CHAPTER 54 (Part 2)

38 1 0
                                    

Miyu's pov

Napadilat naman ako ng may maramdaman akong init sa mukha ko. Nakaharap pala ako sa bandang terrace at ang taas na ng sikat ng araw. Nilibot ko naman ang paningin ko at nakitang mahimbing pa rin ang tulog nila. Tumayo na ako at naginat-inat napatingin naman ako sa wall clock. Ten - thirty na pala ng umaga? Grabe tanghali na talaga ako nagising. Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush pagkatapos ay nagtimpla lang ako ng kape.

"Morning" napatingin naman ako sa bumati sakin at si mich pala. Dumiretsyo sya sa c.r at di pa man tumagal ay lumabas din sya.

Kumuha din sya ng kape at nagtimpla.

"Mich, ano ba talaga nangyare sainyo?" Tanong ko sakanya.

Napatingin naman sya sakin at uminom muna ng kape bago magsalita. Walanjo! Kinakabahan ako amputs>_<

"I think, I saw lily" sabi nya. Kaloka! Yun lang sasabihin nya?

"Walanya ka mich! Ipagpatuloy mo na kaya istorya mo. Wag kang pabitin!" Inis kong sabi.

"No, I'm serious. I think nakita ko yung lily na sinasabi mo the day that I broke up with justin. Mahal ko si justin, but i need to do that shit" bakas kay mich yung sakit na nararamdaman nya and her tears started to fall from her eyes.

"Galit ako sa sarili ko. Coz for the very second time nasaktan ko nanaman sya. Pero anong magagawa ko? Nasa pagitan nanaman ako ng pagpipili. Merong babaeng lumapit samin and said na makipaghiwalay ako kay justin at pag hindi ko yun ginawa. Kayo ang mawawala. But before she said that I saw lily i know! Sya yon! Hindi ko alam pero I have this feeling na sinasabing sya yon!" Agad ko naman na niyakap si mich. Di ko kayang makita sya na ganito ulit. All this time, nagawa nya yon just to protect us? I don't think so na magagawa ko yon.

"Kilala nyo si Lily Leondale?" Nagulat naman kami ng biglang may nagsalita. Si nica pala. Galing sya sa c.r at mukhang kanina pa sya doon nakikinig.

Agad naman na pinahid ni mich ang mga luha nya.

"Well, siya yung ka-meet up ko nun sa coffee shop at sya din yung dahilan kung bakit ako nagkasakit. Dinala nya kasi ako sa lumang park tapos tinanong nya ako if naalala ko sya. Pero di ko naman talaga sya kilala eh. Tapos sabi ni mich si lily din yung dahilan kung bakit sila nag break ni justin" sabi ko naman.

"Pano? I mean, nakita mo na ba si lily?" Tanong ni nica kay mich. Umiling lang si mich at umiyak nanaman. Gahd! Awang awa na ako sa babaeng toh.

"Di ko talaga alam. Pero kasi merong babaeng sunod ng sunod saatin simula sa guard house hanggang sa auditorium. Pati sa pagpunta ko sa locker ko nakita kong sinusundan nya ako. Kaya naisip ko na sya yon. And pagbukas ko ng locker ko may mga picture na may kasama syang babae. I know it's fake kase marunong ako magedit ng mga pictures at hula ko pinaphoto shop ito. Meron din akong nakuhang letter at may nakalagay na pangalang jade" sabi nya.

"Letter? Dala mo ba?" Tanong ni nica.

Pumunta naman si mich sa bag nya at may kinuha. Binigay nya iyon kay nica.

Nagulat na lang kami ng bigla syang lumabas pagkabasa nya nun.

"Anyare?" Tanong ko. Posible kayang may kinalaman sya kay lily?

Third Person's Pov

Pagkalabas na pagkalabas ni nica sa room nila ay agad naman syang kumatok sa room nila matt. Binuksan naman iyon ni kim na nagkakape din.

"Asan si matt?" Bungad nya kay kim.

Tumingin naman si kim sa likod nya at binalik ulit ang tingin kay nica.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon