CHAPTER 38

35 1 0
                                    

Bea's pov

"Guys, kelan practise natin?" tanong ni stacy. Di naman pumasok yung teacher namin sa computer kaya naisipan na nilang pagusapan yung sa mapeh namin.

"Wala pa nga tayong isasayaw practise agad" pambabara naman ni john.

"tss, nagtatanong lang ako. Sampalin kita dyan e." inis naman na sabi ni stacy.

Kung di ko siguro sila kaklase. Mapagkakamalan ko silang di magdyowa. Tanghaling tapat dito pa naisipan magtalo, hayy mga isip bata naman oh.

"Ahm, ano bang gusto nyong cultural dance na isasayaw natin?" tanong ni shine. Ka-group namin. Well, magaling syang sumayaw, ng cultural dance.

"Cariñosa na lang para mas madali haha" sabi naman ng isa pa naming kagroup.

Wala naman akong pake dyan kaya di na ako nakikisabay. Bahala na sila dyan.

"Wag na, common na yung cariñosa. Iba na lang"

Sabagay tama naman.

"What if, sayaw sa bangko" napapalakpak naman si stacy sa sinabi ni shine.

"Correct! maganda yun!" eh? mahirap kaya yon.

"Baka mahulog tayo sa upuan" sabi ko, Please! ayoko ng sayaw na yon.

"Di yan, madali lang naman yon. Dapat magsimula na tayong magpractis para makuha agad natin yung mga steps." sabi naman ni shine. Nag-agree naman yung iba at si shine ang magtuturo ng steps. Hayy wala na akong magagawa.

KRIIIIIIIING~

Hay salamat!! nagbell na!!

"Hmm, text ko na lang kayo kung kelan ang practise and kung saan"

Pagkasabi nun ni shine ay lumabas na kami ng classroom. Ugh! I'm hungry.

"Hi guys! Palit muna kami uniform mauna na kayo. " sabi samin ni miyu.

"Halika na? Gutom na ako" sabi ko sakanila.

Nakarating na kami sa cafeteria at nagorder na din kami. Sinabay na din namin sina miyu.

"ATEEE! ISANG CHICKEN WITH RICE AND ADOBO WITH RICE PO!!!"

Hay, buti di napapaos tong si jina. Lumapit naman ako sakanya at kinalabit.

"Hi ate bea!" ok ang hyper nya haha.

"Hi~" I said

"Miss, heto na order mo" sabi nung isang lalaki kay jina. Kinuha naman yon ni jina.

"Sige ate bea, punta na ako sa table namin."

"Sigee byee" Sabi ko naman.

Ng makaorder na kami ay naghanap naman kami ng table na kasya kaming lahat. Di naman kami nahirapan sa paghahanap dahil may nakita naman agad kami.

"Bea, Liam may practise tayo mamayang uwian." sabi ni Morj habang nakatingin sa phone nya, baka nagtext na si shine.

Dumating na din sina miyu.

"Tagal nyo ah" sabi ko sakanila.

"Baka may ginawa kayo ah" dugtong naman ni kim.

"Gagi! hahaha hinintay lang namin si nics, ang tagal kasing magbihis" sabi naman ni miyu.

Umupo na sila at nagsimula ng kumain.

After naming kumain pumunta kami sa rooftop. Umupo naman kami sa sahig, yung iba naman humiga.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon