CHAPTER 59

25 1 0
                                    

Kim's pov

"Hello, mang kador? Padala po ako ng shirt dalawa ho. Pakuha na lang kay manang sa room ko." Sabi ko agad kay mang kador.

"Sige iho. Dadalhin ko na lang dyan" sabi naman ni mang kador. Binaba ko na ang tawag at tumingin ulit kay xander. Taena tinulugan ako? Bahala na nga sya, gisingin ko na lang mamaya.

Tiningnan ko naman si nica.

"Gumising ka agad ah. Dapat bukas gising ka na ok?" paninimula ko. Para akong tanga. Kinakausap ko lang naman kasi ang tulog.

"Pag nagising ka, may aaminin ako sayo" sabi ko ulit. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni nica at nanatiling pinagmasdan sya.

"Kapit ka lang ah" sabi ko at hinalikan ang likod ng palad nya. Kung magigising ka lang sa halik ginawa ko na eh. Pero di naman ako naniniwala sa ganun tsaka bawal pa yun hehe syempre nirerespeto kita kaya di ko muna yun gagawin. Saka na ^_^

"Ayieee~ Gumising ka agad ah. Dapat bukas gising ka na ok? Hahaha" napatingin naman ako kag xander ng bigla itong nagingay. Naisahan ako ng gago ah.

"Kala ka ba tulog ka na?" Inis kong sabi.

"Pag nagising ka, may aaminin ako sayo. Hahaha ayiee~" panunukso nya pa.

"Imba ka talaga!" Sabi ko at napatawa na din. Nakakahawa kasi tawa ng baklang to.

"Kapit ka lang ah. Hahaha nakakatawa ka talaga pag seryoso mukha mo!" Sabi nya at humalagpak na sa tawa.

"Wag ka ngang maingay nasa ospital tayo. Gunggong ka talaga" sabi ko sakanya. Pinigilan naman ni xander na tumawa pero wala eh sadyang ang pangit nya kaya tawa pa rin sya ng tawa hanggang ngayon. Buti na lang at may kumatok kaya napatigil na sya.

Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan.

"Sir, eto na po yung damit nyo" sabi ni mang kador at inabot sakin ang paper bag. Nagpasalamat naman ako at kinuha na yung damit. Inanyaya ko muna si mang kador na pumasok at magpahinga muna pero tumanggi sya dahil walang kasama si manang sa bahay kaya umalis agad sya.

"Oh isuot mo. Ibalik mo yan ah" sabi ko kay xander at hinubad yung shirt ko, pumunta ako sa c.r para maghilamos at pinunasan ko din yung tyan ko. May mga dugo din kase. Lumabas na ako ng c.r pagkatapos ko at si xander naman ang gumamit.

Tumabi ulit ako kay nica at pinagmasdan sya hanggang sa makatulog ako.

-------------------

"Guys, look"

"Ang cute nila~"

"Shh! Ang ingay nyo. Tulog pa sila"

"Eh ikaw lang naman ang maingay eh!"

Bakit ba ang ingay?

"Alam nyo? Kayong dalawa lang naman maingay eh"

Ang ingaaaay~

"Sino bang nagsimula? Diba ikaw?"

Sino bang nandito?

"Anong ako?! Kayo nagaaway eh"

Gising na ba sina nica at sum? Dahan dahan ko munang minulat ang mata ko at unti-unti kong naaanigan ang taong nasa couch hanggang sa makitang sina justin, mich at jinri pala ang nagbabangayan.

Nilibot ko ang paningin ko at tulog pa ata si xander na nakapatong ang ulo sa bed ni sum.

"Oh ayan. Nagising tuloy si kim" sabi ni jinri at nag cross arm pa.

"Tol! GOODMORNING!" Bati sakin ni justin at nakipagbeso pa. Muntanga keaga-aga oh --__--

Tumayo na ako at pinagmasdan ko muna si nica bago tumungo sa C.R . Akala ko pa naman gising na sya.

Naghilamos muna ako at nagtooth brush. Astig nga eh, may libreng toothbrush dito. Pagkatapos kong magtoothbrush ay lumabas na din ako.

"Panira kayo ng umaga eh. Kitang natutulog magiingay pa kayo tsk" inis na sabi ni xander sakanila. Mukha namang mga batang napagalitan yung tatlo. Yan, makuha nila daig pa kase nasa palengke kung magbangayan eh.

"Xander" tawag naman ni justin. Mukha syang seryoso kaya napatingin sakanya si mich at jinri.

"Tol! GOODMORNIIIING!!"

---____---

Kung pwede lang sana mahulog na si justin sa kinatatayuan nya. Nangyare na yun, kaso hindi eh. Lumapit ako sakanila at pinigilan na si justin sa kabebeso kay xander. Nandidiri na nga si xander haha

"Hay nako justin. Kung wala ka atang girlfriend maiisip kong bakla ka" sabi ni xander at pumunta din sa c.r.

"Taena mo! Hahaha" tumawa na lang si xander pagkatapos ay tuluyan ng pumasok sa c.r

"Ang aga nyo?" Tanong ko sakanila. Umupo ulit si justin sa couch habang kami ay nanatiling nakatayo. 7:30 palang ng umaga at nandito na agad sila.

"Boring sa bahay eh. Walang maingay" sabi ni justin.

"San kambal mo?" Tanong ko at nakitabi sakanya.

"Sumama dun kina van para bumili ng pagkain tapos si miyu susunod na rin yon" sabi niya ulit. Lumabas na din si xander at tumabi samin. Si jinri at si mich mukhang pinagmamasdan sina nica at sum.

"Gutom na ako. Ang tagal naman nina van?" Sambit ni xander habang hinihimas ang kanyang tyan. Yan, di kasi inubos yung pagkain nya kagabi.

"Guys, pansin ko ang daming kalmot na natamo ni summer pero diba nahulog lang sila?" Biglang salita ni mich. Agad naman kaming lumapit sakanila at pinagmasdan ang sinasabi ni mich. Lumapit din ako kay nica para icheck kung meron din syang kalmot and yeah, they're right may kalmot din si nica sa mukha.

"Don't tell me, nagaway silang dalawa sa rooftop kaya sila nahulog" sambit naman ni justin. Nakatanggap nga ng batok mula kay mich. Amputs, sinong baliw ang magiisip ng ganun?

"Di sila magaaway. Alam kong may kinalaman dito si lily" I said. Pwedeng nagaaway sina nica at lily pero biglang sumingit si sum at mas lalong nagkagulo.
Pero pwede ding si sum at lily ang nagaaway at nakisingit si nica.

"If lily vs nica and sum. How come natalo sina sum? I mean, nakaya sila ni lily ng magisa?" Tanong ni justin.

"Alam kong di sya nagiisa. Malay natin baka may kasama pa yung lily na yon tapos pinagtulungan sina sum at nica" sabi ni xander. But, i don't think so. Isa lang ang kasabwat ni lily sa school at binantayan ko talaga sya kaya alam kong magisa lang si lily ng gawin nya ito. And I'm so stupid for not protecting them!

Are she really that strong? Shit! This is not good.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon