Mark's POV
Game na namin in 2 hours. Nag aayos na ako ng gamit sa kwarto.
“Do you want me to watch?” tanong ni Camille na pumasok sa kwarto
“Up to you baby.” sagot ko habang nag iisip ng mga dadalhin
“Will she be there?” tanong nya.
“Yep.” sagot ko.
“I'll stay here nalang. Break a leg baby. Good luck.” lumapit sya sakin at hinalikan ako sa labi at lumabas na rin sa kwarto ko.
***
Haaay. Kinakabahan na ako pero kaya ko to. 15mins nalang bago magstart ang game. Nasa dug out kami ng City gym. Hindi pa tapos yung game1 eh. Andun na rin sa bleachers sina Alena at Alec. Nakita ko rin sina London, Penelope and Devon.
“Ano nga mga bro kalaban natin mamaya?” tanong ko
“George L. U bro.” sabay sabi nina Colin at Chad.
"Ayy bro. May sasabihin ako sayo after ng game."pahabol ni Colin
"Remind me nalang bro. Alam mo namang makakalimutin ako."
Hm George L. U?? Yun yung school ni Chloe ah. Hmm varsitarian ng school na yun si Brian na gagong nakaaway ko nung high school. Schoolmate at teammate ko sya noon. Ang yabang kasi, akala mo kung sinong gwapo at magaling. Feeling nya ako sya?! Haha gago sya!
“Team, kaya natin to. Hanggang finals tayo diba?! God bless guys!” sabi samin ni coach at naghuddle na kami.
“Perington Academy, one team!” sabay sabay naming sigaw at pumunta na sa court
Nagsigawan ang audience. Nagsimula na kami mag warm up. Nakatingin sakin si Alec at kinindatan ko sya. Nakita ko rin si Chloe na palapit sakanila.
Tumunog na yung hudyat na magsstart na ang game. Kasali ako sa first five. Nagkatitigan kami ni Brian at tumango sya sakin pero hindi ko pinansin.
Halos magdadalawang oras yung game. Nanalo kami, 2points lang lamang namin. Buti nga nashoot ni Oliver yung 3points nya. Muntikan na kaming matalo kaya nagalit si coach. Ayaw nya kasi ng tight game. Magaling din kasi yung kalaban. Sila yung nakalaban ng team namin nung finals last year kaya medyo nahirapan din kami kanina. Palabas na kami ng city gym at hinihintay ako ni Alec. Nabigla ako nung nakita ko na kasama nina Alec, Alena at Chloe si Brian.
“Congrats guys!” bati nina Alec samin
“Thanks girls!” sabi namin sakanila
“Ayy Mark, si Brian pala. Suitor ko.” sabi ni Alena
“Kamusta dude?” sabi ni Brian at inabot nya ang kamay nya para makipaghandshake
“Okay lang dude. Galing nyo.” sabi ko at nakipag handshake ako
“Mas magaling kayo. Congrats!” sabi nya at ngumiti sya
Magkakilala rin sina Brian at Chloe kasi schoolmates sila. Nagyaya rin si Alena na mag snack at early dinner na. 6pm palang kasi. Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa kotse at pumunta sa mall. Kasabay ko si Alec sa kotse ko at sina Alena at Chloe sa kotse ni Brian.