapaniwala si lily sa mga nangyare.

Pwede ng bigyan ng award si mich ng best actress.

Di na rin ako nagabala pang sumagot. Kitang wala pa nga yung tao magtatanong pa.

"Hayy, nyeta! Miss ko na yung dating miyuu!" Sabi ni van at peste nag walling ang gago. Sasakit ulo ko sakanya.

"Hayaan nyo lang sya. Baka magalit sya satin pag ginulo natin sya" sabi ni sum at bumalik na sa upuan nya.

Minsan na rin kasi kaming nagaway away at ayun halos three weeks kaming di pinansin. Tinry nga namin syang kausapin pero mas lalo syang nagalit samin.

Binatukan naman ni matt si van. Ayan natigil na din haha.

"Yung totoo kailan nya ba tayo papansinin?" Tanong ni matt. Aww, namiis ata si miyu eh.

"Di ko rin alam" sabi ni jinri at umupo na lang sa pagkadismaya.

Lahat kami tahimik lang dito. Napatingin naman ako sa nagbukas ng pinto. Sina bea pala.

"Wala ba kayong teacher?" Tanong ni mich sakanila.

"Baka meron. Kaya nga kami nandito eh" pambabara naman ni kim.

"Toh naman. Nagtanong lang naman eh" inis na sabi ni mich. Pikon ang bruha ^_^

"Ikaw kim ah. Inaaway mo nanaman si mich" sabi ni justin at umupo sa tabi ni mich.

Jusko. PDA silaaa >_<

"Wag nga kayo dito" inis naman na sabi ni xander.

"Bitter ka lang kase hahaha" sabay pang sabi ng magjowa. Lintek na parang walang nangyareng break up sakanila noh?

"Nyemas! Umalis nga kami sa classroom kase nabobored kami tapos boring din pala dito? Omagahd!" Naglulupasay na sambit ni bea.

Ang oa nya ^_^?

Naisip ko naman yung jack stone na nilaro namin ni matt. Nandito lang yon sa bag ko eh.

"Laro tayo jack stone" sabi ko pagkakuha ko ng jack stone at umupo sa sahig.

"Nice! Laro tayo dali!" Excited na sabi ni van at umupo sa tabi ko nakisiksikan pa nga si kim ~__~ mga isip bata.

Umupo na din sina bea at sum ganun din sina matt, justin at mich. Sumunod naman si jinri, morj, xander at liam. Bale twelve kami dito na maglalaro.

"Ako na mauuna. Sunod si van, sunod kay van si kim. Sunod bea at sum tapos matt at justin. Sunod kay justin si mich at jinri. After jinri, morj, xander. At liam ikaw ang last kasi ikaw yung last na umupo. Para tuloy-tuloy na" paliwanag ko sakanila.

Nagsimula na akong maglaro at hanggang level five lang ang natapos ko. Nagslide kase haha ^_^.

"Waah! Wait nasayad kase ni kim eh!" Sabi ni van.

"Oi? Ang daya! Di nga kita ginalaw eh" sabi ni kim at inagaw kay van yung jack stone.

"Puknene! Ang duga nito!" At yown nagmukmo ang loko. Nagtawanan naman kami para kasing inagawan ng candy si van.

"Van, give chance to others haha" sabi ni morj at tumawa ulit.

"Punyemas give chance? Eh di nyo nga ako binigyan ng chance na makalevel one muna. Huhu"

hahaha ^0^

Nagbell na kaya tumigil na kami sa paglalaro. Lumabas na din sina bea dahil may papasok daw na teacher sakanila. Bumalik na ako sa upuan ko at ganun din sina jinri. Nakita ko rin na pumasok na si miyu.

"Answer page 96-97 on your book" tanging sabi ni ma'am fajardo. Guro namin sa filipino.

"Takte ang daming sasagutan" reklamo naman ni xander. Nasiko nga ni summer kasi tumingin sakanila si ma'am fajardo.

"Mr. Oackyer may sinasabi ka?" Tanong ni ma'am. Nakataas ang mga kilay nito at ang tutulis ng kanyang mga tingin.

"Ahh? Hehe ang sabi ko po, ano ahh oo! Ang sabi ko andaming pagkain haha" palusot naman ni xander. At ang masasabi ko? Ang lame ---____---

"Pagkain? Saan?" Tanong ulit ni ma'am fajardo.

"Ma'am, andami pong sasagutan oh. Kaya pwede po pasagutin nyo na kami?" Singit bigla ni sum.

Napatingin naman sakanya si ma'am. Yung tingin na nakakatakot? Bakit naman kasi ganun ang sinabi nya? Nanlaki naman ang mata ko ng biglang ngumiti si ma'am.

"O sige na sumagot na kayo hahaha. Pasensya sa abala huh" Aba? Anong nagawa ni sum at biglang gumanyan si ma'am fajardo?

Bumalik na si ma'am fajardo sa teacher's table at umupo.

"Galing ah. Pano mo nagawa yon?" Rinig kong tanong ni xander kay sum pero di na si sum nagsalita pa.

Kawawang xander ^_^

Natapos ang subject namin sa filipino at lunch break na namin. As usual sa cafeteria nanaman kami nakatambay at si miyu? Di samin sumama. Hayy miyu ano bang magagawa ko para lang pansinin mo kami? O kahit sila lang.

Nagvibrate naman ang phone ko kaya chineck ko kung sino ang nagtext.

From 09*********,
I won't bother you anymore. Just meet me at the rooftop after the class.
-lily

Napakuyom naman ako ng kamay. Sa lahat ng mga ginawa nya may gana pa syang?! Nyeta! Para matapos na toh gagawin ko ang lahat. Sige! Makikipagkita ako sakanya baka sakaling di nya nga kami guluhin.

Di na ako nagreply pa baka mabasag ko lang screen ng phone ko. Nahimasmasan naman ako ng tawagin ako nila jinri na babalik na kami sa room kaya tumayo na ako.

Humanda ka sakin lily.

♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon