Mark's POV
Haaaay! Hindi ako makapag isip ngayon. Andito ako sa unit ni Colin kasama sina Vince at syempre si Colin. Anong dapat kong gawin ngayon?? Mahirap makipag ayos kay Alec pag tiwala na ang issue. Sigurado nawalan na sya sakin ng tiwala. Haaaay. Hindi ko na talaga alam. Bibisitahin ko sya sa hospital, kukunan ko sya ng gamit sa unit nya, may susi naman ako nun. Kelangan kong tawagan si Brian para malaman ang room ni Alec. Ayy takte! Nasa kotse yung cp ko.
Bumaba ako at kinuha sa kotse ang cp ko. Agad akong pumunta sa elevator at andun si Diane, naghihintay sa elevator. Dito din ang unit nya. Kumulo ang dugo ko at agad ko syang nilapitan. Buti nalang walang ibang tao.
"Totoo bang ikaw ang may kasalanan sa nangyari kay Alec?"sabi ko at hinawakan ko sya sa braso
"Nasasaktan ako Mark!" sigaw nya
"Tang*na! Sisirain ko ang buhay mo!!"banta ko sakanya at gagawin ko talaga yun
"Sige subukan mo! Ikakalat ko ang nangyari satin."patakot nya pero wala akong pakialam. Hinila ko sya papasok sa elevator
"Tinatakot moko??!! Wala na akong pakialam. Oras na mawala sakin si Alec, makita mo!"sabi ko sakanya at hinawakan ko sya sa leeg
Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ako sa labi, sakto namang bumukas ang elevator. At andun si Alena, nakita kaming magkahalik. P*tang *na talaga tong si Diane!!!! Pilit akong nagpaliwanag kay Alena pero hindi sya naniniwala. Haaaay ang malas ko talaga!!! Nakita ko rin na dala nya yun bag ni Alec, kumuha na siguro sya ng gamit ni Alec.
"Inuubos mo ang pasensya ko!!! Makita mo bukas sa school!! Humanda ka!!!"banta ko sakanya at hinintay muli ang elevator at dumerecho sa parking lot at sumakay ng kotse.
Tinawagan ko na si Brian at nasa room 315 si Alec. Hindi naman kasi sinasagot ni Alec tawag ko tapos bigla nalang hindi nagring ang phone nya. Pinatay na siguro. Haaay andun si Alena, sana hindi nya na yun sinabi kay Alec.
**
Nanlambot ako nung makita ko si Alec na nakaupo sa kama nya. Sobrang lamig nya na sakin at halatang galit na galit sya. Ayaw nya na rin sakin. Pero hindi ako papayag na ganun na lang ang magiging rason para ibalewala ang pinagsamahan namin. Papakita ko sakanya na magbabago ako at magttyaga akong suyuin sya hanggang sa bumalik sya sakin. Kahit anong taboy nya sakin, hinding hindi ako bibitaw.
Sabi nya panagutan ko daw si Diane, pero alam ko sa puso ko na hindi ko yun anak. Ewan ba. Malalaman ko rin ang katotohanan. At magiging masaya ulit kami ni Alec. Umalis na ako ng hospital kasi tinaboy na ako ni Alec, ayoko na rin na lalo syang magalit sakin. Mag iisip nalang ako ng paraan para mapaamin si Diane kung sino talaga ang tatay ng baby nya.
*London calling..*
Kinansel ko ang tawag nya at tumawag ulit. Inoff ko nalang ang cp ko. Wala akong oras sa kalokohan nya. Pauwi na ako samin, baka kung san pa kasi ako mapunta. Agad akong nag open ng facebook pagdating sa bahay, nag status ako.
"Ako daddy ng baby mo?! ASA ka!!" Yan status ko. Sisimulan ko sa online ang pagpahiya kay Diane para umamin sya sakin
"hahaha sino ba yan pre?"
"Gwapo mo talaga idol ehh!"
"Yun ba yung model sa school??"
"Assuming lang yan dude"
"Desperadang frog."
"Hahahahahahahahahaha"
Yan ang mga comments sa status ko, may mga naglike na rin. Hindi ko nalang nireplyan ang mga comments nila. Nakita ko rin yung pictures namin ni Alec sa albums ko. Ang saya saya namin dito. Haay marami ngang naiinggit samin. Haay napakalaking kawalan ni Alec sakin. (-___-)
Hindi ko naiwasang maluha habang nagbbrowse sa pictures namin. Sana maging ganito ulit kami. Basta gagawin ko ang lahat para mangyari yun.
**
London's POV
Hindi sinasagot ni Mark ang mga tawag ko! Haaay nabalitaan ko na ang nangyari kay Alec kaya pala ganun nalang sya kagalit nung puntahan nya ako dito sa practice namin. Kahit na wala akong kinalaman sa ginawa ni Diane, ako pa rin ang may kasalanan ng lahat. Sinet up ko si Diane kay Nathan para makunan sya ng sex video at pictures. Hindi ko naman alam na mabubuntis sya ni Nathan, at ako naman ang desperada kaya sinabihan ko syang palabasin na si Mark ang tatay. Nahihibang na din talaga ako.
Kelangan ko nang sabihin kay Mark ang totoo, kahit pa saktan nya ko, tatanggapin ko lahat ng yun. Hindi kasalanan ni Alec na magustuhan sya ni Mark, mas nangibabaw kasi ang inggit at selos ko. Napakasama kong tao!!! Ito nalang ang natatanging magagawa ko para makabawi kay Mark at Alec. Nasakin pa rin ang video at pictures ni Diane kaya papaniwalaan nila ako oras na makita nila yun.
Isasakripisyo ko na ang friendship namin ni Devon, isusumpa nya ko pag nalaman nyang sinet up ko si Diane kasabwat ang boyfriend nya. Hmm bahala sya, inahas nya din si Mark kay Alec kaya quits lang.
Bukas na bukas ipapakita ko ito kay Mark.