Chapter 49 It's My Turn

498 0 0
                                    

Alec's POV

Hay buti nalang nagising ako sa oras. Monday nanaman ngayon at may pasok na. Classmate ko buong araw si Mark, masasanay nalang ako nyan. Kumain na ako, nag ayos at lahat lahat na. Hmm nagdrive na ako papunta sa school. Iniiwasan ko na rin maalala yung mga sinabi ni London, ayoko na muna talaga mag isip. Gusto ko munang maging masaya! (^___^)

"Uy Alec! Swerte mo talaga!"

"Ikaw na teh ang maganda!"

"Sobrang nakakainggit ka Alec!"

Sinasabi ng mga kakilala kong nakakasalubong ko habang naglalakad ako papunta sa room. Ano bang pinagsasabi nila?? Hmm break na nga kami at niloko nako, ako pa yung swerte??! Mga sira!!

T-teka!!!! Picture ko yang nasa event board na nasa may cafeteria ah! May nakasulat dito "I love you forever, to infinity and beyond." Yung eventt board parang billboard pero mas maliit na pang school lang at dun nilalagay ang tarpaulin ng events sa school at kung ano ano pang news tulad ng board and bar passers ng school, basta kung ano ano pa. Hehe

"Grabe din talaga tama sayo ni Mark eh noh?" biglang sumulpot si Colin sa likod ko at may dalang three red roses at binigay sakin

"Patawarin mo na kasi Alec, kawawa naman yung tao." sumulpot naman si Vince at may dala ring three red roses

"Bahala ka, baka magbiti yan!" lumapit naman si Chad at binigay yung three red roses din.

Hmm 9 lahat na red roses kasi nga 9 ang anniversary namin. Nakatingin samin ang mga dumadaang mga estudyante at parang kilig na kilig na parang ewan.

"Hoy! Sabihan nyo si Mark na alisin na yan!! Nakakahiya ohhh!! Ang pangit pangit ko!!" inis na sabi ko kasi naman ang laki nung tarpaulin at lahat ng estudyante makikita yun! Haaay nakakahiya talaga.

"Ikaw nalang kaya magsabi, classmates kayo diba? Hehe bye Alec!" sabi ni Vince at umalis na silang tatlo. Teka, bat wala si Mark?? Hmm oo nga pala, hindi muna daw syang magpapakita sakin pwera syempre sa klase.

Naglakad na ako papunta sa room at hawak ko yung roses, nilagyan ko ng ribbon gamit yung ribbon na ginagamit kong pantali. Buti nalang hindi ako late. Pumasok na ako sa room at nakita ko si Mark na nakaupo na sa upuan nya, umupo na rin ako sa upuan ko sa tabi nya. Naging maingay ang klase nung pagpasok ko na parang binibiro kaming dalawa.

"Ano yun? Proposal na ba??"sabi ni Shiela

Sex is my drugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon