CHAPTER 18

48 1 6
                                    

Liam's pov

KRIIIIING!!~

"OK, class dismiss" agad namang lumabas ang teacher namin sa mapeh.

"pano ba yan liam,mamaya na lang ulit ahh kakain muna kami hahaha" sabi naman ni bea habang inaayos ang gamit nya.

"haha sige kumain ka ng marami ahh" sabi ko namam at kinuha ko ang librong hiniram ko, balak ko na kasing ibalik ito sa library.

"hahaha baliw ka talaga! By the way lagi na kitang ikikwento sakanya para maimpressed sya sayo hahaha"

"tsk baliw ka talaga" sabi ko naman at ginulo ang buhok nya.

"ay! Wag mong guluhin! Inayos pa nga toh ni nica ehh, sige ka lahat ng ikikwento ko sakanya kabaligtaran ng kabaitan mo sige!" Pambabanta nya naman.

"hahaha bahala ka sige bea, ibabalik ko pa to eh kumain ka na lang" sabi ko nanam.

Tumingin naman ako sakanya bago lumabas.

I'm used to it, lagi ko syang tinitingnan everytime, everyminute, everyday, siguro ganito talaga pagtinamaan ka di ka magsasawang titigan ang taong gusto mo.

Dumiretso na ako sa library at binalik ang librong hiniram ko, habang hinihintay ko ang pagbalik sakin ng library card ko ay nakaramdam naman ako ng vibration sa bulsa ko agad ko naman itong kinuha at sinagot ng di na tinitingnan kung sino ang tumatawag binalik na rin sakin ang library card kaya naglakad na ulit ako pabalik sa classroom dahil malapit na ring magbell

"hello?" Sagot ko naman sa tawag

"tol!! Akala ko di mo sinagot eh!" Sabi naman ng tao sa kabilang linya nagulat naman ako kaya napatingin ulit ako sa screen ng phone ko.

"takte tol! Bat ngayon ka lang nagparamdam?"Tae namiss ko toh ehh!

"Uyy namiss nya ako" pangungulit naman nya kahit kailan talaga di pa rin sya nagbabago, yan ang gusto ko sakanya kaya sobrang bless ko talaga dahil meron akong isang tulad nya ay leche ang bakla ko! Haha

"ehh sa antagal mong nagparamdam eh" sabi ko naman

"may inayos lang ako hahaha, guess what" sabi naman nya.

"you know that I don't want a guessing game" napatawa naman sya sa sagot ko.

"hahaha, namiss ko yan na line mo na yan tol! Anyway nandito na ako sa bahay haha kakagising ko nga lang ehh and I'm so bored kaya naisipan kong tawagan ka" at nagulat nanaman ako sa sinabi nya.

"are you kidding me?!" Tanong ko naman

"hmm nope" sabi naman nya

KRIIIIING!!~

"Oh pano na yan tol, narinig ko dito bell nyo ahh hahaha syett! Excited na akong pumasok dyan" sabi naman nya.

"hahaha baliw! Sige mamaya na lang dahil nagbell na" at ayun binabaan ko na. Nasa labas lang naman ako ng room kaya pumasok na agad ako dahil nandyan na ang teacher namin sa AP.

"Get 1/4 sheet of paper we will have a quiz" sabi agad ni ma'am fajardo pagkapasok niya.

"uyy penge nga" sabi ko naman kay bea sabay hablot ng 1/4 pad nya at kumuha ng isa di naman na nagsalita si bea dahil nagsalita na ulit si ma'am fajardo.

"number 1" 

"wait lang ma'am!" Sabi naman ni justin kaya tinitigan sya ng masama ni ma'am fajardo.

"he-he sige na ma'am"sabi nya ulit. Nagsitawanan naman ang iba kahit nga ako, ang epic kasi.

Nagsimula na ang quiz at puro true or false lang kaya di naman ako nahirapan tsk. easy.

"Exchange your paper to your seatmate" sabi ni ma'am fajardo kaya nagpalitan naman kami ni bea ng papel. Sinabi na ni ma'am ang sagot at nakakuha lang si bea ng 27.

"Tsk, 3 mistakes, di ready?"

"Hmm, yeah late kasi kaming nakatulog kagabi ehh tsaka surprise quiz kasi hahaha buti ka pa perfect" sabi niya at inabot naman sakin ang papel ko.

Tinawag naman ni ma'am fajardo ang nakakuha ng 30 kaya pumunta na ako sa unahan para ibigay ang paper ko actually lima kaming nakaperfect at isa nanaman sya doon.

Sunod sunod na ang tinawag ni ma'am, natawag na rin ang score ni bea kaya tumayo na sya para ibigay ang papel nya.

"By the way ano bang ginawa mo kagabi at late ka ng natulog?"

"Well, natulog kasi kami sa tambayan namin at nagkulitan kagabi kaya ayun late ang abot" sabi naman niya.

"hahaha as in kayong lahat?" Tanong ko naman.

"yesss even her" so kasama pala sya tapos ngayon perfect pa sya sa quiz.

Lalo tuloy akong bumibilib sakanya.

After kolektahin ni ma'am fajardo ang papers namin ay nag lesson naman sya hanggang sa nagbell na ulit at uwian na .

"Sige liam byee!~" pagpapaalam ni bea lumapit sya Kina justin at kinausap ito at agad na lumabas.

Natatae ba yun? Nagmamadali ehh. Nagsilabasan na rin ang iba naming kaklase hanggang sa akk na lang ang natira. Kinuha ko naman  ang gitara sa gilid ng cabinet, wala naman kasi gumagamit ehh.

Nagsimula akong magstrum hanggang sa tinugtog ko ang lego house wala namam kasing tao kaya pinagpatuloy ko lang hanggang sa matapos.

"wow~"nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko

"woah, m-morj ginulat mo ko" sabi ko naman pucha nautal pa ako.

"ang galing mo naman tumugtog pero bakit di ka kumanta?" Tanong naman nya.

"ahmm,ang pangit kasi ng boses ko hehe"sabi ko naman at napakamot pa ko sa batok ko, kanina pa ba sya nandito?

"Weh? Asa haha" pagkasabi nya nun ay lakad sya palapit dun sa upuan nya.

"Sige xeverious alis na ako haha sa susunod kumanta ka ah byee!" At tuluyan na syang lumabas habang ako dito mukhang tangang nakatulala sa nilabasan nya.

"D-did she just called my second name?" Di makapaniwalang tanong ko and I was stupid for that dahil wala namang tao ang sasagot sa tanong ko. Well narinig ko naman talaga eh mukha lang kasi akong tanga. Lumabas na ako ng room at dumiretso na sa parking lot at sumakay na sa rider ko at pinaharurot ko na ito pauwi, medyo magdidilim na rin pala.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko naman ang kambal ko na nakatulala at mukhang tangag nakangiti just like me awhile ago. Kambal talaga kami kinuha ko naman ang pillow na malapit sakin at tinapon ito sa mukha nya at natauhan naman sya

"anyare sayo??" 

"Tol, I think i saw my future wife" tangi niyang sinabi at tumaas na. luh?? Anong nakain nun?? Tapos future wife? Hahaha grabe ahh umalis lang sya ganito na agad sya ngayon?

---------------------------------------------------------------------------------------------
*****
Liam's pic on the top hope you enjoy it---- RIN

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon