CHAPTER 44

27 1 0
                                    

Kim's pov

"Mr. Kim, eto na po yung mga documents, lahat ng mga pina-imbestigahan nyo ay nandito na. Base rin po sa mga ito ay may nakuha pa akong ilang impormasyon" iniabot sakin ni detective park ang isang envelope. Nandito kami sa bahay at alam ni mom ang tungkol dito actually si mom mismo ang nag-hired kay detective park.

"Ano pang mga impormasyon ang mga nakuha mo detective park?" Tanong ko. Wala dito si mom at mamaya pang gabi ang uwi nya.

"Nalaman kong hindi lang sya, kundi apat silang magka-kasabwat. Kumuha na din ako ng mga impormasyon sakanila" may binigay pa sakin si detective park na isang envelope. Agad ko naman itong binuksan at nakita ang kanilang mga profiles. Dalawang babae at dalawang lalake, hindi sila magkaka-maganak.

"Kung may tanong pa kayo Mr. Kim o kung meron kapang ipapaimbestiga tawagan mo lang ako." Sabi nito. Tumayo na kaming dalawa at hinatid ko na sya palabas ng bahay.

"Sige Detective Park, salamat sa mga impormasyon" sabi ko at nakipagkamayan.

"Walang ano man. Aalis na ako" pag-papaalam nito.

Pumasok na din ako sa bahay at muling tiningnan ang envelope. Binuksan ko naman ang unang binigay sakin ni detective park kung saan nakalagay ang mga documents na naglalahad ng mga pangyayari 5 years ago.

"So, totoo nga"

FLASHBACK...........

"Mom" maybe now i should know about my past.

"Kim" tawag sakin ni mom agad naman akong lumapit sakanila.

"Mom, narinig ko po pinaguusapan nyo ni manag. Ano po ba nangyari sakin nung bata pa ako?" I asked.

"Ma'am" tawag ni manang kay mom. Halata sa mukha ni manang ang kaba.

"Manang, baka ito na talaga ang time para malaman nya ang past nya" sabi ni mom kay manang. Humarap sakin si mom at hinawakan ang kamay ko. Umupo kami sa sala at hinintay kong magsalitang muli si mom.

"F-five years ago.." bago ni mom maipagpatuloy ang kanyang sasabihin ay bumuntong hininga na muna sya.

"Five years ago, nakatira tayo sa south ville malapit iyon sa paaralan nyo sa west university. Bata pa lang kayo lagi mo ng classmate noon ang mga barkada mo ngayon pero meron pa kayong apat na kaibigan noon. Lahat tayo pati na rin mga pamilya ng mga barkada mo ay nakatira din sa south ville. Isang araw nagkaroon ng isang party ang pamilya ni miyu sa park at nangyari ang hindi inaasahang pangyayare" Hindi na kayang ipagpatuloy ni mom ang kanyang kinikwento kaya si manang naman ang nagpatuloy.

"May mga armadong lalake ang sumira sa party na iyon. Lahat kayo ay dinukot at ginawang hostage lahat ng tao ay nagpanic lalo na ang mga magulang nyo. Sa kalagitnaan ng pangho-hostage ay may isang lalakeng bigla na lang sumugod para makalapit sainyo nagulat na lang kami ng bigla itong paputukan ng isang armadong lalake. At sumigaw ang isang bata na isa sa mga hostage. Naisip namin na baka tatay nya ang nabaril. Dahil sa lalong natakot ang mga tao ay meron isang armadong lalakeng pinaputukan ang sarili dahil sa napatay nya ang tatay ng isa sa kaibigan nyo. Lalong nagkagulo doon at may dalawang bata na sinubukang t-tumakas a-at bigla silang binaril ng mga armadong l-lalake. W-walang awang pinatay ng mga armadong lalake ang d-dalawang bata." Mula sa pagki-kwento ay bigla namang napaiyak si manang. Pati si mom umiiyak na din.

"Ibig nyo pong sabihin, namatay po yung dalawa naming kaibigan??" Tanong ko sakanila.

"Oo" sagot ni mom. Napakuyom naman ang kama ko.

"Asan na po yung mga armadong lalake? Nahuli ba sila?" Tanong ko. Galit ako sa mga armadong yon dapat silang mabulok sa kulungan.

"Dumating naman ang mga pulis kaso meron ng tatlong tao ang namatay. Pero bago sila mahuli ng mga pulis ay nagpaulan sila ng bala. Pati kami ay pinputukan nila. At merong mag-asawang namatay at dalawang binatang lalake" sabi ni manang.

"Makalipas ang isang buwan ay nalaman namin na dahil pala sa pamilya nila miyu kaya nagkaroon ng pangho-hostage. Nagkaroon kasi ng alitan sa business ang kanyang tatay. At makalipas nun ay lumipat na tayo ng tirahan. Malayo sa kanila." Sabi naman ni mom.

Ang hindi ko lang maintindihan.

"Bakit pa tayo bumalik dito?" Tanong ko. Sa kabila ng mga nangyari ay bumalik pa kami dito.

"Yun kasi ang gusto ng dad mo. Wala naman akong nagawa, tsaka limang taon na rin naman ang nakalipas. Di ko naman naisip na manyayari pa toh" sabi ni mom.

At dahil na din sa letter na binigay sakin ng babae ay nagsimula na kaming magpa-imbestiga.

....................END OF FLASHBACK

Di na namin naisipan pang lumipat nang dahil lang dito sa threatening letter na natanggap ko. Kailangan ko tong harapin. Lahat kami biktima dito.

Tiningnan ko ang profile nya at sya nga ang batang namatayan ng nakakatandang kapatid at tatay.

Sya ang anak ng lalakeng bigla nalang sumugod at unang binaril ng mga armadong lalake. Ang kapatid naman nya ay ang binatang namatay din dahil sa pagpapaulan ng bala ng mga armadong lalake.

Sunod ko namang tiningnan ang profile ni matt.

"No way"

Nagulat naman ako ng sya pala ang anak ng mag-asawang namatay.

Actually lahat sila pina-imbistigahan ko.

Tiningnan ko ulit ang apat na profiles sa kabilang envelope.

Ang isa babae ay hindi namin ka-edad at nagsasabing kapatid nya ang isa sa hostage na pinatay.

Tiningnan ko naman ang isa pang di namin ka-edad na lalake. Meron din syang kapatid na hostage din at napatay.

"Sila ba ang kapatid nila Jade at Rachel?" Tanong ko sa sarili ko.

Jade and Rachel, sila yung kaibigan namin na sinubukang tumakas at pinagbabaril.

Napabuntong hininga naman ako. Dahil sa aksidenteng iyon may mga tao pang namatay. At ngayon mukhang may mga taong gustong maghiganti.

Kailangan ko silang mapigilan.

Dahil kung hindi, magkakaroon nanaman ng gulo.

Napatigil naman ako sa mga pinag-iiisip ko ng biglang nagring ang phone ko..

"Hello?" Sagot ko naman sa tumawag.

"Kim, we need to talk" sabi ni nica sa kabilang linya.

"Tomorrow, sa tambayan" sabi nya at agad na binaba ang tawag.

Pishtea naman oh. Di man lang ako hinayaang makapagsalita --,--

♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon