CHAPTER 69

34 1 2
                                    

Bea's POV

"HAPPY NEW YEAR!!!" Sigaw namin ng makapasok kami sa bahay nila miyu. Wala kasi parents nila ngayong bagong taon kaya sasamahan na lang namin sya haha. Sweet ba? Iiiih~

"Woah? Anong ginagawa nyo dito?" Di makapaniwalang tanong ni miyu. Nilalabas nila yung mga handa nila dito sa may pool area. And swear ang dami! Haha

"Wooh! Buti na lang at di kami nagdala ng pagkain haha sobra sobra na pala yang hinanda nyo eh" sabi ni mark at kukuha sana ng lumpia shanghai kaso tinapik ni miyu yung kamay nya.

"Mamaya na pag nag 12 am na ok?" Napakamot naman si mark sa batok nya. Kahit kailan talaga tong lalakeng toh haha.

"Andami nyo namang handa? Eh apat lang kayo diba?" Tanong ko kay miyu.

"Hmm, ginanahan ata si manang magluto haha" baliw talaga si miyu.

"Well, expect ko na kasing pupunta kayo dito haha" ayos ah. Manghuhula ata si miyu ^0^

Ng maayos na namin ang mga foods sa table ay nagtipon-tipon muna kami dito sa may gilid ng pool. May 1 hour pa kasing natitira bago mag new year. Napatingin naman ako kay mark ng mapansin kong nakatingin sya sakin. Problema nito?

"laro tayo" pagayaya samin ni justin. Mukhang masaya naisip nya. Wala naman na kami gagawin kaya mukhang maganda kung maglibang muna kami.

"Tagu-taguan? San pedro? Piko? Tumbang preso? Patintero? Ahmm sipa? Ano pa kaya" ay gago ayoko na maglaro. Mga pambata naman naisip ni van.

"Tungnu Truth or Dare gago" sabi ni justin sabay batok kay van. Hanep nga eh may hawak pa syang dalawang bote at may kulay pa ah. Yung isa kulay pink and yung isa is kulay blue. San nya ba yan nakuha?

"Sorry naman haha" sambit ulit ni van at nag peace sign pa.

"Game ako dyan" sabi ni miyu. Teka nga asan kapatid nya?

"Oi miyu kapatid mo?" Tanong ko sakanya.

"Nasa barkada nya. Nakikiparty haha" sabi nya.

Bago kami maglaro ay may mga sinabi muna si justin na kaekekan. Like if yung color blue na bote tumampad sa isa samin sya ang magtatanong habang yung pink na bote naman nakatampad sa isa samin sya ang tatanungin. Ganern. Haha

"Ready?" Tanung muli ni justin.

"Aish. Ready na! ang haba na nga ng explanation mo eh" sabi ni xander. Tae di marunong maghintay haha

So syempre si justin ang may pasimuno ng laro sya na ang nagpaikot ng color blue na bottle and si mich naman dun sa pink. Unang tumampad yung blue kay van and yung pink kay sum. Oemgi di na ako aasa pang magtatanong si van ng matino if ever na magtruth si sum. At mas lalong pag nag dare pa si sum. Jusko! Puro yan kalokohan.

"So van ikaw ang magtatanong kay sum" sabi ni justin at tinuro pa sila.

"Sum, truth or dare" tanong ni van. Hanep nakangisi pa sya hahaha halatang may balak na masama.

"Uh, truth na lang" sabi ni sum. Mukhang nagaalinlangan pa nga sya eh. ^_^

"Truth! Kelan ba kasal nyo ni xander?" Agad nyang tanong. Napa face palm naman ako. Taena naman umaakyat pa nga lang ng ligaw si xander kasal na agad hinahanap ng lalakeng to? Seriously? Kung di ko lang sya kaibigan baka napunta ko na sya sa mental --__-- Maygahd! Sumasakit ulo ko.

"Ok. Again!" Sabi ni justin at pinaikot na nila ang bote.

"Teka nga! Di pa sinasagot ni sum tanong ko!" Hahaha walang may pake?

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon