Mark's POV
Haaay. Grabe hangover ko sa ininom namin kagabi. Buti nalang nakauwi pako kahit na 3:00am na kami natapos. 12noon na din pala, buti nalang walang pasok this week. Papalapit na rin ang pagdating ni Camille. Hindi ko alam ang idadahilan ko kay Alec. Buti last year kasi summer dumating si Camille kaya nakapagdahilan ako na magbabakasyon ako sa Cebu sa relatives namin pero pamilya ni Camille ang pinuntahan ko.
Since okay naman kay Camille na mag girlfriend ako, sasabihin ko nalang sakanya na kami ni Alec. Sinabi nya na rin sakin dati na magpapakilala sya as cousin ko pag nandyan ang mga babae ko. Tama! Kakausapin ko nalang si Camille.
*ding dong*
Bumaba ako na parang zombie at binuksan ko ang pinto. Si Alec pala.
“Kakagising mo lang babe?” tanong nya habang papasok sa bahay at dumerecho sa kitchen
“Oo babe ehh. Nag inuman kami kagabi kaya tanghali na ako nakagising.” rason ko
“Ah ganun ba? Okay naba problema ni Colin? Heto nga pala nagdala ako ng take out sa chowking.” sabi nya habang inaayos sa mesa ang dala nya
“Ha?? Ayy oo okay na rin babe. Dinaan nalang namin sa inom babe.” nakalimutan kong yun pala ang nirason ko kay Alec kahapon.
“Babe samahan mo ako bumili ng dress sa Friday para sa party ni Alena sa Saturday ha?” tanong nya habang tinatapon sa basurahan ang plastic na pinaglagyan ng dala nya
“Ahh babe.. may lakad ako ehh.” friday ang dating ni Camille ehh! Susunduin ko sya sa airport
“Ah ganun ba babe? Hay sigee.” umupo na sya sa table. Hindi rin sya pakialamera sa mga lakad ko.
“Sorry babe ha.” sabi ko.
“Okay! Basta sa party ni Alena bawal kang mawala!!” sabi nya habang tinutok nya sakin ang tinidor na hawak nya
“Oo babe.” wala akong choice ehh
Kinain na namin ang dala nyang pagkain. Biglang nagring ang phone ko.
“Hello Mark! I'm on my way to your place. I'm sorry if I did not tell you that I arrived yesterday. I wanna surprise you. See you babe! Bye.” Waaa! Si Camille!!! Andito rin si Alec. Anong gagawin ko????!
“Sino yun babe? Are you okay?” nag alala sya
Namutla kasi ako at halatang nataranta. Anong sasabihin ko kay Alec??
“Ah babe. Dumating yung pinsan ko galing abroad. Papunta raw sya dito.” palusot ko.
“Ah ganun ba babe? I wanna meet your cousin.” naexcite pa sya.
“Sige babe. Andito na sya in a bit. Anyway, her name is Camille.” sabi ko.
Tinapos na namin yung pagkain namin at may tumigil na taxi sa tapat ng bahay. May nagdoorbell na.
“Ako nalang babe.” sabi ni Alec
“Te-teka babe!” pigil ko pero hindi ko sya nahawakan sa kamay
Binuksan nya ang pinto.
“Hi Camille!” nakangiting bati ni Alec
Tumingin sakin si Camille. Nasa likod lang ako ni Alec at sinenyasan ko sya na wag magsabi kay Alec.
“Hi Camille, this is Alec, my girlfriend. Pasok ka.” sabi ko para malinaw kay Camille yung senyas ko.
“Oooohh. I see. So how are you Mark?” tanong sakin ni Camille na parang nagets yung ibig kong sabihin.
“I'm doing great Camille. So how was your flight?” tanong ko pero kinakabahan pa rin ako
“It's fine. I decided to come here before going home to Cebu.” sabi ni Camille
“Cebu? So kayo yung pinuntahan ni Mark last summer vacation?” tanong ni Alec
Parang nagtaka si Camille at napatingin sya sakin. Sa Palawan kasi kami pumunta nun ni Camille para magbakasyon.
“Ah yes yes babe! Dun kina tito, sa parents ni Camille.” singit ko.
“Ah yes.” sabi ni Camille at ngumiti na parang nagtatanong sakin
“Anyway, I want to rest for a while. Mark, can I go to your room? Oh I mean guestroom?” sabi nya
“Ah sure Camille. I'll help you bring your things.” sabi ko habang kinukuha gamit nya
“I'll prepare a snack for you.” sabi ni Alec kay Camille.
“Alright. Thanks!” sabi ni Camille.
Umakyat na kami sa guestroom at pumasok, isinara namin ang pinto at ibinaba ko sa sahig ang mga gamit nya. Hinalikan nya ko sa labi na parang kakainin ang mga to. Namiss ko rin kahit papano si Camille. Napahawak ako sa ulo nya pero bumitaw na sya.
“Let's be careful. She's here.” sabi ni Camille at inayos ang buhok nya
“Thanks babe. Okay lang ba sayo?” tanong ko habang nakahawak sa braso nya.
“Of course Mark. Sakin ka lang din naman babagsak kaya I don't have to worry with your girls.” kampanteng sagot nya
Mahal ko si Alec pero naramdaman ko rin ito sa mga ex girlfriends ko kaya hindi ko alam kung hanggang kailan to. Ewan ba sakin. Hindi rin naman ako tumanggi kina mommy at daddy nung sinabing si Camille ang papakasalan ko balang araw kasi magagawa ko parin lahat ng gusto ko saka dahil dun binibigay nila lahat ng hinihingi ko sakanila.