Alec's POV
Haaaay sarap matulog. Sunday ngayon kaya hindi ko kelangan gumising ng maaga. 9:00am na rin pala. Para akong zombie na naglakad palabas sa kwarto, pumunta ako sa CR. May nakita akong nagluluto na lalaki. Teka! Hmmm ayy oo nga pala. Dito nga pala natulog si Mark.
"Oh! Good morning Alec." sabi nya paglingon nya at nakangiti ito hanggang tenga. Nagsmile lang ako at dumerecho na sa CR
"I love you forever." may sticky note na nakapaskil sa salamin sa CR. Napangiti ako kaya sinampal sampal ko mukha ko para hindi madala.
"Aleeeec, ready na ang pagkain mo. Lika na dito." sigaw nya mula sa kitchen. Hmmm infairness, first time nya ako lutuan ahh.
Hindi ako sumagot pero pumunta na rin ako sa kitchen pagkatapos ng girl stuff, gutom na rin ako ehh.
"Oh ayan, kumain ka ng madami ha!" sabi nya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko
"Thanks!" sabi ko lang
"I love you." sabi nya at umupo sa upuan sa tapat ko
"Kumain ka na nga lang dyan." sabi ko at nagsimula na ako kumain. Garlic rice, bacon, hotdog and sunny side up ang niluto nya plus may kape pa.
"Alec, sana kahit hindi tayo, ganito pa rin tayo. Hindi ako nag eexpect na magiging okay kagad ang lahat pero sana bigyan moko ng one last chance." sabi nyang seryoso habang tinitingnan akong kumakain. "Magbabago ako para sayo. Liligawan ulit kita araw araw hanggang sa sagutin mo ulit ako. Maghihintay ako sa araw na bumalik ka sakin." desididong sabi nya pero andun pa rin yung sakit, hindi ko pa kayang paniwalaan sya.
"Hindi ko na talaga alam Mark." sabi ko habang nakayuko sa pagkain ko
"Hihintayin kong magbago ang isip mo. Gagawin ko ang lahat Alec." sabi nya at hinawakan nya ang mga kamay ko.
Iniwas ko ang kamay ko at kumain na ulit. Walang nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Naghugas na ako at naglinis sya ng lamesa. Pumunta na kami sa sala at naupo sa couch.
"Pwede bang wag ka na munang pumunta dito?" seryosong sabi ko
"Alec naman ehh. Pano ako makakabawi sayo??"sabi nya at hinawakan nya ang kamay ko.
"Nahihirapan ako Mark. Sa twing nakikita kita, mas ramdam ko yung sakit ehh. Hindi kita kayang makita araw araw, classmates pa tayo pag MWF, sana naman wag mo nang dagdagan pa." sabi ko na pinipigil ang pagtulo ng luha ko.
"Y-yan ba talaga ang gusto mo?"malungkot na tanong nya.
"Hindi pero yan ang dapat." sabi ko at sumasakit ang puso ko
"Sige. Hindi na muna ako magpapakita sayo pero hindi ibig sabihin nun sumusuko na ako. Text mo ko pag kelangan mo ko ha. Tandaan mo sobrang mahal kita Alec." sabi nya at hinalikan ang kamay ko at lumabas na ng unit. Hindi na ako nakasagot kasi baka mapigilan ko pa sya.
Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko pero dun ko rin makikita kung seryoso sya sa mga sinabi nya. Kaya ko syang patawarin pero hindi ko na basta basta mababalik ang tiwala ko sakanya. Magiging problema lang namin yan kung magkakabalikan kami. Haaaay ayoko na munang mag isip. Maka online nga muna.
Kinuha ko ang tablet at inon ang wifi. Nag open ako ng facebook. Nag confirm ng requests at iniscan yung notifications. May 10 messages din. Mamaya na yan. Pumunta ako sa wall ko at inedit ko ang profile ko. Pinalitan ko na ang relationship status ko ng single. Whoa! May mga naglike at comment kagad ohh.