Alec's POV
Bat kaya hindi pa pinupuntahan ni Mark dito sa bahay? Umalis na rin si Alena after magsnack kaya nakahilata lang ako maghapon sa kama ko. Hindi ko alam pero bigla ako kinabahan. Haay heto nnaman ang puso ko, ayoko mag isip at magduda. Tinawagan ko ulit si Mark pero nagriring lang ito. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan nya at hindi masagot ang tawag ko?
Halos 6:00pm na pero wala pa rin. Nag aalala na rin ako kasi baka kung ano na nangyari sakanya. Napaisip tuloy ako dun sa tanong ni Alena kung talaga bang kilala ko ang tunay na pagkatao ni Mark. Dati na kasi sakin may nag ppm sa facebook na mga babae, may nangyari daw sakanila ni Mark at ganito ganyan. Hindi naman ako naniniwala kasi alam kong nagbago na sya at hindi rin nya naman ako binibigyan ng dahilan para magduda pero may mga oras din talaga na hindi ko maiwasan pagdudahan sya pero hindi nalang ako nagsasalita para walang problema.
Last nalang talaga, pag hindi nya sinagot ang tawag ko makita nya.
*Calling babe..*
“Hello babe! Sorry ngayon lang. Naglaro kasi kami nina Vince sa school. Papunta na ako dyan” sabi nya na parang hindi naman pagod
“Oh, okay. Ingat babe” sabi ko. Pero parang hindi ako naniniwala sakanya.
***
“Babe wag kana magalit okay? Andito na ako.” lambing nya habang nakaupo kami sa sofa at nakayakap sya sakin
“Bat kasi hindi ka man lang nagtext. Nag alala ako sayo babe.” lambing ko sakanya
“Wala akong load babe. Sorry babe.” paliwanag nya. hindi na ko nagtampo pa basta ang mahalaga andito na sya
Hinalikan nya ako sa labi at nakipagsabayan ako sakanya pero tumigil din sya kaya medyo nabitin ako. Hindi na ako nagreklamo.Bigla nalang talaga sya nanlalamig sakin sa kadahilanang hindi ko malaman pero hinahayaan ko nalang sya. Napansin ko rin na medyo sumingkit mata nya na para bagong gising.
“Bat parang bagong gising ka?” pagtataka ko.
“Ha? Di ah. Singkit lang talaga mga mata ko babe.” parang nagulat sya.
“Hmmmm” sabi ko
“Babe naman. Tawagan mo pa ang teammates ko.” sabi nya
“Oo na. Naniniwala na ako.” Kahit naman kasi magtanong ako sa mga yun, hindi ko naman sigurado kung magsasabi sila ng totoo.
Nagluto na rin ako ng dinner namin. Next week pa babalik si yaya. Uuwi daw muna sya sa probinsya kasi may sakit yung anak nya. Kaya ko naman mamuhay ng ako lang kaso ayaw nina mommy, mas maigi na daw yung may kasama pa rin ako kahit papano.
Pagkatapos naming mag dinner ni Mark, naghugas na ako ng pinagkainan namin. Nasa may sink pa ako at bigla nya akong niyakap galing sa likod. Uminit nanaman ako lalo na nung naramdaman ko si bruno na nakatutok sa may likod ko.
“I have to go babe.” sabi nya sa may tenga ko.
“Bakit? May pupuntahan kaba?” inis na tanong ko at napaharap ako sakanya
“Yes babe. May problema kasi si Colin. Pinapapunta nya ang tropa sa unit nya babe.” dahilan nya na seryoso ang mukha
“Haay okay.” pagtatampo ko dumerecho ako sa living room at inon ko ang tv