Chapter 2 School Girl

1.9K 0 0
                                    

Alec's POV

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* nag alarm na cellphone ko. 6:00 am na pala. May pasok pa ako ng 8:00 am. Kayang kaya ko naman mag ayos for school ng isang oras lang, kasama na dyan ang personal stuffs, pag kain, pag make up, basta mga girl thingy. At may kotse naman ako at minsan sinusundo pa ako ni Marky kasi may sariling kotse rin sya kaya hindi ko problema ang pag commute, pero traffic nga lang minsan pero hindi rin naman ako nalelate sa classes ko.

Pagkatapos ko mag ayos at lahat lahat na, ready na ako umalis. Dumerecho ako sa garahe at nagdrive papuntang school. Sakto lang din ang traffic, 7:15 am palang naman ksi. Saka halos 15-20mins lang ang travel time ko from house to school pag hindi masyadong traffic.

And after halos 20mins nakarating na rin ako sa school, Perinton Academy. Freshman palang ako at kabatch and classmate ko sa ibang subjects ang gwapo kong boyfriend. Business Management Course namin. Sabay dapat kami papuntang school kaso may early morning training/conditioning sila ngayon sa basketball kasi may interschool game na sila next week kaya ayun, 5:00 am palang nasa school na sya.

Since maaga pa para sa first class namin, dumeretso ako sa gym kung saan sina Marky nagtetraining. Agad na umikot ang mata ko pagkapasok ko palang sa gym, hinahanap ko si Marky at ayun sya, nasa may bleachers nakaupo at nag aayos ng shoes nya.

"Hi babe." Masayang bati ko sakanya sabay halik sa labi nyang mamula mula. Mabango pa rin sya kahit pawis na pawis na.

"Oh babe? Maaga ka ata. Tapos na rin conditioning namin, mag aayos lang ako tapos sabay na tayo pumunta sa room ha. Wait for me here." Sabi nya habang nakahawak sya sa bewang ko at pagkatapos nagmadaling pumunta sa locker room nila.

Naglalaro ako ng candy crush habang naghihintay kay Marky ng biglang may bumati sakin, "Hi Alec!"Ah si Chad pala, teammate ni Marky, pawisan din sya at galing ata sa labas ng gym kasi sa likod ko sya galing, eh nasa may entrance ako ng gym sa bleachers.

"Oh Chad? Wet look ah!"Pabiro kong sabi skanya. Kahit na pawisan sya, gwapo pa rin. Isa sya sa mga kaclose ko sa team kasi classmate ko nung elementary si Ella, yung kapatid nya. Best friend din ni Marky si Chad kaya medyo madalas ko rin syang nakakasama at nakakabonding. Mas nauna ko rin nakilala si Chad kesa kay Marky. Actually, si Chad ang naging way para magkakilala kami ni Marky pero hindi pa kami ganun kaclose ni Chad dati. Hihi (^_-)

"Sexy ba? hahaha"Pabirong sagot nya na may kasabay na tawa. Natural na samin ni Chad ang ganyang asaran.

"Uhhmmm"yan lang sinabi ko para safe. At nag pout na lang sya. (=3=) Dumating na rin si Marky at nakaayos na at nagpaalam na rin kami kay Chad.

"Una na kami bro." Sabi ni Marky kay Chad.

"Sige bro. Mamaya nalang." Sagot ni Chad habang papalayo samin ni Marky at naglakad na rin kami papalabas ng gym. May practice pa pala sila mamayang hapon. Kaya hindi ko nanaman makakasabay sa pag uwi ang pogi kong boyfriend.

Naglalakad na kami papuntang classroom at halos may 10mins pa bago mag time. Nakarating na kami sa room at wala pang tao. Philippine History and Politics pa ang subject namin. Ayos diba?? First subject sa first day of the week. -__-

Nasa third row sa left side ng room sa may windows kami nakaupo ni Marky at magkatabi kami, hindi naman kasi alphabetical yung seat plan namin kaya syempre nagtabi kami. Umupo na kami sa empty classroom na dinatnan namin.

Biglang hinawakan ni Marky ang dalawang kamay ko at hinalikan ang mga ito. 2yrs na kami pero hindi pa rin sya nagbabago sakin. Sweet pa rin sya hanggang ngayon. Ako naman tong kilig na kilig at sobra kung mamula ang mukha pag kinikilig.

"Oh babe. Namumula ka nanaman ah."puna nya sakin nung hinalikan nya ang mga kamay ko.

Saktong namang nagsidatingan ang mga iba naming kaklase na parang magkakasama kasi andami nila. Pero napansin ko, 8:00 am na nga pala, magsisimula na rin ang klase namin. At dumating na rin si Ma'am.

**

Parang ang bilis lang ng oras at natapos kaagad ang klase namin. Isang oras lang naman kasi ang subjects namin kasi MWF and TTHS yung sched ng subjects at 3 units lang din naman yun. Pagkatapos ng klase pumunta kami ni Marky sa cafeteria.

"Ano gusto mo babe?"Tanong nya sakin.

"Baked mac and water nalang babe ko."Sagot ko sakanya at nag order na sya at bumalik din agad dala ang binili nyang pagkain namin. Pareho lang din binili nya para sakanya.

"Thanks babe."sabi ko habang nilalapag nya sa mesa yung pagkain namin.

Isang oras din ang vacant namin. And classmates kami pag MWF at 4 subjects yun. Dalawa pag umaga at dalawa rin sa hapon. Hindi kami classmates pag TTHS kasi magkaiba yung section at sched na nakuha ko kasi na'late ako mag enrol at na'closan ako sa sched na nakuha nya. Halos 2days after ng first day of enrolment ako nkaenrol kasi pumunta kami sa Baguio nung summer nila mommy, syempre para magbakasyon, minsanan lang din ang uwi nila eh kaya lubos ang lakwatcha pag andito sila.

Kumain na kami at nagkwentuhan. At nahahalata ko na ang sama ng tingin saakin ng mga babae sa mga tables na malapit saamin. Mga inggeterang palaka! >:D Sa totoo lang kasi sikat ang boyfriend ko, basketball player ba naman kasi at gwapo. Talagang boyfriend material sya na talaga namang hahabulin ng mga naglalaway na mga babae sa school.

"Babe. wag mo nalang silang pansinin. Hanggang tingin lang ang mga kaya nyan. I love you." nag aalalang sabi sakin ni Marky kasi parang nahalata nya na medyo umiba aura ng mukha ko at pag nangyayari yun, sinisigurado nya na magiging okay ulit mood ko at mapapanatag loob ko na akin lang talaga sya.

"I love you too babe ko. Alis na tayo dito." mahinahon kong sagot at niyaya ko na rin syang umalis kasi dumating yung hipong ex nya na naghahabol pa rin sakanya. Hindi nya ata nakita kasi magkaharap kami sa table namin at nakatalikod sya doon sa table na pinuntahan ni London. Oo, London pangalan nung hipon. Hihi alam nyo na siguro kung bakit hipon. (^___^)v

Tumayo na kami ni Marky at humawak ako sa braso nya at umalis na kami sa cafeteria. Alam kong nakita nya yung hipon pero hindi nya ito pinansin. Ayoko kasi na pinapansin nya mga ex nya lalo na pag kasama nya ako at alam nya yun. Kaya nung pagdaan namin sa may table ni hipon, nakataray ito sakin na parang timang, nag smirk lang din ako.

**

Kakatapos lang ng last pasok namin ni Marky. 4:00pm palang at hindi ako sanay umuwi ng maaga pwera nalang pag kasama ko sya pauwe saamin o sakanila para tumambay. Minsan doon na ako natutulog sakanila at minsan sya naman saamin natutulog. Ako at ate ko lang kasi ang nasa amin dati, kaso ngayon may asawa na sya at lumipat na sya sa sarili nilang bahay. Ang parents namin ay madalas nasa ibang bansa for business matters, bihira ko nalang nga sila makita eh. Kaya sa ngayon, ako nalang ang mag isa ang nasa bahay pero may yaya naman kami kaya may kasama pa rin naman pala ako.

"Babe, may practice kami pag 4:30 pm po. Saan kana pupunta? Hanggang 7:00 pm pa practice namin babe."problemadong tanong sakin ni Marky. Halos every after class kasi kami magkasama, kahit saan basta magkasama kami.

"I'll call Alena nalang babe. Baka mag malling nalang kami."sabi ko habang hinahanap sa contacts ko ang number ni Alena para tawagan. Siya pala ang best friend ko.

"Alright babe. Punta na rin ako sa gym para magpalit ng jersey for practice."sabi nya na parang atat na umalis na hindi ko maintindihan.

"Hmm. Sige babe." nagtataka kong sagot habang papalayo na sya papuntang gym at ako sa parking lot ng school.

Sex is my drugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon