CHAPTER 22

51 1 6
                                    

Jina's pov

Ano ba yan uso ba talaga ngayon ang kaladkaran?? Parang nung isang araw lang kinakaladkad ako, ngayon may kumakaladkad nanaman sakin!!

Napatigil naman ako sa paglalakad or more on tumatakbo ng biglang may humawak sa kabila kong kamay kaya napatigil din si rain Yeah!! Si rain ang kumakaladkad sakin at di ko alam kung bakit!! Lumingon naman ako sa likod ko.

0__0

OMO!! si silver! Masama syang nakatingin kay rain. Liningon ko naman si rain at ganun din sya, shemey lang! Bakit kasi kailangan pang mangyare ang ganitong scenario!?

"Pre, diba sabi ko sayo layuan mo na sya" matigas na sabi ni silver

"tss, sinabi mo ba yon? Anyway wala naman akong pake ehh" Pagmamatigas naman ni rain.

Oh God! Please!! Sana lamunin na ako ng lupa!! Nabigla naman ako ng bigla akong higitin ni silver pero nahawakan parin ako ni rain sa kamay ko.

Urgh!! Yung feeling na ang sakit na ng kamay ko? Shemey lang, tapos kung magtitigan naman tong dalawang toh parang nagpapatayan na ehh

"wag kang epal pre" sabi ulit ni rain at hinigit nanaman ako.

"mas epal ka pre" sabi naman ni silver at hinigit din naman ako.

Taena ang sakit na ng braso't kamay ko!!

"Ano bang problema mo?"

At sa wakas binitawan din ako ni rain ang kaso nga lang kinwelyuhan nya naman si silver urgh!! Ang ayoko sa lahat yung may gulo!

"Ikaw, ano bang problema mo??" At yun nakakasense na talaga ako ng gulo at nakikita ko na si frats sa hallway.

"Bahala kayo dyan nandyan na si frats" sabi ko sakanila at umalis na lang ako. Tss bahala sila sa sarili nila. Kaya na nila sarili nila matatanda na sila ehh, makikitid nga lang ang mga utak.

Dumiretso na lang ako sa clinic dahil feeling ko nawalan ako ng kamay.

"Goodmorning ma'am pwede po bang matulog? Ang sakit po kasi ng ulo,tyan ,kamay,paa, tuhod,balikat,likod, at isama nyo na rin po ang puso ko in short masakit po lahat ng body parts ko inside and out, feeling ko nga po mahihimatay na ako ehh" mahabang litanya ko naman. Napatawa naman sya sakin.

"hahahah anyare sayo jina? Ngayon ka lang ulit bumalik dito ahh" sabi nya naman sakin, close talaga kami dahil lagi ako ditong tumatabay pero pag may freetime lang ako para tulungan sya.

"ma'am chin-chin naman kasi ehh nakakainit ng ulo yung dalawa kong kasama, ehh nakakasakit pa ng katawan tss" pagdadrama ko sakanya at umupo sa upuan

"pati puso mo?"

Agad naman akong napatingin sakanya. Taena naman kasi ehh bat ba ganyan si rain?? Pinapaasa nya ako ehh.

"ewan ko ma'am chin kino-colombiazone niya ako ehh alam mo yun?? Pinapaasa nya ako, tas ako naman tong tanga aasa naman ng aasa taena lang" inis kong sabi.

"hayy, soreh behh wala kaming gamot dyan" sabi naman nya.

"ays lang ma'am sanay naman ako ehh, di ko na kailangan ng gamot, para san pa't lagi naman akong nasasaktan, ehh kumbaga sanayan na lang" sabi ko naman at napapikit na lang hutangina paulit-ulit na lang pero eto nasasaktan pa rin talaga ako.

Teana ang babaw ko naman!! Tsk.

"Bakit naman kaya kinaladkad nya ako?? May sasabihin ba sya sakin?" Tanong ko sa sarili ko.

"sino?"

Nagulat naman ako ng may nagsalita sa gilid ko pagtingin ko si ma'am chin pala.

"Sino naman ang kumaladkad sayo?? Si silver ba?" Tanong naman nya, ayy ang ano ni ma'am ahh haha nakikwento ko kasi ang kabaliwan ng pilak na yon dito kay ma'am chin ehh tapos imbes na mainis dahil naiinis ako sa kinikwento ko sakanya, aba! Tinawanan ako. >__>

"Tsk di po, si rain" sabi ko naman at nalungkot nanaman. Ngayon lang kasi nya ako nilapitan ehh tapos may mangyayari pang ganon. I mean, almost 3 weeks kaming iwas ni rain tapos nagulat na lang ako ng bigla nya akong kaladkarin. Paki explain nga kung bat nya yon ginawa??

"Ohh, nakakaintriga talagang rain na yan no??" Sabi naman ni ma'am kaya napatingin naman ako sakanya.

"Err well, base kasi sa mga kwento mo sakin noon ehh, masyado syang misteryoso" sabi nya ulit, urgh tama nga sya di ko mabasa si rain ehh parang ahhm pano ba... basta ang hirap nyang basahin!

"Ayy! Basta boto ako kay silver hahaha" sabi naman ni ma'am kaya napalingon ulit ako sakanya.

"Bakit? Tatakbong ano si silver? Bat di ko alam?" Tanong ko naman matagal pa naman yung sa susunod na botohan para sa ssg (supreme student goverment) ehh tapos, tapos na rin yung mga clubs at ibang organization, so saan naman tatakbo si silver??

Nakatanggap naman ako ng isang malakas na batok mula kay ma'am chin.

"gagi! Ang ibig kong sabihin mas boto ako kay silver para sayo hahaha" taena??

"Yuck!! Yung pilak na yon?? Tss wag na uyy!!" Sabi ko naman.

"Bakit? Bagay kaya kayo" sabi naman nya napapikit na lang ako ng mata ko

"malabo yong mangyari"

"malay natin" sabi naman ni ma'am ang labo din nya noh?? Hayy

KRIING~

Hay sa wakas nag bell na rin gutom na ako ehh.

"Ano jina sabay ka na sakin maglunch?"

Tanong naman sakin ma'am chin

"Wag na ma'am, kasabay ko naman bestfriend ko ehh" sabi ko nagpaalam na ako at lumabas na ng clinic tinext ko na lang si jenny na mauuna na ako sa cafetiria para makaorder agad ako at makahanap ng bakante onti pa lang kasi ang tao ehh kaya agad naman ako nakaorder sinabay ko na rin si jenny para di na sya pumila.

Dumating na rin naman sya at agad na umupo sa harap ko.

"Bat ka ba nag cutting??" Tanong nya sakin.

"tsk nakakawalang gana" sabi ko na lang sakanya at nagpatuloy na lang sa pagkain

"jen, ayoko pumasok lakwatsa tayo" sabi ko naman, ayaw ko kasi talaga makita si rain ehh kingina lang.

"ehh~ jina naman ehh san tayo pupunta?? Tapos may quiz kaya tayo" sabi naman nya. Hayy wag na nga lang badtrip.

"Hi jina~" napatingin naman ako sa tumawag sakin at napahawak na lang ako sa ulo ko ng makitang si silver pala

"hi jenny~" bati naman nya kay jen nagulat naman ako ng hablutin ni silver ang kamay ko at napatayo ako tiningnan ko naman sya ng nagtataka pero nginitian nya lang ako. Urgh!! Ano nanaman bang trip neto??

"Jenny hiramin ko muna bestfriend mo ahh, di bale darating na rin naman ang boyfriend mo" sabi ni silver at kinaladkad naman ako hanggang sa makarating kami sa likod ng building, nagpumiglas naman ako sa pagkakahawak nya ng tumigil sya sa paglalakad, tiningnan ko naman sya ng masama habang sya naman ay nakatingin lang sakin ng seryoso .

Err naiilang ako!

"Ohh?? Ano namang waa!~" nagulat naman ako ng bigla nya akong isandal sa dingding at kinulong sa braso nya syemey lang!! Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko!! I can't breath!! Parang anytime na gumalaw ako mahahalikan ko sya----

0__0

"o-oi ano bang t-trip mo?" Nauutal kong tanong, ehh biglaan eh pucha lang! Lumapit naman sya sa may bandang tenga ko at agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

---------------------------------------------------------------------------------------
*******
Waaa~ what did just happend?? Luh? Yung feeling na habang gumagwa ka nito may mga kachat pa hahaha kapagod magtype pero lab kita kaya wag ka!~ haha ------RIN

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon