Chapter 4 The Boyfriend

1.1K 0 0
                                    

Marky's POV

*4:00 am*

Haaay. Tinatamad pa akong bumangon pero kailangan. May training/conditioning pa kami pag 5:00am. Para akong zombie na pumunta sa CR para maligo at magtoothbrush. Halos 15mins lang ako doon kasi sobrang lamig ng tubig, sira kasi yung heater sa shower. Hindi namang pwedeng hindi maligo, mabaho na gwapo?? Pangit pakinggan diba??

Kumain ako ng light breakfast para hindi sumakit tiyan ko sa training. Medyo hard training eh, interschool games na kasi next week at kami ang defending champion kaya puspusan ang practice. Freshman palang din naman ako kaya medyo pressure sakin ang pagkakabilang sa team kasi magagaling sila kaya nga defending champion diba??  Kaya hanggat kaya ko, gagawin ko ang lahat para sa team. Basta magchachampion kami this year! (^__-) SANA!

Pagkatapos ko ayusin ang gamit ko for school nagsuot nako ng jersey at medyas at shoes, in short training attire. Tapos dumerecho na ako sa parking area at sumakay sa kotse at dumerecho sa school. Halos 10mins lang yung byahe kasi maaga pa, wala pang mga sasakyan masyado. Pinark ko na ang kotse malapit sa gym at kinuha gamit ko at pumasok kaagad sa gym.

"Good morning coach!"bati ko kay coach na mukhang kakarating lang din kasi hawak nya pa yung body bag nya.

"Hey Mark! Ready for the hard training??"tanong ni coach sabay tapik sa balikat ko.

"Yes coach!"sagot ko tapos tinungo ko ang locker room para iwan ang gamit ko.

**

Haaaay. Nakakapagod talaga ang training/conditioning pero kaya naman ng katawan ko. Gustong gusto ko nga to eh para lalong gumanda kondisyon at ichura ng katawan ko ehh kaso habang may training bawal ang sex kasi baka maging dahilan daw ng injury. Alam nyo na, nakakapanghina. Hihi

Kakatapos lang din ng training kaya naupo muna ko sa bleachers, maaga pa para sa first class ko. Tapos biglang may narinig ako ang pamilyar na boses.

"Hi babe."  bumungad sakin ang sexy at maganda kong girlfriend na nabigla ako kasi maaga pa ehh.

"Oh babe? Maaga ka ata. Tapos na rin conditioning namin, mag aayos lang ako tapos sabay na tayo pumunta sa room ha. Wait for me here."  nagmadali akong umalis para makabalik kaagad ako kasi alam kong ayaw nya na naghihintay sya ng mag isa sa isang lugar.

**

Pagbalik ko kausap nya si Chad, best friend ko sya pero ahead sya ng isang taon sakin. Magbarkada na kami dati pa kasi close friends ang parents namin. Yung kapatid nya na si Ella kaclose din ni Alec kasi classmates sila nung elementary years.

"Una na kami bro." Sabi ko kay Chad nung paglapit ko sakanila. Sa totoo lang kasi ayoko nakikipag usap sya sa teammates ko. Hindi naman ako nagseselos, basta ayoko lang.

"Sige bro. Mamaya nalang." Sagot ni Chad na parang badtrip ang itsura. Tapos lumabas na rin kami ni Alec sa gym at tumungo sa room namin. Medyo maaga pa kasi walang tao sa room nung dumating kami.

Agad kaming umupo sa upuan namin at hinawakan ko ang mga kamay nya at hinalikan ang mga ito.

"Oh babe. Namumula ka nanaman ah." sabi ko sakanya kasi namula talaga yung pisngi nya nung hinalikan ko ang mga kamay nya. At yan, nagsidatingan na mga kaklase namin pati ang teacher.

**

Pumunta kami ni Alec sa cafeteria para mag snack at gutom na rin ako dahil sa training kanina.

"Ano gusto mo babe?" tinanong ko sya.

"Baked mac and water nalang babe ko." ayoko na rin mag isip ng oorderin ko kaya yun nalang din inorder ko.

"Thanks babe." sabi nya nung nilapag ko sa table yung pagkain namin.

Ansarap talaga ng baked mac dito sa cafeteria, nakakabitin nga ehh. Tapos bigla kong napansin na umiba ang aura ng mukha ni Alec. Haaaaay. dahil na naman ata sa mga babaeng nandito na parang hinuhubaran ako ang dating ng tingin nila saakin.

"Babe. wag mo nalang silang pansinin. Hanggang tingin lang ang mga kaya nyan. I love you." sabi ko para wag sya mag alala. Wala naman magagawa yung pagtitig nila samin eh. Kay Alec lang ako at walang makakaagaw sakin sakanya at ganun din sya sakin. Papatayin ko ang lalaking aagaw sakanya sakin. Sobrang mahal ko si Alec kahit na minsan ding akong nagkamali sakanya pero pinangako ko sa sarili ko at sakanya na hindi na mauulit yun kahit kailan.

"I love you too babe ko. Alis na tayo dito." sagot nya sakin na parang biglang gustong umalis na baka may nakita na dapat iwasan pero hindi ko alam. Tumayo na kami at humawak sya sa braso ko, palabas na kami nang may nakita akong isang babaeng nakataray kay Alec, ooops! Si London pala, ex ko sya, naging kami nung 2nd year high school kami, pero hindi naman kami nagtagal kasi parang fling lang yun pero madalas na may mangyari saamin. Nagtetext at call pa rin sya sakin minsan, sinasabi ko naman yun kay Alec kaya inis talaga sya kay London.

**

Maaga pa para sa practice namin. Sinamahan ko muna si Alec, naglalakad kame sa hallway ng department building namen sa first floor.

"Babe, may practice kami pag 4:30 pm po. Saan kana pupunta? Hanggang 7:00 pm pa practice namin babe." ayoko pa sana syang iwan kaso bawal ma'late kasi may punishment.

"I'll call Alena nalang babe. Baka mag malling nalang kami." sagot nya na parang wala namang reklamo sa sinabi ko. Si Alena yung best friend nya, close din kami kasi sinasama sya minsan ni Alec pag lalabas kami kasama rin sina Chad at ibang friends pa.

"Alright babe. Punta na rin ako sa gym para magpalit ng jersey for practice." sabi ko sakanya kasi biglang nagvibrate phone ko, walang ringtone kasi nakasilent ito kasi galing kami sa klase namin. Ayoko rin tingnan ito kasi baka si London yun at baka mag alburuto wala sa oras si Alec.

"Hmm. Sige babe."simpleng sagot nya lang at tumungo nako papunta sa gym habang binabasa yung message.

*meet me at the gym.NOW*

**

"Guys, until 6:30pm lang practice natin ngayon kasi tomorrow will be no classes so we have the whole afternoon to practice. Water break muna."sabi ni coach kaya dali dali akong pumunta sa locker room para tawagan si Alec. Pero di sya sumasagot kaya tinext ko nalang.

*Babe, break namin and til 6:00 pm lang daw practice namin. Come to my place at around 6:30pm okay? See you. I love you.*  twice kong sinend para sure na mabasa nya. tapos uminom ako ng gatorade tapos balik ulit sa court.

Sex is my drugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon