Mark's POV
Malaman ko lang na may kinalaman dito si London, hindi ako magdadalawang isip na saktan sya. Wala akong pakialam kung babae sya! Tang*na! Dumidilim ang paningin ko sa sobrang galit. Hindi ko papalampasin ang gabi na to na hindi ko nalalaman ang totoo. Papunta ako ngayon sa school, kasi alam kong nagppractice pa sila ng sayaw para sa intrams. Nagmadali ako magdrive.
Nakarating na rin ako sa school at dumerecho sa school Pavillion at nagpark na ng kotse. Agad ko naman nakita si London na nagppractice dito.
"London!"sigaw ko at nagulat ang mga tao
"Mark? Naparito ka?"tanong nya at lumapit sakin. Nakatingin samin ang mga kasama nya
"Halika nga dito! May alam ka ba sa nangyari kay Alec?!!"tinanong ko sya na kinokontrol ang galit ko. Hinila ko sya palayo sa mga kasama nya para hindi kami marinig
"Ha?? Bakit? Ano bang nangyari kay Alec??"inosenteng sabi nya pero hindi iyon sapat para maniwala na wala syang kinalaman doon
"Nakunan lang naman ang girlfriend ko!! Umamin ka nga London!! May alam ka ba ha??!!!"hinawakan ko sya sa braso at nanlilisik ang tingin ko sakanya
"M-mark!! Let go of me!! Wala akong alam dyan!!! Oo gusto pa rin kita pero wala talaga akong alam sa nangyari kay Alec. Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!!!"sigaw nya at binitawan ko na rin sya
"Siguraduhin mong wala kang kinalaman dito!! Sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka, sisirain ko ang buhay mo!!"banta ko sakanya at agad akong tumalikod at tumungo sa kotse. Narinig kong nagtakbuhan papunta kay London yung mga kasama nya at humihikbi si London.
Kung hindi si London, sino??! Imposibleng si Camille kasi nasa Cebu na sya at kung mang aaway sya, hindi yun papayag na hindi sa personal. Tang*na!!!! Sino??!!!!!!
*Colin calling..*
"Hello bro?" sagot ko
"Asan ka?? Pupuntahan ka namin ni Vince. Alam na namin ang dahilan bro."sabi ni Colin at kinabahan ako
"Nasa school pavillion. Sa may bench sa tapat nito ko kayo hintayin."sagot ko at naupo sa bench at pinilit na kumalma
"Sige bro. Dyan ka lang."at pinatay ko na ang phone
Kamusta na kaya si Alec? Hindi ko lubos maisip na ganun na sya kalamig sakin. Sabagay, kung iisipin, kulang pa yun sa lahat ng nagawa ko sakanya. Haaay nawala ang baby namin. Sana wag naman mawala sakin si Alec.
*beep beep*
"Bro! Ano bang ginawa mo dito ha?"tanong ni Vince habang papalapit sila sakin ni Colin
"Pinuntahan ko si London, akala ko kasi sya ang may gawa nito."sagot ko
"Nagkwento samin si Alec bro."sabi ni Colin
"Ha?? Ano daw?? Sinong may gawa sakanya nun?!!"sigaw ko at nagalit ulit ako
"Si Diane bro."mahinang sabi ni Vince. Natulala ako at hindi makapaniwala
"Pati kami bro nagulat. Bat hindi mo samin sinabi?"sabi ni Colin
"A-ano bang kwento ni Alec?? Sabihin nyo!!"pilit ko
**Flashback**
Nag CR si Alec at pumasok na sa cubicle at may narinig syang dalawang babae na pumasok sa CR at nag uusap.
Girl1: "Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Girl2: Ha? Bakit Diane? May problema ba?
Girl1: Hay oo. Napakalaking problema. Buntis ako. Please wag mong sasabihin sa iba
Girl2: Haaaa??? Sinong tatay nyan??
Girl1: Si Mark. Yung basketball player ng school.
Girl2: OMG Diane!!!! Buntis din ang girlfriend nun ha!!!!
Hindi napigilan ni Alec na lumabas sa cubicle. Hinarap nya si Diane na humihibi.
"Tama ba yung narinig ko?? Nabuntis ka ng boyfriend ko?!!!"sigaw ni Alec
"Ah ehh. Oo"sagot ni Diane
"A-alec, relax lang."sabi nung isang babae
"Ang landi mong h*yop ka!!!!"sinugod ito ni Alec at sinabunutan
"A-alec! Let go of my hair! Nasasaktan ako!!!!"sigaw ni Diane at pilit na pinipigilan si Alec
"Girls, stop it. Masama yan sa baby nyo. Please stop."pag aalala nung babae
"Ahhhhh!"biglang naitulak ni Diane si Alec at napaupo ito sa sahig.
"Wag na wag mo akong sasaktan!!!"sabi ni Diane at umalis na ito sa CR kasama yung babae
Bumalik si Diane sa room nya na umiiyak at nahalata nung kaklase nya na may dugo na ang pants nya at tumawag na sila ng ambulansya.
**End of Flashback**
"Tang*nang Diane yun!! Hindi ko yun anak!!!" sabi ko na may sobrang galit
"Pero may nangyari sanyo diba? Haay naku bro. Hirap din ng sitwasyon mo. Galit na galit sayo si Alec, halos isumpa ka nya."sabi ni Colin na nag aalala
"Hindi ko hahayaang mawala sakin si Alec, kahit ano gagawin ko para mapatawad nya ako."sabi ko na naluluha
"Ideny mo nalang kaya bro si Diane? Total, madami naman talaga gumagawa nyan sayo diba? Nakakalusot ka naman dati kay Alec."sabi ni Vince
"Oo nga bro! Wala naman syang proof na may nangyari samin ehh."sabi ko
"Meron."sabay na sabi nina Vince at Colin
"Ha? Ano?"nagtaka ako
"Nasabi namin kay Alena na si Diane yung partner mo nung magjam tayo. Pero sabi namin wala naman nangyari sanyo."paliwanag ni Colin at napayuko ito
"HAAA??? Bat nyo sinabi?? Tang*na naman bro oh!!! Wala na talaga akong lusot. Kahit pa na sabihin nating walang nangyari, mag iisip pa rin yun at andun din si Chloe, malalaman at malalaman din nila ang totoo."sabi ko na parang wala nang pag asa
"Haaaay pasensya na bro. Tssk so anong plano mo?"sabi ni Vince
"Mag eeffort ulit ako. Papakita ko sakanyang magbabago na ako at magbabago na talaga ako bro. Ngayon ko narealize na si Alec ang babaeng gusto ko makasama sa habang buhay. Papabayaan ko na ang chicks, sex, inom o anu paman."desididong sabi ko
"Eh pano si Diane? For sure kakalat yan sa buong school."sabi ni Colin
"Akong nang bahala. May naisip na akong solusyon."