CHAPTER 32

41 1 0
                                    

Kim's pov

"Ijo!" Napatigil naman ako sa pagakyat ng tawagin ako ni manang kaya humarap ako sakanya.

"Bakit po?" Tanong ko at bumaba ulit sa hagdan para makalapit sakanya.

"May pinapabigay pala yung babae sayo, antay at kukunin ko sa ibabaw ng ref" sabi ni manang at dali-daling pumunta sa kitchen.

Di namam nagtagal at bumalik na ulit sya at binigay sakin ang isang sobre.

"Ano po toh?" Takang tanong ko. Don't get me wrong ah, alam kong letter toh dahil nasa sobre sya ang minimean ko ay bakit sya nagbigay ng letter? I mean nagantay pa sya ng matagal tapos may ibibigay lang palang letter?

"Basta bigay nya lang yan sakin, ijo aalis muna ako dahil may mga gagawin pa ako. Maiwan na kita" sabi ni manang at pumunta kung saan man.

Pumunta na lang ako sa room ko at inilagay yung librong pinahiram sakin ni nica sa table ko. Binasa ko naman ang letter.

Just because it happend in the past, doesn't mean it didn't happen.

"Huh?" Natatawa ako. Seryoso?? Ano toh?? Ano naman bang ibig sabihin nito? Aish! Ano ba yan nalilito na ako pero natatawa talaga ako. Hahaha pano ba toh. Ahmm yeah, wala kasi akong maalala sa past ko. Basta yon na yun haha.

Napatigil naman ako sa pagtawa ng nagring ang phone ko. Teka, asan na ba yon? Nandito lang yon sa table ko eh, hinanap ko na sa buong kwarto ko pero di ko pa talaga makita-kita ang bwiset kong phone -__-

"Gotcha!" Hays! Nasa ilalim lang pala ng kama ko >,>

"Hello?" Sagot ko sa tawag si matt lang naman ang tumatawag eh.

"Bakit ang tagal mong sagutin?"

Agad naman nyang tanong sakin. Ang init naman ng ulo neto.

"Chill, hinanap ko pa phone ko" sabi ko sakanya. Naalala ko naman yung letter na binigay sakin ni manang.

"Bakit ka pala tumawag?" Tanong ko, perst tym kasing tumawag eh.

"Punta ka sa tambayan." At yown! Binabaan ako-__-

"Di man lang nag goodbye" sabi ko naman, bastos na bata~__~ 

Tinago ko muna yung letter sa drawer. Wala akong balak sabihin toh sakanila.

"Hi guys!! oh? Asan yung iba?" Si matt lang tsaka si nica ang nandito ehh.

"Well, kayo lang talaga ang pinapunta ko dito, wala ng iba" sabi ni matt. Kakaiba ang aura nya ngayon yung para bang kaya nyang pumatay?

Pero joke lang yon haha.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Asan yung letter?" What? Don't tell me.

"Nakita ko kim, at kilala ko ang babaeng yon" sabi ni matt na ikinagulat ko naman.

"So, sino ang babaeng yon? And yeah, nasa drawer ko yung letter"

"Diba kim sabi nung girl schoolmate natin sya?" Sabi naman ni nics. If schoolmate namin sya  famaliar dapat sya sakin.

"No, di natin sya schoolmate. Diba kim" sabi naman ni Matt.

Maybe yes, maybe no. Di ko sya kilala, kilala nya ako. Then who is she?

"Ano bang nakasulat sa letter?" Tanong naman ni nics.

Sabi ko pa naman wala akong balak sabihin ang tungkol don. But i have no choice but to say it.

"W-well, Just because it happend in the past, doesn't mean it didn't happen. Yun yung nakasulat don." Sabi ko

"Shit!"nagulat naman kami ni nica ng bigla na lang sumigaw si matt at tumayo.

"Dude! San ka pupunta? Hoy!!" Bigla na lang kasing umalis.

"Hays, hayaan mo na muna. I know may kutob sya about doon and for now, hayaan muna natin siya." Sabi ni nica. May alam si matt?? Anong alam niya? Lalo tuloy akong naguguluhan.

"May alam ka rin ba?" Tanong ko kay nics. Umiling lang siya, sign na di nya rin alam.

"This is ridiculous" I said. It's like, sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari urgh!

Feeling ko mawawala na ako sa sarili.

"You'll know someday" sabi ni nics at umalis na din. And now naguguluhan na din ako kay nics. I know may alam sya. I barely see it in her eyes.

Agad naman akong tumayo at lumabas ng tambayan. Kailangan kong magisip-isip. Pero uuwi muna ako.

"Ano? Manang nabasa mo ba yung nakasulat doon?" Rinig kong gulat na tanong ni mom. Di muna ako tumuloy sa pagpasok parang ang seryoso kasi ng pinaguusapan nila kaya aalis na sana ako. Kaso,

"Ang nakalagay po kasi don sa sulat ay... hmm just.. ay basta! Ang ibig sabihin po kasi non ay di porket nangyari na noon, di na ulit mangyayari ngayon. Parang ganon po" pero agad naman akong napabalik sa pwesto ko ng marinig ko iyon. So ang pinaguusapan nila ay yung tungkol don sa letter na yon? And to think na may alam ang mom ko at si manang? What the hell?

"Oh God!! Asan si kim? " Rinig kong tanong ni mom, nanatili lang ako dito sa gilid ng pintuan malapit sa kitchen kung san sila naguusap ni manang.

"Pumunta po siya sa tambayan eh" sabi ni manang. Sinilip ko namam sila kung anong ginagawa nila.

Si mom di mapakali at naglalakad pabalik-balik si manang naman kinikalikot lang ang mga daliri. Yung parang bang mga kinakabahan. Ang dami ng tanong ang nabubuo sa isip ko!! Ano bang nangyari sa past ko na di ko alam??

"Mom" tawag ko sakanya. Maybe now I should know about my past.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon