XXIV. Evil Brother & The Angry Beast

8.9K 418 42
                                    

Pagkababa pa lamang namin sa kotse ni Kuya Greg ay lumapit agad ito sa akin at walang pakundangan akong piningot papasok ng bahay. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang hawakan ang kanyang kamay na nananatiling pumipingot sa aking tenga. Dinala ako ni Kuya sa sofa ng hindi pa rin tinitigilan ang pagtorture sa aking tenga na mukhang matatanggal na sa sobrang higpit ng pagkakakapit ni Gregoryo.

"Kuya Greg, tama na please! Masakit na po. Mas masakit pa sa break-up na naranasan ko noon!" nagmamakaawa kong sabi.

Patuloy pa rin ang pagmamakaawa ko kay Kuya ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang aking tainga. TAINGA INA YAN!

"Dyan ka magaling bata ka! Puro ka hugot. At ngayon nagpapasipsip ka pa sa leeg. Ipaliwanag mo sa akin ngayon kung bakit may hickey ka! Wag kang magsisinungaling!" Naniningkit pa rin ang mata niya.

"Kuya Greg naman, naglaro lang kami ni Brylle ng tru--". Hindi ko na natapos ng biglang sumigaw si Gregoryo na akala mo himagsikan ulit. At mukhang tatalunin nya ang pwersa ng china na gustong pasabugin ang pilipinas sa sobrang lakas ng boses nya.

"At talagang yan ang laro nyo? Wow sex na ang modern game? Magaling!" Sigaw nito at hinigpitan pa lalo ang pagpingot.

"A-aaraay k-ko poooo! K-kuya naman pl-ease. Hayaan mo kong magpaliwanag, saka huwag higpitan. Masakit na talaga!" Medyo maluha-luha na ko sa sakit dahil alam kong galit na talaga si Kuya.

Diyos ko po! paano na lang kapag nalaman niyang naging kami na ni Simon na alam naman siguro niyang sobrang libog at nagsex na kami? My god baka mapatay ako nito.

"Bullsh!t. Explain. And dont you dare make-up another lies. Kilala na kita Red Austin. Patitigilin talaga kita sa pag-aaral. Tell me everything. Detailed now!" Maawtoridad na boses ni Gregoryo. Binitawan nya na rin ang tenga ko at umupo sa aking harapan.

Hinimas ko pa ang mahapdi kong tenga at bumuntong-hininga. Yumuko pa ako saglit upang makapag-isip ng kasinungalingan na hindi niya pagdududahan at talagang kapani-paniwala. Ngunit walang pumasok na magandang palusot sa akin ngayon. Iniisip ko pa rin kasi si Simon na baka nagtayo na ng tent sa mall sa paghihintay sa akin. Malamang galit na rin yun sa akin.

"Kuya, na-rape ako." Nagmamakaawa kong sambit. Yun ang unang pumasok sa akin. Ayokong idamay si Brylle, at lalong ayokong sabihin ang totoo. Simpleng hickey lang kasi ginagawa pang big deal nitong si Gregoryo. As if naman virgin sya at walang naikamang babae. Hayyys.

Masamg titig naman ang ipinukol sa akin ni Kuya habang pinatunog nya pa ang kanyang mga daliri na tila ini-ehersisyo ito at balak akong sapakin ano mang oras dahil sa nagawa ko pang magbiro gayung napakaseryoso ng kanyang tanong. Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi at yumuko. Kailangan ko ng gamitin ang best actor talent ko. Kailangan kong matalo si Leonardo DiCaprio sna sa wakas ay nanalo na sa Oscars!

"Huling tanong Red Austin, kanino galing yang hickey mo sa leeg? Kay Brylle ba? Kakausapin ko yun!" Seryoso nitong sabi.

Umiling lang ako. Hindi ko pwedeng sabihin kay Kuya Greg dahil alam kong lalo lang syang magagalit. Pinilit ko talagang umiyak para mas nakakaawa ang hitsura ko at hindi naman ako binigo ng aking butihing mga mata. Mabilis na naglaglagan ang aking mga luha at diretso kong tinignan si Kuya Greg sa mata. Nais kong ipabatid sa kanya na hindi ako nagsisinungaling.

"Ayaw mo talagang sumagaot?" Tanong nya ulit. Hindi pa rin nawawala ang pagiging maawtoridad ng kanyang boses. Naiinis na ko talaga dito kay Gregoryo eh.

Tanging iling lang ang aking isinukli. Hindi nya talaga ako mapapaamin this time. Future ko ang nakasalalay dito.

"Kung yan ang gusto mo pagbibigyan kita Red. Hindi ka na makakakuha ng sustento sa akin sa pag-aaral mong bata ka! Napakatigas ng ulo mo, bahala ka na sa buhay mo kung gusto mo talagang mapariwara! Ikaw na maghanap ng panggastos mo sa pagkain at pag-aaral!" Sigaw nito at tumayo na sa upuan.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon