XII. Drop. Dead, Gorgeous!

11K 476 72
                                    

[Please Vote and Comment! Enjoy!]

Naglakad na kami ni Homer papunta sa may swimming pool area ng mansyon nila Brylle. Medyo nauuna ng konti sila Simon sa amin pero ayos lang dahil nga galit ako sa dalawang yun. Okay naman kasama 'tong si Homer. Sobrang bait nito kaya magkakasundo talaga kami.

Nadatnan namin si Brylle at Simon sa pool. Wow! Hindi sila excited magswimming ah? Well wala naman akong balak magswimming, ang gusto ko lang ay may makausap kaya sumama pa rin ako. Hindi kasi ako marunong lumangoy kaya hindi ko maeenjoy ang kahit anong ganda ng pool.

Patuloy lang muna kami ni Homer sa pagkwekwentuhan. Yung dalawang kumag naman eh nagkakarerahan pa sa paglangoy. Sus! Ang yabang talaga nitong dalawang to. Pwe!

"Homer sigurado ka bang kapatid mo yan si Simon? Bakit parang magkaiba kayo ng ugali? I mean masama sya tapos ikaw mabait." pabiro kong sabi pero totoo naman.

Natawa naman sya bago sumagot.

"Hahahaha. Grabe ka kay Kuya Simon ah, mabait naman yan. Baka may topak lang ngayon kaya ganyan. Pero trust me mabait talaga yan si Kuya." seryosong sabi nito.

"Baka mabait kapag tulog!" pahabol ko pa.

Muli ay tumawa na lang si Homer sa sinabi ko at umiling-iling pa. Whatever!

"Ano kayong dalawa dyan na lang ba kayo? Tara ligo na dito!" sigaw ni Brylle.

Agad naman na naghubad ng t-shirt at shorts si Homer. Black na brief na lang ang suot nya. At oh my god! He's fvcking hot! Grabe para kong aatakehin nito.

Tumingin pa sya sakin at nagsalita.

"Tara na Red, maghubad ka na rin."

Sa sobrang hot nya ay para talaga kong nawala sa tamang pag-iisip.

"Huh? M-maghuhubad ako? Homer b-bakit naman?" Nahihiya kong sabi. My god bakit nya ko pinaghuhubad? Dont tell me he wants me to you know, do the thing right here. And god! Grabe sya ah!

"Syempre maliligo tayo sa swimming pool. Bakit gusto mo bang maligo ng nakapantalon?" natatawang sabi pa nito.

"Ah eh ganun ba. Sige sige mauna ka na sa pool. Susunod na ko." sabi ko pa.

Tumango naman si Homer at naglakad na papunta sa pool area.

Grabe ang hot talaga ni Homer. Ang tambok ng kanyang butt! Like seriously? Mas matambok yung sa kanya kaysa sakin! Saan naman nya yun gagamitin? If you know what I mean. HAHAHAHA

Naghubad naman ako ng pantalon at sando. Nakabrief na lang din ako ngayon. Hindi naman ako masyadong naco-conscious kasi apat lang naman kami. Sanay na naman ako kay Brylle, at si Simon? God he already saw me naked so its not a big deal I guess. At si Homer ayos lang hindi naman na sya ibang tao.

Naglakad na ko papalapit sa kanila at nakita ko pa silang naglalaro. Paunahan yata. Im not sure though.

Nang huminto ako sa may gilid ng pool ay sakto namang tumigil na sila sa paglalaro. Nakita kong nakatitig lang sila sakin. I know, im so sexy! Hahaha

Tinitigan ko naman si Simon. Try kong magpa-yummy kung effective. Nakatayo lang ako at natatamaan ng sinag ng araw ang makinis at maputi kong balat. Tinitigan ko si Simon ng mapang-akit at sabay kindat.

Seryoso lang naman din syang nakatitig sakin at parang syeeet! Did he just make kambyo on his thing? Napansin ko kasi yung dalawang kamay nya sa harap nya. Well sucessful ang plano ko kung ganun. Maalindog talaga ko. Im sure about it na talaga.

Nginitian ko naman si Homer na nakatitig lang din sakin at si Brylle naman na umiling-iling lang sa kalokohan ko. Kilalang-kilala nya na talaga ko.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon