XX. Upside Down

10.9K 399 61
                                    

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi ni Simon. Tama ba yung narinig ko? I love you daw? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Patuloy pa rin ang marahang paghalik ni Simon sa aking leeg na nagdudulot ng kakaibang kiliti sa aking katawan.

Iniharap nya ko sa kanya at ngayon ay pinagpatuloy nya ang paghalik. Ang kaninang halik sa leeg ay umakyat sa aking panga at ngayon ay nasa aking mga labi. Ginantihan ko ang kanyang halik. Hindi ko na alam ang eksaktong bagay na tumatakbo sa utak ko. Hindi na naman nagf-function ng maayos ang mga braincells ko kaya nagpapadala na naman ako kay Simon.

Gumapang rin ang mga kamay ni Simon papunta sa aking likod at marahan nya itong ibinaba sa aking pang-upo at marahang pinisil. Bawat galaw at halik na iginagawad sa akin ni Simon ay sadyang nakakalunod. Kakaibang-kakaiba mula sa mga dating tagpo namin pagdating sa ganitong physical at sexual interaction.

Naging mas mainit pa ang mga tagpo sa pagitan naming dalawa. Ngayon ay nakasandal na ako sa bandang pader at patuloy pa rin kami sa halikan. Walang patid. Walang may gustong putulin ang paglalaban ng aming mga dila. Patuloy pa rin si Simon sa paghawak sa aking likuran at ako naman ay nakapulupot na ang aking mga kamay sa kanyang leeg habang ang isa ay marahang sinasabunutan ang kanyang buhok, tanda na ako'y nasasarapan.

Pero bigla naman naputol ang aming matamis at maalab na halikan ng makarinig kami ng malakas na boses na nanggagaling sa sala.

"Pareng Simon! Bakit ang tagal mo yatang umihi?" sigaw ni Kuya Greg.

"Badtrip naman 'to si Greg oh." bulong ni Simon at kumamot sa ulo.

Nginitian naman ako ni Simon at isang mabilisang halik ang muling iginawad sa aking labi at bigla na lang umalis sa harapan ko.

Naiwan akong tulala at hindi mawari kung anong gagawin. Totoo kaya yung sinabi nyang mahal nya ko? O baka naman trip-trip nya lang dahil nga naiinis sya sakin? Or pwede rin na lasing na sya kaya nya nasabi ang salitang yun? Ahhhhh! Nakakatuyo ng utak tong si Simon. Napaka unpredictable ng lalaking yun! One minute galit na galit sa akin then in just a snap bigla naman mahal na daw ako! Hindi ko na tuloy alam kung ano ang totoo sa hindi. Bwiset!

Huminga muna ko ng malalim at inayos ang nagusot kong damit dahil sa mainit na halikan namin. At naglakad na ko paakyat sa kwarto.

Nang dumaan pa ako sa sala kung saan patuloy na nag-iinuman sila Kuya Greg at Simon ay napahinto ako ng muling magsalita si Simon sa kawalan.

"Yung sinabi ko kanina, seryoso ako doon." sambit nya.

Nilingon ko sya at isang napakatamis na ngiti ang isinagot ko sa mga seryosong titig niya.

"Hoy Red, bakit namumula ka? May sakit ka ba?" pagsingit ni Kuya Greg.

Nakita ko naman ang pagpigil ng tawa ni Simon sa naging reaksyon ko. Tinalikuran ko na sila at masaya kong tinungo ang aking kwarto.

Sheeeeeeeet! Like bedsheet! Ganon! Hindi ko maintindihan ang kilig na nararamdaman ko. My God Simon! He loves me daw? Sheeeet ulit! Pinipigilan ko ang mapatalon sa kilig kahit sobrang lakas pa rin ng ulan.

Nang tuluyan na kong nasa loob ng kwarto ay literal na tatalon na sana ako sa sobrang kilig ng makita ko si Trey na nakahiga sa kama.

Ay footspa! Nandito nga pala si Trey. Jusko nahalikan ko lang si Simon nawala na agad ako sa wisyo.

"Sorry Red kung nahalikan kita kanina, akala ko kasi talag--" sabi ni Trey.

"No, its okay. Masyado rin akong naging over-acting. But you should know your place Trey. Please." mahinahon at makahulugang sabi ko sa kanya.

"I want to make it up to you Red, please just one more chance." sambit nito at kita sa kanyang mga mata ang pagmamakaawa.

"Inaantok na ko Trey, Goodnight." Sabi ko at tinungo ang switch ng ilaw para patayin na at pagkatapos ay dumiretso na ko sa kama.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon