CHAPTER 45

29 2 0
                                    


Morj's pov

"Morj, natatakot ako" sabi nya sakin.

Isang batang babae ang kaharap ko at duguan.

"Morj, tulungan mo ko" sabi nya ulit sakin.

Agad akong tumakbo ng bigla syang umaabante patungo sakin. Pero agad din naman akong napatigil ng biglang sumalubong sakin si jenny. Ang kaibigan ni jina.

"Ate, tulungan mo sya" pagmamakaawa nya sakin.

"P-pero..." agad namang naputol ang sasabihin ko ng bigla nya akong hawakan sa magkabilang braso.

"Bakit di mo sya tinulungan?!"

***

Agad naman akong napabangon dahil sa isang panaginip.

"Panaginip?" Bulong ko sa sarili ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganong panaginip.

"Papanong nandoon naman si jenny?" Tanong ko ulit.

Napatingin naman ako sa alarm clock ko at alastres pa lang ng umaga.

Tumayo ako at pumunta sa kitchen. Bigla kasi akong nakaramdam ng uhaw.

Binuksan ko namam ang ref at kumuha ng mineral water.

"Oh, gising ka rin pala" muntik naman akong mabulunan sa biglang pagsulpot ni justin.

"Nyemas naman jus, may balak ka bang patayin ako sa panggugulat mo?" Inis kong tanong sakanya. Habang sya naman ay halos madapa na sa kakatawa --__--

"Hahaha you should seen your face!" Sabi nya at tinuro turo pa ako.

"Di ka nakakatawa ah. Sampalin kita dyan eh" sabi ko. Binalik ko naman ang bottled water sa ref at umupo sa counter.

"Bakit ba kasi ang aga mo magising? Infairnes ah, first time eh" sabi naman nya. Kinuha naman nya sa freezer yung ice cream.

"Bigyan mo nga rin ako" sabi ko sakanya.

"May napaginipan kasi ako. Ang wierd nga eh kasi merong batang umiiyak at duguan tapos nandon pa si jenny. May meening ba yon?" Pagki-kwento ko naman sakanya.

Napatingin naman sakin si justin
Yung tingin na parang gulat at takot.

"M-morj" tawag nya sakin at parang may tinuturo sa likod.

"Tumigil ka justin sasapakin na talaga kita" pambabanta ko sakanya. Lakas ng trip eh.

"Haha toh naman oh. Sayang di ka na ulit natakot" napailing na lang ako sa sinabi nya. Binigay naman nya sakin ang ice cream at tumabi sakin sa counter.

"Eh ikaw? Bat gising ka sa ganitong oras?" Tanong ko sa mokong na toh.

"Well, every monday, wednesday, friday and sunday ang schedule ng jogging ko eh and wednesday ngayon" tss. Ang payat na nga nito naisipan pang magjogging --__--

"You know morj, ang panaginip kasi hindi naman yan makatotohanan. It's just a dream kaya wag mo ng isiping may meaning yon." Hmm, ok tsaka wierd nga talaga yong panaginip na yon.

"Alam mo ang mas mabuti pa sumama ka na lang sakin mag jogging" sabi nya at tumayo na. Nilagay naman nya sink ang pinagkainan nya at mukhang hinihintay ang aking sagot.

"Hintayin mo ko maliligo lang ako" sabi ko. Nilagay ko na rin sa sink ang mangkok at tumaas na para makapaghanda.

After kong maligo ay sinuot ko naman ang jogging pants ko at nag t-shirt sinuot ko rin ang baby pink color kong jacket. At panghuli ay nagsapatos.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon