Alena's POV
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol kay Mark. Haaay. Andito pa rin ako sa hospital at nalipat na rin ng room si Alec. Ako nalang muna ang nagbayad sa hospital bills, ayaw nya kasi ito ipaalam sa ate nya kasi makakarating ito sa parents nila. Dito ako matutulog, pero uuwi ako para kumuha ng gamit ko at dadaan ako kina Alec para sa gamit nya. Buti nalang wala dun si yaya, nasa bahay daw ng ate ni Alec.
Hinihintay ko lang si Brian bumalik para may kasama si Alec at aalis na ako. Natutulog na sya ngayon. Sobrang iyak nya kanina habang nagkkwento sya samin ng nangyari sakanya. Nakakalungkot talaga. Gusto ko sanang isipin na nagsisinungaling si Diane kung hindi sakin inamin nina Colin at Vince na si Diane yung partner ni Mark nung pagjam nila. Kasi dati nang nagkkwento sakin si Alec na marami daw nagtetext at PM sakanya sa fb na gf daw sila ni Mark, na may nangyari daw sakanila ni Mark at meron na ding nagsabi ni may anak na sila ni Mark. Haay. Pero pinipilit kong tanggapin ni Alec na nagsisinungaling lang si Diane. Sabi kasi nina Colin wala naman nangyari kina Mark at Diane kaya gusto kong papaniwalain si Alec doon.
"Ah baby, binilhan kita ng makakain."sabi ni Brian pagpasok sa kwarto
"Ah pagbalik ko nalang baby. Bantayan mo muna si Alec at kukuha ako ng gamit namin. Saglit lang ako."paalam ko at nagkiss kami
**
Papunta na ako kina Alec, nakakuha na ako ng gamit ko sa bahay. Nagpark na ako, teka. Kotse yun ni Mark ah. Hmm siguro nasa unit ni Colin. Taga dito rin kasi si Colin, sa second floor, si Alec sa ninth floor.
Nag elevator na ako at agad na dumerecho sa unit ni Alec. Nasakin din ang susi. Pumunta ako sa kwarto nya at kumuha ng gamit. Nagdala ako ng pwedeng madala. Nalagay ko na ito sa bag ni Alec. Nilock ko na ang unit at pumunta na sa elevator. haaay nasa ground floor palang ito. Sira naman yung isang elevator kaya naghintay ako. Ayan pataas na ang elevator. Bumukas na ito at may isang babae at lalaki na naghahalikan. Teka!!!
"M-Mark??"nanlaki ang mata ko at nanigas ako sa kinakatayuan ko
"Alena, it's not what it looks like."rason nya, lumapit sya sakin at hindi ko sya tinitingnan
"G-galing ako kina Colin at papunta na sa unit ni Alec pero pumunta m-muna ako sa k-kotse para k-kunin cp ko kasi naiwan ko, tapos nak-kasabay ko si D-Diane sa elevator at hinalikan nya ako b-bigla."dagdag nya na nanginginig ang boses
"Wala ka na bang ibang maisip na palusot?! Magsama kayo ng malandi mong babae!"sabi ko at inirapan ko si Diane at pumasok na ako sa elevator
**
Nagrerewind sa isip ko ang nakita ko kanina sa elevator habang nagdadrive na ako pabalik sa hospital. Hindi ko na ito sasabihin kay Alec kasi baka makasama pa para sakanya. Hindi ko na hahayaang bumalik si Alec kay Mark. Gago sya! Haaay bakit kasi hindi nalang mamatay ang mga ahas na babae!!!!!
"Hi baby. heto na gamit ni Alec." bati ko kay Brian na nakaupo at naglalaro sa tablet nya
"Oh baby. Okay ka lang ba??" nahalata nya sigurong nag iisip pa rin ako
"A-alena.."gising na si Alec
"Bess, andito ako. Kakarating ko lang. Kumuha ako ng gamit mo."sabi ko at tumabi ako sakanya sa kama
"Salamat."sabi nya at pilit na ngumiti
"Kamusta Alec?"sabi ni Brian