London's POV
Hindi na ako makatulog ng maayos simula nung nakita ko sina Devon at Mark na magkasama paalis ng school. Close kami ni Devon pero kahit sinong lalaki papatulan nya kahit na boyfriend pa yun ng kapatid nya. Malandi ako pero mas malandi sya. Hindi ko nga alam kung tamang tawagin pa sya na best friend. Minsan nya na nga ahasin si Oliver kay Penelope, best friend ko rin si Pen. Haay. Naging best friends ko sila kasi nung high school kami magkakateam ang boyfriends namin, sina Mark, Shawn at Carl. Tapos ngayong college na, magkateam rin ang boyfriends nila, sina Oliver and Nathan, sayang hindi na kami ni Mark.
Sobrang mahal ko talaga sya kahit na paulit ulit nya akong niloko nung kami pa. Yung mga ginagawa nya kay Alec ngayon, ganyan din kami noon kaya masakit makita na sa iba nya na ginagawa yun. At hindi rin malabo na gawin nya rin kay Alec ang mga nagawa nya sakin. Matagal ko bago nalaman na niloloko nya na pala ako. May mga katext sya na parang naglalandian sila. Minsan may kausap nalang yan sa phone na parang nag aaway sila, yun pala ibang girlfriend nya na nakikipagbreak sakanya, may oras din na ibang pangalan ang natatawag nya sakin, pero ang pinakamalala sa lahat ay yung nalaman ko tungkol sakanila ni Camille.
**Flashback**
Birthday kahapon ni Mark at ang saya saya namin. Pumunta kami sa rest house ng tito nya sa Batangas at nag stay dun ng 3 days and 2 nights. Nag absent pa nga kami ng Friday nun sa klase eh. Kakauwi lang namin ngayon. Napagod ako kasi medyo mahaba yung byahe, buti nalang pinayagan syang gamitin yung kotse nya para hindi hassle, halos 5 hours din yung byahe ehh.
5:00 pm nang nakarating kami sa bahay, niyaya ko muna syang pumasok pero nagmamadali syang umuwi. Umuwi daw kasi mommy nya at pinapauwi na kagad sya.
Inayos ko na gamit ko at nilagay sa laundry yung mga nagamit na damit. Nakita ko yung tablet nya na nasa bag ko. Oo nga pala, pinalagay nya sakin sa bag kasi hindi na kasya sa gamit nya. Di bale, dadalhin ko nalang sakanila mamaya at nandun naman pala sina tita.
After ko magdinner nag ayos na ako. Hindi ko na rin sya tinext kasi naubusan na ako ng load. Hindi matagal bago ako nakarating sakanila, nasa magkatabing subdivision lang kasi kami.
“Mark?? Tita??” tawag ko nung pagpasok ko sa pinto, hindi naman kasi nakalock ito.
Walang sumagot. Nilapag ko muna yung tablet sa center table sa living room. Tumingin ako sa kitchen, wala sya. So dumerecho ako sa kwarto, may narinig akong ingay.
“Babe, push harder! I love you so much!” sigaw nung babae na halatang hinihingal
“Yes babe, ahhhhhh!” sagot ni Mark na sobrang nasasarapan
Hindi rin nakasara yung pinto kaya sumilip ako, yung mini lamp lang ang nakabukas kaya hindi ko makilala yung babae pero kitang kita ko ang ginagawa nila at nadurog ang puso ko. Halos magiba ang mundo ko. Alam kong nakikipagsex sya sa mga babae nya pero hindi sa bahay nila. Hinahayaan ko syang lumandi kasi alam kong palipas oras nya lang din ang mga yun pero hindi pala okay. Masakit pala na makita ng dalawang mong mata na may kasex na iba ang boyfriend mo.
Sa sobrang galit ko pumasok ako at binuksan ang ilaw at agad silang tumingin sakin.
“L-London??” natakot na sabi ni Mark
“Who is she babe?” tanong nung babae na napaupo dahil sa gulat
“London, let me explain.” sabi ni Mark at hinawakan ako sa braso at hinatak palabas ng kwarto
“I'm sorry. Sh- She's Camille--” nauutal nyang sabi habang nakayakap sakin. Hindi rin ako makagalaw at makapagsalita
"His Fiancee” biglang singit ng babae na sumunod pala samin palabas.
Naiyak ako at bumitaw sa pagkakayakap nya sakin at agad akong nagmadali palabas ng bahay. Sumakay kagad ako sa kotse at umuwing luhaan.
**End of Flashback**
Buti nalang nirequire kami ni Ma'am na tumulong sa opening ng Foundation Week kaya may napaglibangan ako. Hindi ko rin kasi alam kung kanino ko pwede sabihin yun. Sina Devon at Penelope kasi hindi ko kayang pagkatiwalaan sa bagay na ganun.
Kahit na ganun nangyari samin ni Mark, sobrang mahal ko sya. Kahit sex lang ang habol nya, kakayanin ko yun para sakanya. Hindi ko alam kung seryoso na sya kay Alec kasi ganun din naman mga ginawa nya sakin dati. Kaya kahit papano naaawa rin ako kay Alec pero pinapakita ko sakanyang ayaw ko sakanya para hindi ako magmukhang kawawa.
Nakita ko si Alena sa back stage at naisipan kong sabihin sakanya kasi best friend sya ni Alec, baka sakaling mabawasan ang pag iisip ko pag nalabas ko to.
Lumabas kami ng gym at nagusap. Inamin ko na sakanya na nakita ko sina Devon and Mark na magkasama noon at parang ayaw nya maniwala. Pagkatapos naming magtalo sa mga sinasabi ko, nagkaroon na ako ng lakas na magsabi ng totoo.
“Mas kilala ko si Mark kesa sa pagkilala nyo sakanya.” seryosong sabi ko
“Anong ibig mong sabihin?” nakatulala sya at parang kinakabahan
“He's engaged to Camille. Bago pa naging kami nung high school, engaged na pala sya. Nasa abroad lang kasi si Camille kaya hindi nya ito nakakasama. Halos once a year lang sya umuuwi sa Pilipinas. I don't know kung alam yan ni Alec pero I doubt it. Tulad sakin, ginagamit nya lang si Alec as palipas oras. Para may mag alaga sakanya dito at para may kasex sya. Hindi ko nga alam kung talagang nagbago na sya lalo na nung nakita kong kasama nya si Devon sa kotse nya. At alam ko alam to sa team nila kasi walang sikreto sakanila.” kwento ko sakanya habang naluluha luha
Halatang nabigla sya sa nalaman nya. Umalis na rin ako kasi tinawag ako ni Ma'am kaya naiwan syang nakatayo sa labas ng gym