Feeling ko zombie na ko.
Nagtitipa ako pero pikit na pala ako . haha ! Kung ano ano na tuloy nasusulat ko.
Ambilis ng daliri ko.
Pagkapublish ko. Basa agad ,tapos edit !-------------
Dianna
"Hoy ang kapal mo dianna ! Hanggang ngayon ba naghahabol ka pa rin dito kay Marco?" gigil na sumbat nito. Sabay turo sa mukhang naaaliw na impakto.
Kapal ng fez ! Me pa talaga ?
"Excuse me babaeng mukhang espasol ! Kung wala kang magawa sa buhay mo tumalon ka sa swimming pool at lunurin mo na yang sarili mo ! Para naman natatahimik na ang buhay ko ! Kahit saan talaga ako magpunta sumusulpot ka !" nang iinis na sagot ko. Binalingan ko ang mga bata . Wala na ang mga ito sa kinaroroonan nila. Mukhang pumasok na ang mga ito ng hindi ko namamalayan.
Bigla akong nanggigil dito . Parang gusto ko atang ingudngod ang mukha nito sa simento. Timing palage ang pagdating nito . Kapag medyo nagkakaayos na kame ni Marco bigla naman itong dadating at maninira ng relasyon.
Parang higad ! Ang kati-kati.
"Baka nakakalimutan mo ! May anak kame ni Marco !" pagmamalaki nito. Sumulyap ako sa binata pero wala na rin pala ito doon.
My god ! Eto bang lalakeng ito nananadya ?
Kung ganun totoo ngang anak nila ang batang yun? Gusto ata ng puro panganay sa iba't ibang babae. Nakakainis !
"Oh e ano ngayon? Tinatanong ko ba ? Kwento mo sa pagong baka sakaling maniwala." taas kilay kong tugon. I won't give her satisfaction para lupigin ako.
I am now a brand new dianna !
Fearless .
And undepeated !
Susugod na sana ito sa sobrang bilis ng balaan ko ito. " Hep ! Subukan mong sampalin ako kung ayaw mong kalmutin ko yang pagmumukha mo ! Kaya kung ako sayo aalis na ako kung ayaw mong masira yang pang party mong costume! " tumawa ako para asarin pa lalo ito. " ang cheap ha ! Tsuuu ! Tsuupii ! Aliiss ! " taboy ko dito.