authors note : hi guys MERRY X-MAS po , last update ko muna ngayon kase may date kame ng asawa at anak ko ngayong pasko. heehe! :) salamat sa mga nagvovote . Maraming thank you po talaga! lalo na sa mga nagtyaTyagang magbasa nito. muaaaa !
***
Dianna's Pov
MY LIFE STOCK UP and the clock stop na parang ayaw ng umikot , that was the hardest thing for me to do . Move on . everytime when i'm asleep my most nightmare in life always chasing me. hunting me ! nagkaron pa ng pagkakataon na sinisisi ko si god sa parusang palage nyang ibinabato sa akin . why always me? why not them? the people who hurt me most and cursed them to death . nawalan na rin ako ng ganang mag aral ,. i love hiding myself in my room and let my tears fall out again , walang araw na hindi ako umiiyak . walang oras na hindi ko naaalala ang masamang bangungot na yun . my heart is empty . sometimes kung sino pa yung walang ginagawang mali sya pang binibigyan ng malaking pag subok .
kumatok sa pinto si nanay.
"Dianna .. nandyan sa baba si Marco ." tawag nito.
"paalisin nyo sya ! ayoko ng makita pa kahit kelan ang hayop na yan!" galit na sigaw ko .
ilang linggo ko ng iniiwasan si Marco . oo pabalik balik sya sa bahay pero kahit kelan hindi ko sya hinarap . hindi ko kayang makita ang taong pumatay mismo sa baby ko. kahit anong pagmamakaawa nya hindi ko na sya mapapatawad kahit kelan . sana nga sya na lang ang namatay . silang dalawa Ni ayana isama na rin nila sa impyerno si brix at doon sila mag reunion tatlo ni satanas !
i heard footstep and someone open the door . nakatalikod ako sa kama kaya hindi ko alam kung sino ito. si nanay lang siguro . lumundo ang side ng kama at umupo ang kung sino mang nasa likod ko . naramdaman ko ang pagdampi ng kamay nito sa buhok ko . i can't hold my tears anymore at napaiyak na ako.
"nay bakit ganun sila? bakit ba nila ako pinarurusahan ? may nagawa ba akong masama ? bakit nila pinatay ang baby ko." hagulhol ko. wala akong narinig na tugon mula dito kaya nag angat ako ng paningin para silipin ang inaakala kung si nanay .
pero hindi si nanay ang nasa likod ko kundi si Marco. tahimik itong lumuluha . kinagat ko ng mariin ang labi ko hanggang sa magdugo ito. galit na galit ako sa kanya!
"umalis ka dito Marco ! umalis ka naaa!!!!! ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin ! lumayas ka !" galit na galit ako. kahit kelan hindi nito mababalik pa ang buhay na kinuha nya sa akin . ang batang iningatan ko ng tatlong bwan sa sinapupunan ko . ang sarili nyang dugo at laman na sya mismo ang kumitil. tinulak ko at pilit hinihila "magsama kayong tatlo ni ayana at brix! pare pareho kayong mamamatay tao!! "
nangunot ang noo nito pero wala akong pakielam . nagdidilim na ang paningin ko at ayoko ng tumanggap pa ng kahit anong paliwanag mula kay Marco.
"i'm sorry dianna. hindi ko sinasadya ." iyak ni Marco.
pak!
tumayo ako at sinampal ito ng malakas ! "para yan sa pananakit mo sa akin !" sinampal ko ulit ito sa kabilang pisngi .pak! "para yan sa pangungutya ng ama mo sa akin! "pinaulanan ko pa ito ng mag asawang sampal pak! pak! "para to sa anak kong pinatay mo! " hindi pa ko nakuntento at pinagbabayo ko ang dibdib nito. hindi man lang sinalag kahit isa ang bawat kamay ko na dumadapo sa kanya. gusto kong maibsan at maiparamdam sa kanila ang sakit na nararamdaman ko. ang pighating dinulot nila sa aking pagkatao at habang buhay kong dadalhin hanggang sa kabilang buhay."please baby mak-----"
"no! ayoko ng marinig pa ang kahit anong sasabihin mo. ng patayin mo ang anak ko tapos na rin ang ugnayan nateng dalawa Marco ! " deklara ko sa kanya. nanlumo ang mukha nito at yumugyog lalo ang balikat .
sabihin na nateng wala akong awa . pero hindi ko kayang magpatawad , ni hindi ko nga sigurado kung magagawa ko pa kahit kelan .
"mahal na mahal kita dianna." bulong nito.
tumungo ako sa pinto at niluwangan ang pagkakabukas nito.
"umalis ka na ! huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin kahit kelan ! dahil isinusumpa ko , hanggang kamatayan hindi kita mapapatawad ! goodbye Marco!" matigas na sabi ko sa kanya,.lulugo lugo itong lumabas ng pintuan . ni sulyap hindi ko sya tiningnan , kinamumuhian ko sya pero sa isang banda...,mahal na mahal din kita Marco.
isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon umiyak ng umiyak . pero ang pagmamahal na yun ay madaling palitan ng galit . ang sakit at pait ng pagkawala ng isang parte ng buhay ko ang syang pumipigil para mahalin pa ito,i'm sorry baby hindi kita naprotektahan . ni hindi man lang kita nasilayan , mahal na mahal ka ni mommy kahit nasa langit ka na . ikaw pa rin ang nag iisang angel ko pakatandaan mo yan . bulong ko sa sarili ko.
tumihaya ako ng higa at ipinatong ang isang kamay sa aking mata. walang tigil ang pagluha ko .
bumalik lahat sa aking alaala ang mga masasayang araw namen ni Marco. ang bawat sandaling pinagsaluhan namen , ang mga pangarap na binuo namen . ang pag usbong ng puwang nito sa puso ko . ang mga sandali nMeng hindi na maibabalik pa at hindi na madudugtungan kahit kelan . ang taong nagbigay ng buhay sa aking sinapupunan ay syang lalakeng pumatay rin sa aking anak . paalam Marco ....
simula ngayon hindi na kita kilala . hindi na rin ako ang dating dianna . dahil ang dating ako noon ay hindi na magbabalik pa simula sa araw na pinatay nila ang pagkatao ko'..
hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa kanilang lahat ! pagbabayaran nila ng mahal ang buhay na kinuha nila sa akin ! At sisiguraduhin kung luluhod sila sa harap ko para sa aking kapatawaran . !
***
author: sorryc short update lang. na block out utak ko. busy para sa noche buena,. promise bawi ako sa susunod ! nasa magandang part na tayo . hehe ! war na ito.