Mark's POV
“Ang bilis bro ha!” sabi ni Colin habang papasok ako sa unit nya
Andito na sina Vince, Chad, Caize and Aiden at may mga babae silang kasama. Pamilyar ang mga ito kasi sinasama na rin sila ng tropa pag may jamming. Si Gail kay Vince, Marge kay Chad, Isabel kay Caize, Sheen kay Aiden at Chloe kay Colin. Ang totoo nakasex ko na si Isabel bago nakaflirt ni Caize, alam nya naman yun.
“Oh bro?? Papuntahin mo na rin dito si Alec.” sabi ni Chad
“Sus mas malapit si Diane ehh. Nasa ibabang floor lang.” sabi ni Colin. Nasa third floor kasi ang unit nya.
“Oh gusto mo bang kami pa maghanap sayo bro?” tanong ni Caize
Ganito na rin ang jamming namin. Minsan sa bar, minsan sa mga bahay/unit namin. Iba iba rin ang babaeng kasama namin. Nag iinuman, kain, nood tv, sounds kami. May kanya kanyang ginagawa ang magpartner kaya hindi pwedeng wala akong partner. Naisipan kong si Diane nalang kasi andito rin naman sya malapit. Hindi ko pwede dalhin dito si Alec kasi pag nalasing ang mga to baka may masabi pang kalokohan ko at malalaman ni Alec.
“Hello Diane. Free ka ba? Kung oo punta ka sa unit 315 ng building ng condo mo.” sabi ko nung tinawagan ko sya.
“Okay Mark. Bihis lang ako.” sabi nya na parang naexcite sya at binaba na ang phone
“Ano bro?? Sino papapuntahin mo sa mga babae mo?” tanong ni Aiden
“Haha papunta na si Diane.” sabi ko
“Yuuuuun! Second round bro??” pabirong sabi ni Vince
Tumingin yung mga tao sakin na parang nagtatanong kung bakit nagsabi si Vince ng ganoon.
“Ok ok guys! We had sex kanina lang.” pag amin ko habang tinataas ang braso ko
“Whhhooooa bro!” lumapit sina Caize, Aiden at Chad sakin at binangga bangga ako na parang proud sakin. Haha sikat nga kasi si Diane at pinagnanasaan din nila yun.
“Idol na talaga kita bro! Lupet mo!” sabi ni Aiden
*ding dong*
“Pagbuksan mo na bro. Si Diane na siguro yan.” utos sakin ni Colin
Binuksan ko na ang pinto at nakita ko si Diane. Naka mini skirt ito na white na maong at naka sleeveless na top na medyo see-through kaya nakikita ang strapless nyang black na bra. Pinapasok ko sya at humawak sya sa braso ko at umupo kami sa couch.
Binati nila si Diane at nagwave si Diane sakanila. Parang pataray na nagsmile si Isabel kay Diane. Bitter ata kasi nalaman na nakasex ko na rin si Diane.
“Since kumpleto na tayo. Simulan na ang kasiyahan!!!” sigaw ni Colin
Magkakatabi na kami na may kanya kanyang partner. Medyo may tama na rin ang bawat isa pero nasa tamang pag iisip pa.
“Spin the bottle tayo guys!” yaya ni Vince
Nagkaisa naman kaming lahat na maglaro nun. Kumuha na si Colin ng empty bottle ng wine tapos nagready na kami at pinaikot nya na ang bote. Natapatan nito si Vince at nagtawanan kaming lahat.
“Truth or dare bro?” Colin
“Uhmm truth muna! HAHAHA” patawang sabi ni Vince