CHAPTER 28

43 2 1
                                    

Jinri's pov

Kriiiiiiiiing~

Nagbell na pala?

Uwian na pala?

Ano kayang gagawin ko sa bahay??

Magkukulong sa kwarto,magpapatugtog ng malakas para feel kong magparty party, ano kaya kung magluto ako ng pagkain?

Ano namang pagkain?

Lahat na lang pinoproblema ko.

Inayos ko na lang ang gamit ko dahil baka kung ano pang maisip ko. Lumabas na rin ako ng classroom at naglakad na.

"Excuse me?"

Hmm?

Ako ba tinatawag?

Ay tae lumalapit sya sakin at swear! Ang ganda nya! Bat di ko sya dito nakikita? Feeling ko naman magka-age kami.

"Kilala mo ba si Liam?" 

"L-liam morcozo?" Tanong ko.

"yep" uh? Bakit parang may iba sa pagsagot nya? Or its just me? Uh! Ano bayan teka parang familiar sya? Omg! Ano bang pinagiisip ko?

"Miss?" Natauhan naman ako sa pagtawag nya.

"huh? Ay sorry ano nga ulit yon?" Tanong ko sinasabi ko na nga ba ehh! Muntanga tuloy.

"ahh nevermind, sige thank you na lang ahh" sabi nya at nilagpasan na ako

"suplada?" Pero parang ang familiar nya talaga!

"Aish!" Ginulo ko naman ang buhok ko magmumukha ako nitong baliw -__-

Bumaba na lang ako at dumiretso na sa parking lot, baka iwan ako ng driver namin.

Thank God! At nandito pa si manong, pumasok na ako sa kotse at pinaandar na ang kotse, nakatingin lang ako sa bintana ng may nakita akong grupo ng isang barkada ang sasaya nila at nagtatawanan, naisip ko tuloy sila, hayy

"ma'am? ayos lang kayo?" Tanong sakin ni  manong

"ayos lang po, hmm may nangyari lang na di maganda" sabi ko naman

"ayos lang yan ma'am, lahat naman ng nangyayari may rason ehh. Malay mo kung kanina ay di magandang nangyari baka mamaya may mangyari na sobra kang matutuwa at magiging isang memorable na nangyari sa buhay mo" sabi ni manong

"sana nga po, well di po ako aasa baka masaktan lang ako" sabi ko na ikinatawa ni manong naghugot daw kasi ako eh >__<

"ma'am nandito na po tayo" tumigil lang si manong sa labas ng gate kaya kumunot naman ang noo ko.

"di nyo po ba ipapasok?"

"Di po muna, susunduin ko pa kasi si ma'am jina" sabi ni manong,bakit nya ba kami tinatawag na ma'am?

"Manong, wag nyo na po kaming tawaging ma'am haha, jin na lang po tawag nyo sakin tapos jina nalang kay jina ok?"

"Sige po, haha"

"sige manong, sunduin nyo na po si jina" sabi ko binuksan ko naman na ang pinto

"ma- este jin," napalingon naman ako kay manong na ngayon ay nakatingin na sakin

"po?"

"Happy birthday iha" napangiti naman ako sa sinabi nya.

"buti ka pa manong, naalala mo birthday ko hahaha thank you po" sabi ko

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon