Alec's POV
Grabe! Hindi ko parin lubusang maisip na nagawa yun ni Mark kahit na halos six days na ang nakalipas. Sweet and thoughtful kasi talaga sya lalo na nung nanliligaw palang sya. Maeffort syang lalaki. Friendly at matulungin din sya pati sa ibang tao. Kaya may ibang babae na nalalagyan ng malisya ang pagiging friendly nya. Masyado syang mabait sa iba kaya kahit na wala naman syang maling ginagawa nagtatampo ako pero never ko syang inaway noon.
Sobrang saya ko talaga kasi okay na ulit kami ni Mark. Parang eksena lang yun sa movies na napapanuod ko dati, buti nalang si Mark ang prince charming ko. Gusto ko na makalimutan lahat ng nangyaring masama samin, magsisimula ulit kami at hindi na magpapaapekto pa sa nakaraan. Baka kasi mabaliw lang ako sa kakaisip. Hindi ko makakayang mawala sya saakin. Nasakanya na ang puso ko at sakanya na umiikot ang mundo ko.
Wala kaming pasok this week kasi Foundation Week, hindi rin ako sumali sa activities kasi hindi ko hilig yun. Pupunta rin naman dito si Alena and Mark mamaya kaya okay lang.
****
Alena's POV
Foundation Week Opening na ngayon. I'm with my classmates, kami kasi in charged sa opening nito. Professor kasi namin yung department head kaya pinatulong kami, may additional points naman daw kami sa prelims exam kaya keri na rin.
Andito ako ngayon sa back stage para icheck ang flow ng program. Mukhang wala namang problema. Biglang lumapit sakin si London kasi tumutulong din sya dito, hindi ko sya classmate, baka nirequire din ang section nila ng professor nila.
“Alena, I need to tell you something. I can't take it anymore.” sabi sakin ni London
“What is it London?” Hinatak ko sya papunta sa may labas ng gym kasi matao sa back stage.
“Devon told me na may nangyari sakanila ni Mark and--” kinakabahan nyang sabi.
“Oh myyy! That's impossible London! Saka bat mo sinisiraan ang bitch friend mo?!” pasigaw ko sakanya habang nakataas ang isa kong kilay.
“No Alena. I saw them last time, nakasakay sa kotse ni Mark si Devon. Palabas sila ng school. Hindi ko sya sinisiraan. Oo masakit na makita ko ang ex ko na kasama ang best friend ko, pero mas naisip ko na mas masakit sa part ni Alec. Sayo ko lang to sinabi at ikaw na bahala kung sasabihin mo to kay Alec kasi hindi ko kaya.” paliwanag nya na naluluha na
“Sure kaba London??! Pero boyfriend ni Devon si Nathan at alam yun ni Mark.” pagtataka ko kasi magkateam sa basketball sina Nathan and Mark pero hindi sila close.
“That's the point. They're cheating! Nararamdaman ko ang sakit na pwedeng maramdaman ni Alec pag nalaman nya ito. Pero mas malala pa ang ginawa sakin ni Mark nung mga panahong kami pa.” sabi ni London
“Nagbago na sya London. Don't bring the past back and I know that he loves Alec so much.” depensa ko
“I know that pero--” pabiting nyang sabi na parang nag aalangan na ituloy ang sasabihin
“What London?! Say it!” pilit ko sakanya
“Mas kilala ko si Mark kesa sa pagkilala nyo sakanya.” seryosong sabi nya
Hindi ako kagad nakapagsalita at halatang nagsasabi sya ng totoo. Seryoso sya at parang may malalim syang pinaghuhugutan na rason.
“Anong ibig mong sabihin?” nakatulala ako pagtanong ko
Umalis na si London pero andito pa rin ako sa labas ng gym at nakatayo na nag iisip. Nabigla ako sa nalaman ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ang mga yun kay Alec kasi nung isang araw kakabati lang nila at mukhang okay naman si Mark sakanya. Hindi ko gustong paniwalaan kaagad si London kaya ako nalang mismo ang maghahanap ng sagot. Oobserbahan ko si Mark at sa oras na malaman ko ang totoo, hindi ako magdadalawang isip na sabihin yun kay Alec.
*****
Alec's POV
Bat kaya hindi sinasagot ni Mark ang tawag ko? Nagriring naman ito. Baka tulog ulit o kaya naliligo. Wala naman rason para magduda pa ako diba? Alam kong mahal na mahal ako ng boyfriend ko at kung naloko nya ako dati, hindi nya naman yun sinasadya kasi ganun na rin naman ako ehh. Inaamin ko namang nagkasala ako kahit hindi ko naman ginusto yung nangyari samin ni Xander. Pero napansin ko lang na may mga times na cold sakin si Mark after ng first anniversary namin na hindi ko alam ang dahilan pero hindi naman ako nag iisip ng kung ano kasi may pagkamoody rin sya. Hay tatawagan ko na nga lang si Alena para may kasama na ako dito.
“Hello bess? Asan kana? Tapos na ba opening? Punta ka na sa bahay.” yaya ko kay Alena nung tinawagan ko sya.
“Ah oo bess. Tapos na. Okay bess. Palabas na ako ng school. Direcho ako dyan. Commute lang ako, nasa shop ang kotse ko ehh.” sabi nya
“Ah sge bess. Ingat!” sabi ko at binaba ko na ang phone
***
Dumating na rin si Alena tapos umupo kami sa sofa. Parang nakikita ko sakanyang may gusto syang sabihin. Kilala ko sya kasi simula high school ko sya kasama kaya kabisado ko na ang mga galaw nya pag nagsisinungaling, at may gustong sabihin. Pero patuloy lang sya sa kinakain nyang donut na bibili nya pagpapunta dito.
“Bess, kamusta kayo ni Mark?” tanong nya na parang ingat na ingat sa reaksyon ko
“Okay naman bess. Dun nga ako natulog sakanila kahapon ehh. Napagod kasi ako kaya hindi na nakauwi. Hehe.” sagot ko na may konting ngiti
“Ah so alam na.. Haha do you think you know Mark that well?” sabi nya
“Hmm. Ewan ko kasi 2 years palang kami and hindi yun sapat para makilala ko talaga sya.” kontentong sabi ko
“I see.” simpleng sagot nya
“Why did you ask bess? May gusto kabang sabihin?” sabi ko.
“Ah eh. Wala naman bess. I'm just curious.” sagot nya.