I. Trey , Trey Go away!

27.5K 613 78
                                    

"Red Im so sorry but I fall out of love, we better end this" Mahinahong sambit ni Trey.

Hindi naman agad ako nakapagsalita sa aking narinig, bumakas agad sa maamo kong mukha ang sakit na dulot ng mga salitang tila kutsilyo na ngayo'y tumutusok sa aking dibdib.

Sandali akong napasulyap sa salamin sa gilid ng mesang aming inuukupa. Agad na pinagmasdan ang aking repleksyon. Mula sa makinis at maputi kong balat, sa kilay na sakto lamang sa kapal, sa mga matang kulay tsokolate at tila nangungusap, na sinasabi ng iba ay asset ko daw. Ang aking matangos na ilong na namana ko sa aking naulilang ama at syempre pa ang aking mapupulang labi na kanyang gustong halikan sa tuwing kami'y magkasama.

Pilit kong hinahanap kung anong mali, kung bakit ayaw niya na sakin. Pero walang sagot na pumasok sa aking isipan.

Napabalikwas ako mula sa aking pag-iinspeksyon sa aking mukha. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya ng restaurant.

Walang sabi-sabi'y tinakbo ko agad ang kanyang kinaroroonan upang makiusap sa kanya na baka pwede pa naming maayos ang lahat.

Kung kailangan kong magmakaawa sakanya para sa isa pang pagkakataon ay gagawin ko.

Ganun ko siya kamahal.

"T-teka lang naman Trey, bakit ayaw mo na? May iba ka na ba? B-bakit? Trey naman pag-usapan natin to oh please" sunod-sunod na tanong ko sa aking kasintahang pilit na lumalakad palayo na tila isang kasalanan ang pagdikit sakin.

Bigla naman siyang humarap sakin, bakas sa mukha ang inis marahil sa pangungulit ko sa kanya.

"Walang third party na involve dito, Nagsawa lang talaga ko. You're too boring for me and besides ni hindi mo nga ko mapakilala sa pamilya mo!" medyo inis na sumbat ni Trey sakin habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

Wala na ang matatamis na ngiti na sumisilay sa kanyang mapupulang labi sa tuwing kami'y mag-uusap.

"Ganun ba, sige ipapakilala na kita sa kanila alam mo naman na magagalit si Kuya pero I will do it. Naghahanap lang ako ng tiyempo, just please babe. Dont break up with me. Ayusin pa natin to. Wag mo kong iwan. Hindi na rin ako magpapaka-boring Trey" nagmamakaawa at halos mangiyak- ngiyak na sabi ko.

Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gusto kumawala sa aking mga mata dahil sa sakit na aking nadarama.

"No Red, its over hindi sa lahat ng relasyon may second chance. Hindi tayo tulad nila Popoy at Basha" galit na sigaw nito at tuluyan ng umalis sa aking harapan at tinungo ang sasakyan.

Tahimik akong napahikbi. Tila gripong bukas na umaagos ang aking mga luha sa aking mata habang unti-unting inaalala ang naging relasyon namin ni Trey.

"Siguro nga boring ako, and tama ka wala ng second chance para sating dalawa. Pero masakit, sobrang sakit! Alam mo naman na naghahanap pa ko ng tiyempo. At kung bigla ka nalang palang nawalan ng gana dapat, sinabi mo para nag-adjust ako, kahit alam ko sa sarili ko na binigay ko lahat" parang baliw na pagkausap ko sa sarili.

Iyan sana ang mga katagang nais kong itanong sakanya. Ngunit hindi ko nagawa dala ng intensidad na nangyari kanina lang.

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng restaurant. Ang lugar na aming naging kainan sa tuwing kami ay magkikita.

Agad kong pinunasan ang aking pisngi na kanina pa basa dahil sa mala MMK kong pag-iyak. Pinakalma ko na rin ang aking sarili kasabay ng pagbitaw ng isang buntong-hininga.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon