CHAPTER 39

33 1 0
                                    

Nica's pov

Kasululuyan kaming nandito sa ospital dahil sa nangyari kahapon. Naisipan naming wag na munang pumasok dahil sa nangyaring yon at dalawin na lang sina morj  and xander na nakaconfine dito. Mabuti na rin ang kalagayan ni Bea ngayon pero di muna sya sumama sa pagdalaw dahil sobrang sakit daw ng ulo nya. Habang si van naman may mga galos sa mukha, kaya di rin sumama. Alam na din ng parents nila na nandito  sila sa ospital. Pero di nila alam ang totoong nangyari. At eto, nagsisiiyakan sila hay.

"waaah~ my princess~ patay na ba sya? waa~" paghihisterical naman ni tita solen. Mommy ni morj.

"Honey naman, wag kang OA tulog lang yan" sabi naman ni tito zylan.

"Ano ba kasing nangyari at naospital sila?" tanong naman ng Dad ni xander.

Nasa iisang room lang kasi si morj and xander para di na kami mahirapan pang maglipat-lipat ng room kaya pinagisa na lang namin.

"Ahm, actually po..... Di namin alam." sabi ni matt. Well wala kaming karapatang pangunahan si xander sa mga sasabihin nya sa parents nya.

"Anong di alam? Diba kayo lang naman ang magkakasama? Dapat alam nyo kung anong nangyari sakanila!" galit na sabi samin ng mom ni xander.

"Sorry po" tanging na sabi namin.

Kami lang nila matt, justin at kim ang nandito sa loob habang sina miyu, sum, at mich naman ay papunta pa lang dito. Nandito rin sina jinri, mark at Liam pero lumabas muna para bumili ng pagkain. Malapit na rin naman kasing maglunch.

"Ikaw justin! di mo man lang binantayan tong kambal mo. Tingnan mo nangyare,  naospital pa!" galit din na sabi ni tita solen.

"Juskong mga bata kayo oh! nakakastress!" sabi din ng mom ni xander na nakahawak pa sa kanyang sentido.

"M-mom?" napatingin naman kami kay xander ng magsalita ito.

" xander, buti naman at gising kana may masakit pa sayo ah? saan? dito?" sabi ulit ng mom nya at niyakap ito.

"Wala toh mom" sabi naman ni xander.

"Anong wala? Teka! ano ba kasi talagang nangyare huh? bat kayo naospital huh?!" tumingin naman samin si xander pero binalik ulit ang tingin sa mom nya.

"Namali lang po yung pagkabagsak ko sa practise kahapon." palusot naman nya. Buti nga walang galos si xander sa mukha.

"Sigurado ka?" tanong naman ng dad nya.

"Yeah, I'm ok." sabi naman ni xander.

Nagising na din naman si morj at iba din ang kinwento nya.

Gusto nyong malaman kung ano ba talaga ang nangyari?

FLASHBACK....

"Mich na text mo na ba si bea?" tanong ni van. Kanina pa kami nandito sa parking lot naghihintay pero wala pa rin sina bea. Malapit ng 5:30 oh.

"Kanina ko pa tinext di naman nagrereply, Ganun din kay justin." sabi naman ni mich habang nakatingin sa phone nya.

"Baka di pa tapos mag practise kayo naman." sabi naman ni jinri.

"Matagal pa ata sila. Bili muna kami." sabi ni miyu at hinigit si jinri.

Kinalilot ko naman ang phone ko dahil wala naman akong magawa.

"Aaaaaaah!!" agad naman akong napatingin kila matt at sum.

"Ano yun?" tanong mich.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon