CHAPTER 7

82 3 7
                                    

Morjanna's Pov

So here we are again, umiinom nanaman sya ng beer simula saturday hanggang ngayon tapos di pa sya pumapasok, ano toh? Di sya nasasawa sa kagaganyan nya like everytime na makikita ko sya it's either nakatulala or umiiyak sya. I pity him so much. Honestly nagulat din ako sa nangyari nung saturday, di ko pa nga nakikilala si mich ehh, first time ko syang makita na kausap si miyu nun thursday ata tas umalis din agad kaya di ko na lang pinansin and now? What? Anong meron sakanila ni jus? Grabe 7 years lang akong nawala tapos andami na palang nangyari sakanya tapos di man lang sakin kinwento but it's ok, siguro di pa rin sya maka move on kaya ayaw nya ng pinaguusapan yon.
Anyway, nung bata pa kasi kami sumama ako kay dad sa korea at dun ako nag prep to grade six kaya wala talaga akong alam sa past nya. Linapitan ko naman si justin at niyakap sya, ako ang nasasaktan ehh:"(
Hala, mas lalong lumakas ang paghikbi nya.

"Alam mo jus nandito lang talaga ako, alam kong sobrang bigat na nyang dinadala mo"

"S-sobrang sakit lang ehh...... maayos na kase.....konti...na lang m-makakalimutan ....ko na sya ....p-pero bakit? ....Bakit pa sya nagpakita sakin?.. sa tuwing naiisip ko sya naaalala ko lang ...yung mga nangyari noon ehh....yung pangiiwan nya sakin..... tapos ano ngayon?? G-guluhin nya ulit ako? Puta naman ohh!! A-ayoko ng masaktan u-ulit..."

Kawawa naman ang kambal ko

"Ehh jus, malay mo.... she have a valid reason why she did that to you...malay mo, nasaktan din sya sa mga nangyari sainyo, malay mo, kaya ka nya binalikan kasi naisip nya na ayusin ulit kung anong meron sainyo kasi mahal ka pa rin nya kasi kung di ka na nya mahal di na sya magaabala pang magpaliwanag sayo, you know jus, all you need to do is to listen to her side. Just listen to her, bigyan mo sya ng chance "

I said habang nira-rub ko sya sa likod hindi naman nagsalita si justin kaya hinarap ko na.

--___--.. da fuck mukhang nagsayang lang ako ng laway. Tulog na ehh tumutulo pa yung sipon eww gross pinadala ko na si justin sa kwarto niya dahil ang himbing ng tulog nya. Nagring naman ang phone ko and it's bea kaya sinagot ko naman ito and there she tell me the whole story of mich and justin.

***

Gumising talaga ako ng maaga para paglutuan ng soup tong kambal ko actually lagi ko tong ginagawa pag may problema ang kambal ko. Ganyan din sya sakin pag may problem ako pampagaan ba ng loob? Basta ganun kami sakto naman tapos na ako magluto ay kabababa lang ni jus.

"oh jus, kain ka na mainit pa yan, masarap pa"

"thanks morj"

umupo na sya at pinagsandukan ko naman sya ng soup umupo na rin ako sa tabi nya at kumain na din.

"may naalala ka ba kagabi?"

Tanong ko naman

"huh? Ahmm, wala ehh ang sakit pa naman ng ulo ko. Bakit? May nagawa ba ako?"

"Nagawa? oo marami una, uminom ka lang naman ng maraming beer. Pangalawa, nagdrama ka. Pangatlo, tinulugan mo ako. Pangapat, nagwala ka sa kwarto mo. Panglima, tinapon mo si princess sumigaw ka pa ng go pickachu huh and lastly, umiyak ka ulit and dun sinabi mo na mahal mo pa rin sya."

Halata naman ang pagkagulat ni justin. Well di ako dun nagbibiro, kasi naman after ng tawag ni bea may narinig naman akong ingay sa taas kaya tumaas ako and there pagpasok ko sa room nya nagwawala na sya dinamay pa yung pusa ko -__- buti nga di balibali buto nung tinapon sya ni jus.

"weh? Ginawa ko yun? Sinabi ko yun??"

"Ay hindi hindi, di mo ginawa yon na imagine ko lang na ginawa mo yon, oo imagination ko lang pala talaga yon"

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon