Marco gently kiss my lips when the priest announce to everyone that we are officially new wedded husband and wife.
Lumukso ang puso ko at walang pagsidlan ng kasiyahan .
Hindi ko maexplain kung gaano kasarap sa pakiramdam ang makasal sa lalakeng aking pinakamamahal.
Atlast !
Sabi nga ng mga oldies.
Sa hinaba haba raw ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
"I love you Misis. " bulong nito sa tenga ko habang masaya kameng napapapicture.
"I love you too mister ." namumulang sagot ko.
Idiniin nito lalo ang katawan ko sa kanya. Masayang masaya ang mukha nito at nag uumapaw din ang kasiyahan ko.
"Can't wait for our honeymoon misis." kagat labi nitong bulong muli at mapang akit na tumingin sa akin . " susulitin ko ang mga panahon nawala ka. Oras na para sa paniningil ko Misis Dianna Imperial !"
Siniko ko ito sa tagiliran upang tigilan na ako nito. Isa pa oras ng picture taking namen kaya hindi ito ang oras ng landian. Dahil simula ngayon palage na kameng magkakasama sa habang panahon. Kaya hindi nito kailangang magmadali. " ano ba ? Baka may makarinig sayo !" sita ko dito.
"Let them hear. " ngisi nito.
Katakot takot na irap ang itinugon ko dito na sinuklian lamang nito ng isang malutong na tawa.
" ok ! Family picture naman ! " sigaw ng photographer.
Nag alisan ang mga bridesmaids at mga abay ng groom . Naiwan kame ni Marco , Addy and Nick. Iba ibang post ang ginawa namen . Bibong bibo ang mga batang magpose sa camera. Napansin ko si Brianna sa isang sulok ,She was with her yaya . Tinawag ko ang batang babae. Sa una nahihiya pa itong lumapit ngunit si Addy na mismo ang humila dito kaya nagpahinuhod naman ang batang babae.
Alam kong napamahal na ito kay Marco , at mukhang wala man lang balak arugain ng sarili nitong ina. Nakakaawang bata , maagang nakakaranas ng trauma mula sa sira nitong pamilya . Naawa ako ng sobra dito at mas gusto ko na lang itong ampunin at alagaan . Ngumiti ako kay brianna at niyakap ito habang nakangiti sa camera. Nagulat pa nga ito at tinitigan ako ng matagal . Ang mga mata nitong nasasabik sa kalinga ng isang ina.
Naputol ang agam agam ko ng magkaron ng kumosyon sa paligid. Nagsigawan ang mga tao ng may malakas na sumigaw sa loob ng simbahan.
"Dianna !!!!! " sigaw ng babae . Nakataas ang kamay nito at may hawak na baril . Mga sampung dipa ang layo nito mula sa amin.
"M-mommy ?" bulong ni brianna. Humigpit ang pagkakayakap nito sa bewang ko habang tinago naman ni Marco ang mga bata sa likod nito.
" Nasaan ang mga guard ?Paano nakapasok ang babaeng yan !" galit na sigaw ni Marco. "Oras na masaktan ni isa man sa pamilya ko Ayana ! I swear to god ! Ako mismo ang papatay sayo ! " dumagundong ang boses nito sa loob ng simbahan. He cover his body para maitago kame sa likuran nya.