CHAPTER 19

44 1 0
                                    

Mark's pov

"Tol! Bilisan mo na ambagal mo naman" reklamo ko kay liam ang tagal nya kasi, nakapag ayos na ako't lahat lahat eto namang lalakeng toh di pa rin tapos maligo -,-

" oo na eto na, magbibihis na" sabi naman nya, bumaba na ako at hinintay na lang sya dito sa sala.

By the way kung di nyo pa ako kilala, magpapakilala na ako, Mark Xavier Morcozo kambal ni liam you read it right kambal ko sya di ba halata? Haha mas gwapo kasi ako sakanya ^*^ Anyway kakauwi ko lang kahapon from korea namiss ko kasi sya ehh, and I decided na dito na lang ako magtatapos para magkasama na talaga kami ng kambal ko, sweet ba?? Hahaha nahh, gusto ko lang na magbonding kami di nga lang ngayon dahil may pasok pa baka sa weekend na lang and speaking of last week ko pa pinaayos ang mga papers ng paglilipat ko ng school kaya no worries na, ang kaso nga lang sa last section ako dahil transferre ako hay nako naman di ata dito uso yung pinapapili kung anong gusto mong section?

"Halika na" hay sa wakas makakaalis na din. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"sasabay ka ba sakin?" Tanong naman nya habang sumasakay na sa rider nya.

"wag na dala ko naman ang license ko at may car pass ako" sabi ko naman.

"tsk hinintay mo pa ako kung dadalhin mo lang naman yang kotse mo" pailing- iling na sabi ni liam putek! Oo nga noh? Bat ko ba sya hinintay? Pinaandar na nya ang rider nya.

"sige mark kita na lang mamaya ahh" at ayun iniwan ako -__- pumasok na ako sa kotse ko at nagdrive na.

Kingina lang buti nga nilibot ko na ang sa school na toh kahapon ehh kundi magmumumkha akong tanga dito --.--

And oh!! Kung di ata ako dito naglibot kahapon di ko ata makikita ang future wife ko haha sana makita ko ulit sya ♡0♡.

Maaga pa naman at ayoko pang pumunta sa classroom dahil mabobored din naman ako dun kaya pumunta nalang ako sa cafeteria, sinalpak ko naman ang earphone ko sa tenga ko at nagsountrip tsaka bumili nalang ako ng water, umupo ako sa bakanteng table, pucha nakakaboring!

Nilibot ko naman ang paningin ko at nakita ko sa di kalayuan si liam tatawagin ko na sana sya ng malapit na sya sakin ng, hutangina! Kasama nya si future wife!! Dali- dali naman akong sumiksik sa gilid para di nila ako makita . Lagot ka sakin liam papaulanan kita ng tanong mamaya! Pinagmasdan ko lang sila at syete! Lang nakakainlove talaga sya lalo na pag tumatawa urgh! Gusto ko tuloy lapitan sila~

KRIIIIIING~

Aish! Ano ba yan! Nagbell na, umalis na sina liam kaya dahan dahan naman akong lumabas sa pinagtataguan ko pinauna ko muna sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko bago naman ako maglakad patungo sa classroom ko.

Sakto namang pagdating ko sa classroom ay may nakasalubong akong teacher siguro adviser to ng section ko, nginitian kasi ako

"Are you the transferee??" Tanong nya sakin kaya tumango naman ako, pinapasok nya na ako sa room at pinaintroduce grabe lang di ako makapagsalita ang iingay kasi ng mga babae pucha nakakabwiset ang mga tili nila!

"Class quiet!!" Pagpapatahimik naman ng teacher namin buti nga at tumahimik kaya nagpakilala na ako.

Pinaupo naman ako sa likod dahil yun na lang ang bakante sa gilid nito may katabi akong babae maganda sya pero, kung makatingin daig pa ang manyak tsk nakaka turn off sya-__- .

Umupo na ako satabi nya pero inusod ko palayo ang upuan eww~ anyway  loyal kasi ako sa future wife ko haha pero seryoso tinamaan ata ako sa babaeng yon ehh. Putek naalala ko nanaman tuloy yung nangyare kahapon.

FLASHBACK....

Dahil sa bored nga ako at tinawagan ko pa ang kambal ko dahil, wala lang. Ehh naisipan ko na lang na pumunta sa papasukan kong eskwelahan at maglibot libot.

Di pa naman uwian ng makarating na ako pero sa oras na to mukhang malapit na silang maguwian.

Nalibot ko naman ang mga importante kong dapat libutin tulad ng cafetiria,library,sections ng bawat grade level,  principal's office, faculty at iba pang mga office pati yung gym napuntahan ko na.

Nagbell na senyales na uwian na nila balak ko sanang puntahan si liam kaso wag na lang tamad na ako ehh nakakapagod kayang maglibot. At dahil sa nagutom din ako pumunta naman akong cafetiria kaso may nakabanggan akong babae.

"sorry miss" sabi ko naman nahulog yung mga dala nyang gamit at dali dali nya naman itong pinulot tinulungan ko naman sya sa pagpulot para di na hassle.

Nagmamadali kasi siya ehh yan tuloy nagkabanggaan kami. After naming mapulot ang mga nahulog nyang gamit ay tiningnan ko naman sya.

"sorry ahh nagmamadali kasi ako ehh,sorry talaga" sabi naman nya bigla naman akong natulala

"ganda mo"

bigla ko nalang nasabi shit! Buti nga pabulong lang yon kundi nakakahiya yon!

"Huh?" Inosenteng tanong naman nya

"ahh sabi ko wala yon oo tama wala yon ingat ka na lang sa susunod baka mamaya ikaw na ang mahulog" saakin.... ay kingina! Ano bang pinagsasabi ko??

"Hahaha you're funny, sige aalis na ako byee! Thanks din!" Sabi nya at tumakbo na ulit

"woah?? Did she just... laugh?? And did she just say I'm funny?" Woah! Wait? mukha naman ako ditong tanga kinakausap ko na ang sarili ko! Pero taena lang talaga mukha ba akong joker? Wahahaha syett!!

Magkikita din tayo may future wife! Gagawin ko ang lahat para lang maging magkaibigan tayo at gagawin ko rin ang lahat para mahulog ka sakin.

Sabi ko sa sarili ko di na ako pumuntang cafetiria at umuwi na lang ako, paguwi ko di pa rin talaga ako matauhan putek di ko makalimutan mukha nya hanggang sa dumating na pala si liam.

-----------------------
END OF FLASHBACK

KRIIIIING~

Natauhan naman ako ng biglang nagbell tsk antagal ko palang nakatulala mukha pa kong tanga dahil nakangiti pa ako.

"Hi, mark right?? I'm lily. Lily Leondale" pagpapakilala naman ng katabi ko tiningnan ko lang sya tsk tinatanong ko ba kung anong pangalan nya? Tss

"hmm ang suplado mo haha" sabi naman nya tsk di ko gusto ang aura nya ano ba yan.

Dumating naman ang susunod na teacher kaya tumigil na sya sa pagsasalita. Nagkinig naman na ako kesa naman sa mag daydream pa magmumukha lang akong tanga.

--------------------------------
Ok, hahaha mark xavier on the top haha sana maenjoy nyo^__^
Hmmm kung nalilito po kayo sa mga cast  I'll give the list of the characters sa susunod na pagupdate ko ;") ---- RIN

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon