CHAPTER 23

54 1 0
                                    

Silver's pov

"Bahala kayo dyan nanjan na si frats" napatingin naman kami kay jina ng sabihin nya yon, naglalakad na sya palayo samin kaya binitawan ko na ang ugok na toh tss panira ng araw ehh.

"Tandaan mo layuan mo si jina" pambabanta ko naman sakanya. Ngumiti lang sya yung nakakainis na ngiti ba, tss pasalamat sya nanjan si frats kundi tsk di ako magdadalawang isip na paputukin ang bibig nya.

"Bakit ba?? Ano mo ba si jina?" Tanong nya napakimkim naman ako ng kamao ko pero tinamaan naman ako sa tanong nya. Ano ko nga ba talaga si jina?

"Liligawan ko sya" sabi nya ulit. Liningon ko si frats kung nandon parin sya sa hallway at sa pagkakataon nga naman wala na sya, tumingin ulit ako kay rain at agad ko syang sinuntok.

Taena, ang tarantado eh! Pagkatapos nyang sabihin kay jina na di nya magugustuhan si jina tapos sasabihin nya ngayon na liligawan nya? Eh putangina pala sya!!

"Alam mo, nung isang araw ka pa ah!" Sabi naman nya at sinapak naman ako tsk kala nya di ako papatalo? Agad ko syang nilapitan at kinwelyuhan

"taena, ano bang gusto mong palabasin?" Tanong ko sakanya tiningnan nya naman ako na para bang binabasa ang nasa isip ko.

"tsk, may gusto ka ba kay jina?"

Napaiwas naman ako ng tingin, pero binawi ko agad.

"Wag mong ibahin ang usapan, rain" matigas kong sabi sakanya, tinanggal nya naman ang pagkakahawak ko sa kwelyo nya.

"tss, wala kang pakealam, basta liligawan ko sya. Ngayon kung may gusto ka sakanya, wag ka ng magbalak pang ligawan sya, dahil ako lang naman ang mananalo. Remember, may gusto sya sakin Eh ikaw? " sabi nya at umalis na.

Taena!!

***

"Tol, ays ka lang?" Tanong sakin ni gerick di na lang ako nagsalita. Hanggang kasi ngayon iniisip ko pa rin kung bakit liligawan ni rain si jina, well sa kabila ng mga nangyare? Tss taena uunahan pa ako eh.

"Mister cruz?"

Tsk ano bang dapat kong gawin??

"Mister cruz.."

aish tangina mapuntahan nga si jina mamaya.

"Mister cruz!!"

"Tol, tawag ka ohh" sabi sakin ni bry na nakatingin na pala sakin pati na rin sina gerick, napatingin naman ako sa unahan.

"po??" Tanong ko naman

"are you listening?" Tanong naman nya.

Tumango nalang bilang response tss ayakong sayangin ang laway ko sa teacher na toh.

Magsasalita na sana ulit yung teacher namin ng biglang nagring ang bell. Hay sa wakas! Save by the bell! Dali dali naman akong tumayo at diretsong lumabas.

"tol!!"

Napatigil naman ako sa paglalakad takte! Nakalimutan ko kasama ko nga pala ang mga ugok na toh!

"Bilisan nyo nagmamadali ako" sabi ko at naglakad ulit ako, pinigilan naman ako ni josh at hinarap ako sakanila.

"tol, ano bang nangyari sayo? Para kang timang" sabi naman nya kumunot naman ang noo ko. Anong ibig nilang sabihin?

"Masyado kang pre-occupied" sabi naman ni bry. Naiisip ko nanaman ang nangyari kanina.

"taena baka maunahan ako ng putangina! Halika na nga mamaya nako magpapaliwanag" sabi ko at naglakad ulit or more on tumakbo.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon