Alec's POV
Oh God! Sakit nanaman ng ulo ko but I still have my class and I have to get up. Naalala ko yung pinag usapan namin ni Mark kahapon. Hindi ako masyadong nagalit nung malaman kong engaged na sya kasi hindi nya naman daw yun mahal and it was arranged by his parents. Hindi ko na rin sya inaway kasi baka magbago pa isip nya. Hindi ako makapaniwala na tatalikuran nya ang lahat for me, for us, for our baby. I can't believe it, magkakababy na kami. I have to be extra careful. Siguro saka ko na sasabihin kina mommy kasi ayokong magalala sila sakin. Okay pa naman ako ehh basta andyan si Mark.
Buti nalang andito na ulit si yaya, dun kasi muna sya dapat kina ate, dun sa bahay namin pero sinabihan ni mommy na bumalik dito sa unit ko kasi mag isa lang daw ako. May nakahain nang pagkain at kumain ako ng madami para mabusog si baby. Hindi rin ako nagpapahalata kay yaya kasi baka magsabi kay mommy. Nag ayos agad ako at dumerecho sa school
Sakto lang ang dating ko para sa first class ko. Kakarating lang din ni Ma'am. Bago magsimula ang klase may kumatok sa pinto na isang lalaki.
"Ahhm excuse me Ma'am, eto po ba classroom ni Ms. Alec Castillo?"tanong nung lalaki. Bat nya ko hinahanap?
"Ah Ms. Alec, may naghahanap sayo."sabi sakin ni Ma'am
"Delivery for you Ms. Alec."sabi nung lalaki at may hawak itong bouquet. At namula ako at nag ingay ang klase na kinilig para sakin.
"Thanks po."sabi ko dun sa lalaki at umupo na ulit ako sa upuan ko. Binasa ko yung card.
"I love you to infinity and beyond. Happy three years babe. -Mark"OMG!!!! August 9 na pala ngayon!! Waaaaa!! Nakalimutan ko! Ano bayan Alec! Andami kasing nangyari ehh. Haaay!! Kailangan ko magpunta sa mall after class para bumili ng gift kay Mark.
**
Agad namang natapos ang klase ko sa maghapon. Tinawagan ko si Mark.
"Babe, come to my condo unit at 7pm. See you. I love you, bye!"sabi ko habang nasa kotse ako papuntang mall. Hindi ko na sya inantay magsalita. Hehe
Agad akong pumunta sa shoe section ng mall. Uhmm pumili ako ng yellow ang white na shoes. Keri na to. Ito kasi yung nakaattract ng mata ko. Pumunta na ako sa counter at nagbayad nako. Pumunta din ako sa Goldilocks para sa cake at chocolate cake ang napili ko at pinasulatan ko yun ng Happy three years, Babe. I love you forever. Pagkatapos ko magbayad ay pumunta na ako sa kotse at nagmadaling umuwi sa unit. Buti nalang maliit pa ang tyan ko kaya kaya ko pang maglakad ng mabilis.
"Yaaa!"tawag ko kay yaya ng makarating ako sa condo
"Oh ano Alec? Akin na yang mga dala mo."salubong nya sakin
"Ahh yaa, pwede bang magluto ka ng masarap ngayon?? Anniversary kasi namin ni Mark ehh, dito sya magdidinner. Salamat yaa."sabi ko at agad naman syang pumunta sa kusina. 5pm palang naman kaya mahaba pa ang oras ng paghahanda.