CHAPTER 33

42 1 0
                                    

Nica's pov

"Ang bilis mo naman matapos yung lyrics, bilib na talaga ako sayo" sabi ni miyu na tinitingnan yung sinulat ko.

"Madali lang naman kasi tsaka sisiw lang yan sakin haha" pano ba naman ang topic lang naman sa science ay taking care of hair pero syet! Sa pagkakaalam ko kasi tle yon. Hay nevermind, sabi nga nila everything change pero infairness di nakasigaw mode ngayon si miyu.

"Ahh, haha so~ kailan natin toh sisimulan? " tanong ulit nya.

"Ewan, kayo bahala. Magusap kayo ni matt" sabi ko kay miyu

"Gagi! Lahat kaya tayo para malaman nyo na mga gagawin nyo."

"Ok" sabi ko naman nasa library kami ngayon, thou mamaya pa naman yung library hour namin pero wala naman yung teacher namin sa computer kaya dumiretso na kami dito.

"Tinext ko si matt pupunta na sila dito" sabi ulit ni miyu pagkatapos ay tumingin ulit doon sa bond paper.

After 5 mins dumating na din sina matt.

"What's up guys!" Bati naman ni van

"Shhhh!!" Nagulat naman kami ng sawayin ng librarian si van.

"Peace!" Sabi namam ni van dun sa librarian na tinarayan naman siya.

"Yan kasi, kitang nasa library sisigaw" pangaral naman ni jinri.

Tumabi naman si van kay miyu. Habang si matt sa harap namin tas tumabi naman sakin si jinri and sum. Then sa kabilang gilid naman ni miyu si mich tas kaharap ni matt si xander. Gets?

"Bakit?" Tanong naman ni matt.

Inabot naman ni miyu yung bond paper.

"Yan yung nagawa ni nics." Sabi nito. Tinanggap naman yon ni matt at binasa.

"Ok, pwede na toh" sabi ni matt.

"So~ anong plano dyan?" Tanong ko naman.

"I have a suggestion" sabi naman ni van na ngayon ay hawak nya na yung bond paper pero inagaw din naman ni xander.

"Kaming dalawa ni xander maggigitara then kayo kakanta. Para sa video naman nito kayo pa rin kakanta tas sasama kami sa pagsayaw." Sabi ulit ni van. Actually maganda yung naisip nya.

"Pero dapat lahat tayo kakanta" sabi naman ni jinri and she has a point.

"Well, ako na lang dito sa pangsecond na rap" sabi ni van.

"Kailan nga ba magpeperform nito?" Tanong ni sum kahit na busy sa pagbabasa naisip pa netong magtanong.

"Hmm, september 8" sabi naman ni xander

"So we have, one week para makapagpractise. Kaya?" Tanong samin ni matt

"Fighting!" Bulong na pasigaw naman ni van.

"Hahaha nice one"

"By the way, kailan ba yung deadline nung video?" This time si miyu naman ang nagtanong.

"september 21 pa yon" sagot naman ulit ni xander.

"Talaga, edi makakapraktis pa tayo dun sa sayaw" i said

"Oo, madami tayong time don at di dapat natin yon sayangin." Sabi naman ni matt.

"Yay! Haha soo~ we should practise now! Tutal wala naman tayong gagawin eh, but! Ang pagpapraktisan muna natin ngayon ay yung song right?" Sabi ni mich nagsanayon naman kami at sinulat ang kanya-kanyamg line.

"Diba alam nyo yung chords nito?" Tanong ko kay van

"Yeah, dadalhin pala namin yung gitara bukas para tuloy-tuloy na ang pagpractise" sabi ulit nito.

"Comb your hair girl~
Yeah you have a smooth and preety hair, girl~" pagkakanta naman ni xander.

"Wooh galeng! Hahaha" pinagpatuloy yon ni xander tas sumunod naman si miyu. Then sa refrain ang kumanta ay si mich and sum. Ako naman tapos si matt sa chorus. And sa second naman na rap si van then balik ulit sa refrain and chorus then sa bridge xander and jinri. Then last me and matt chorus.

"Nice one, hahaha" sabi ni van.

"Ang dali lang naman pala nito eh" sabi ni sum

"Guys, sauluhin nyo na yan ah para makapagpraktis na tayo tom with the guitar then sa susunod may kasabay ng sayaw" sabi ni matt kaya sina xander, van and miyu nagpractise ng line nila same as jinri, sum and mich.

Napansin ko namang nakatulala lang si matt na parang ang lalim ng iniisip.

"Ahh guys, alis muna ako pero babalik din naman ako" sabi ko at tumayo na.

"San ka pupunta? Sama na ako" sabi naman ni matt.

"Sama ka sa cr?" Tanong ko naman napatawa naman sina van sa tanong ko at nanigkit naman ang mata ni matt hahaha

"Wag na lang pala." Sabi nya at nagbasa na lang ng libro.

Lumabas na ako ng library at dumiretso na sa cr.

kaso may nakabanggan akong babae di ko naman kase napansin ehh tsaka tumatakbo sya.

"Sorry" sabi ko sakanya at tinulingan syang tumayo.

"Ayos lang, sanay naman akong masaktan eh" sabi niya at tumakbo na ulit paalis.

Ang wierd nya ahh. Naglakad na ulit ako patungo sa cr pero agad din naman akong napatigil, di ko alam kung bat ako napatigil basta bigla na lang akong napatulala at may biglang nagflash sa isip ko na isang pangyayari.

May isang babaeng nakatayo sa harap ko bata pa ako nun at kasing idad ko lang rin yung nasa harap ko siguro mga 10 years old palang kami. Pero may hawak syang baril at mas lalo akong nagulat ng ipaputok nya ito sakin. Napahawak naman ako sa pader na malapit sakin dahil sa nanghina ako, napahawak din ako sa sentido ko dahil bigla na lang itong kumirot at napapikit na lang ng mas lalo pang sumakit. Shit! Ang sakit!

"Nics, ayos ka lang?" Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni matt.

"Anyare sayo? Namumutla ka oh. Gusto mong dalhin kita sa clinic?" Tanong nya sakin inalalayan naman nya ako sa paglakad at pinaupo  sa bench.

"Thanks, nahilo lang ako pero kaya ko naman" sabi ko na lang kahit na medyo kumikirot pa ang ulo ko.

"Sigurado ka? Baka mamaya mas mahilo ka pa nyan, o baka buntis ka? Hala!! Sino ama? Imposible naman kung ako eh di nga kita gina-- Aray!"

Taeng bunganga yan!! Kahit ano sinasabi ng lalaking toh eh!!

"Watch your words! Bastos kang lalake ka! Ako buntis? Gagi ka? Nahilo lang buntis agad?" Aish lalong sumasakit ulo ko!

"Ano ka ba, biro lang naman ehh" sabi nya habang hinihimas pa ang batok, buti nga yan sakanya tss magbibiro pa eh.

Kriiiing~

Tumayo na ako at tataas na sana ng tanungin naman ako ni matt

"San ka pa pupunta eh lunch break na rin naman"

"Sina miyu, pupuntahan ko" sabi ko naman

"Nah~ halika na mauna na tayo sa camteen gutom na ako" sabi nya at kinaladkad na ako patungo sa canteen.

"Langya! Dapat sabay-sabay na tayo nina miyu" sabi ko naman at pinilit kong bumalik don kaso ang lakas nya!! TToTT

"Nah, tinext ko na rin naman si miyu na mauna na tayo" sabi naman nya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama na lang. Susunod na rin naman sina miyu.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon