Chapter 14 Space

765 1 0
                                    

Alec's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng iyon kanina. Bakit ko ba kasi nagawa ang yun kay Mark? Haaay iba syang magalit. Napakatanga ko para patulan si Xander. Maling mali ako at inaadmit ko yun. Malandi nga siguro ako. Haaay. Gusto kong puntahan si Mark pero hindi ko alam. Tatawagan ko nalang si Chad mamaya after ng practice nila para hindi naman ako makaabala. Nawiwindang pa rin talaga ako.

Nakahiga lang ako sa kwarto at nag aabang ng text o tawag galing kay Mark pero wala talaga. Sobra ko syang nasaktan at nakokonsensya na ako. Anghirap pala. Siguro nararamdaman nya na ngayon yung naramdaman ko yung sakanila ni Candice dati pero ewan talaga hindi ako makapag isip ng matino. Game na nila sa Wednesday, nakuuu! Baka hindi sya makafocus sa game, ako may kasalanan nito. Kakausapin ko nalang sya mamaya o bukas basta bago mag Monday kasi classmates kami, awkward naman kung magkatabi kami pero hindi nagpapansinan. Madalas din kami mapagtripan sa room kasi love birds daw kami kaya yung mga babaeng classmates namin, inggit na inggit sakin. waaaaaah! pag nalaman ng babae sa school na magkaaway kami ni Mark baka iflirt nila si Mark. Haaaays. Hindi ko ata kaya yun. (-______-)

Sana hindi bumalik sa dati nyang ugali si Mark. Dati kasi gago yan, as in gago talaga. Lagi syang nasa bar at umiinom pero hindi naman lasenggero, hindi rin naman sya nagyoyosi kaso nakikipagsex sya sa mga babaeng matipuhan nya. Gwapo at matipuno naman sya kaya walang aayaw sakanya. Napakadami pa naman ng babaeng naghahabol sakanya kaya nga maswerte daw ako kasi ako ang mahal ni Mark at nagbago sya. Oo nagbago talaga sya para saakin. Sinisisi na nga ako nga friends nya nung high school kasi hindi na daw sakanila sumasama si Mark kasi nga para saakin. Sobrang laki ng pinagbago nya. Lahat pinapaalam nya sakin kahit nanliligaw palang sya at maeffort din sya. Kahit magkaiba kami ng school, hindi kami nawawalan ng oras sa bawat isa. Hanggang ngayon ganun pa rin sya lalo na ngayon na parehas na kaming school at course. Hindi ko talaga makakaya kung babalik sya sa dating ugali nya.

Siguro dapat ko nalang sabihin kay Alena, total sya ang bessy ko at alam ko maiintindihan nya ako. Kaya tatawagan ko na sya para papuntahin dito.

"Hi bessy. Napatawag ka?"sabi nya.

"I have a problem bess. Pleaase come here sa bahay asap" nagmamakaawa kong sabi sakanya at parang nagmadali sya sa sound ng boses nya

"O-okay. I'm on my way." dali dali nyang sinabi.

One text or one call away lang din yan si Alena kaya maaasahan talaga sya. Ganun din naman ako kaso hindi ko lang hawak ang phone ko kaya dapat may ringtone para marinig ko kung may nagcall o text skin.

Ilang minuto lang ay dumating na si Alena. Kwinento ko sakanya lahat. Wala akong hindi sinama na detalye. Nakita ko sa mukha nya na nalungkot sya. Alam kong dahil yun kay Xander, halata naman kasi na may gusto sya dun kahit nung kami pa kasi lagi syang excited pag darating si Xander at mas nalungkot sya sakin nung malaman namin na sa abroad na mag aaral si Xander.

"Sorry to hear that Bess. I know magiging okay din kayo ni Mark, palamigin mo muna ulo nya. Hindi ako galit sayo kasi alam kong si Xander ang may kagustuhan nun. Naiintindihan kita kasi galing din ako dun." paliwanag ni Alena

"Teka bess. Anong ibig mong sabihin na galing ka rin dun??" napaisip ako sa sinabi nya.

Sex is my drugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon