Nasobrahan sa kasipagan.
Binasa ko yung chapter 48 .
At feeling ko andami kong wrong typos .
Haha !Pasensya na po :)
This is unedited.
Comments and votes are highly appreciated :)ALERT: SPG SCENE
Patnubay ng magulang ay kailangan. Haha
--------
"Here... " abot nito sa isang pirasong unused tootbrush.
Nangunot ang noo ko.
Nagpalipat lipat ako ng tingin sa mukha nya at sa kamay nito.
Pero ipinagduldulan pa rin nito sa mukha ko ang sepilyo.
"Oh? Anong gagawin ko dito?" takang tanong ko. Itinaas ko ang tootbrush . Humihinge ng paliwanag.
"Kainin mo! " inis na tugon nito. Sabay bagsak ng pinto ng banyo.
Naiwan akong nakanganga at nakatunganga. Napaisip ako ! Aanuhin ko naman ang sepilyo? Tuwang tuwa pa naman ako kanina kase ito yung dream house ko e. Kaso kapag naiisip kong hindi para sa akin ito nalulungkot ako.
"Hoy wag kang tumunganga lang dyan! Tootbrushin mong mabuti yang bibig mo para ma dis-infect naten yang bunganga mo kaagad! " utos nito. Nakasungaw ang ulo at nakataas ang kilay pareho.
Napatingin ako sa toothbrush . luh ! Grabeh sya ! Hindi makamove on?
Para wala ng away dumampot ako ng toothpaste at tinoothbrush mabuti ang bibig ko. Humarap pa ako kay Marco para makita nya ang mukha kong kanina pa nabwibwisit sa kanya.
Tumaas nga lang ang kilay nito habang nakasandal sa hamba ng pinto at binabantayan ako. Kaya minadali ko ang ginagawa ko.
Pagkatapos kong magmumog ng listerene na ibinato nito sa sink .Dinampot naman nito ang tootbrush at dinisposed sa basurahan.
"Ayoko ng bacteria !" sabi pa nito.
"E bakit sinama mo pa ako ? Allergy ka naman pala sa bacteria ! " supla ko.
"Bakit ? Mas gusto mo bang sumama sa mukhang unggoy na yun?" nanlalaki ang matang tanong nito.
Nabwisit ako bigla.Anlaki kase ng sira nito sa tuktok ng ulo. Parang sirang plaka paulit ulit ! "Hoy huwag mo akong panlalakihan ng mga mata ah ! Hindi ako natatakot sayo! Atsaka ano pa bang problema mo? Eto na nga ako di ba ? Hindi naman ako sumama sa kanya !Bakit ba parang galit na galit ka ?"