CHAPTER 52

22 1 0
                                    

Silver's pov

"Oh, silvs saan ka galing?" Napatingin naman ako kay miyu na nasa kitchen.

"Hmm, nagdate kami ni jina? Haha kaso may epal" sabi ko at nakikain na din. Kumakain kasi si miyu ng spaghetti.

"Umepal? Sino naman?" Tanong naman nya.

"Yung ulan. Tss. And yeah kasal na kami ni jina" sabi ko at sumubo ulit ng spaghetti. Muntik ko namang maluwa yung spaghetti ng batukan ako ni miyu.

"Problema mo?" Inis kong tanong. Muntik ko ng maibuga yung pagkain e.

"Eh kase ikaw! Kasal na kayo? Tapos may ulan? Luh?! Eh di nga umulan eh tapos di man lang kayo nangimbita sa araw ng kasal nyo? Kaloka!" At ayon sinubo nya lahat ng spaghetti.

"Ewan ko sayo. Kahit anong pinagsasabi mo" sabi ko at pumunta na sa room ko. Kinuha ko naman ang phone ko at tinext si jina.

To Jina,
Hi ;)

Napatigil naman ako sa pagtype. Hi lang ba itetext ko dun? Parang ang baduy eh.

Ano kaya hmm.

To Jina,
Hi wifie^__^

Nyeamas ang corny! Bahala na nga.

To jina,
Ipapapulis na kita.

Shit! No!

Napatayo naman ako ng nagsend yung text ko. Ipapapulis? Tsk. Tsk.

Wala na akong magagawa nasend na eh. Hinintay ko na lang na magreply si jina pero halos 20 minuets na di pa rin sya nareply. May pulis nga bang dumating sa bahay nila? Tss mas lalo akong nagiging corny.

Di na ako nakapagintay kaya tinawagan ko na sya.

"Ang tagal sumagot ah haha" sabi ko agad ng sagutin nya ito.

"H-huh? Sorry ah. May ginawa kasi ako" sabi nya sa kabilang linya. Napangiti naman ako ng marinig ulit ang boses nya. Punyeta naman oh! Bakit ba parang nababakla ako pag kausap ko sya?

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko naman.

"Ahm, wala toh. Don't mind it. Bakit ka pala napatawag?" Tanong naman nya.

"Nagtext kasi ako sayo pero di ka nagreply kaya tinawagan kita"

"Oh? Talaga? Wait babasahin ko" sabi nya.

"Jina, wag na" pagpipigil ko. Nyemas ang corny nyan.

"Ipapapulis mo ko? Bakit?" Tanong naman nya.

"Kasi ninakaw mo puso ko. Kaya ipapakulong na kita. Alam kong corny. Makakatawa ka na" sabi ko sakanya.

"Hahaha, corny nga. Ahm, silver baba ko na toh ah kakain na kasi kami" napatingin naman ako sa wall clock dito sa kwarto ko at quarter to eight na pala.

"Sige. Kumain ka ng marami. Bye wifie haha" sabi ko at binaba na agad ang tawag. What the fuck am I saying? Ganito ba pagna inlove?

"Hoy silver! Bumaba ka na dyan. Kakain na" sigaw ni miyu.

"Susunod!" Sigaw ko pabalik.

Nagpalit muna ako ng damit at bumaba na.

"Asan sina mom?" Tanong ko kay miyu.

Ayos nga eh. Iniwan ko syang kumakain tapos pagbalik ko kumakain ulit.

"Mamaya pa sila uuwi. Siguro mga 10 pm" sabi niya. Aalis na ulit ako ng magsalita ulit si miyu.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon