Brylle Lopez on media section played by Chris Salvatore.
--
Nang magising ako kinaumagahan ng biyernes ay nagulat pa ko ng mayroon akong yakap-yakap. Medyo matigas kaya't napaisip ako kung may unan ba kong ganito katigas. Inamoy-amoy ko pa at sobrang bango ng natural na amoy nito. Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Then it hit me. I slept right next to this hot piece of meat.
Napatingin naman ako sa mukha nya ng bigla akong makarinig ng tikhim.
"Ehem. Masarap ba?" tanong ni Simon.
Napabitiw naman ako mula sa pagkakayakap at medyo lumayo sa kanya. Namumula na ko sa sobrang hiya. Pero pinilit ko pa ring magsalita.
"S-sorry ikaw pala yan Simon. Akala ko kasi unan." Nakayuko kong paliwanag. Sana ay hindi nya mapansing namumula na ko sa sobrang tense.
"No worries. So tell me, masarap ba ko?" Sabay wink nya sakin.
Mas lalo naman akong namula, but this time dahil sa kilig. Oh god!
"W-wala ano.. Ahm k-kasi eh.." nauutal kong sabi.
Lumapit naman sya sakin, sumeryoso ang kanyang mata at unti-unting papalapit sa akin. Napasandal naman ako sa headboard ng kama. Kahit tangkain ko pang umiwas ay wala na kong uurungan pa.
Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga na nagpapikit saking mga mata. Ninamnam ko ang perpektong sandali na magkaharap kami.
"I know what you want Red. But I wont let you have it. I just cant." seryosong sabi nya sakin at tumayo na sya sa kama at pinulot ang mga damit nyang nagkalat lang sa sahig.
Bigla naman akong napadilat sa sinabi nya. Sobra kong napahiya kaya natahimik nalang ako. Akala ko talaga hahalikan nya na ko. Hindi pala. Sh*t!
Ngayon nga ay nagsusuot na sya ng damit nya. Sa harap ko pa talaga sya nagbihis at hindi sa banyo. Such a tease! Fvck him!
Nang matapos syang makapagbihis ay umalis na sya. Bago lumabas ng pinto ay nagsalita pa sya.
"Thanks for the company Red. Bye." At tuluyan na syang lumabas ng kwarto. Narinig ko na lang ang pag-ugong ng kanyang kotse hudyat na wala na siya sa bahay.
May pa- I like you, I like you pa sya kagabi tapos ngayon, Arrrrrghh! Kainis yan. Paasa din.
Tanga mo kasi Red eh, May tumawag ngang Homer kagabi di ba? Malamang gagawin ka lang nung parausan kaya layuan mo na lang. Sabi ko nalang sa sarili ko.
Hayyys. Hindi ko alam pero parang bumigat ang pakiramdam ko. Tinamad akong kumilos. Posible kayang gusto ko na si Simon? Ewan ko! Bwiset sya! Bwiset! Ayaw nya sakin ah? Ayoko na rin sa kanya! Pwe. Puno ng kapaitan kong sabi at tumayo na ko.
That CD guy! Badvibes. I hate him to death. Ahhhh. Sigaw ko pa.
Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Kuya Greg.
"Red anong nangyari sayo? Bakit sigaw ka ng sigaw? May kaaway ka bang hindi ko nakikita?" tanong ni kuya.
"Wala kuya, napasigaw lang ako kasi... Ahm ano kasi... yung ano kasi eh... yung foam kuya yung foam." sabi ko na lang.
"Anong meron sa foam mo?" Pumasok na sya para tignan kung anong meron.
"Wala namang problema ah, wala namang sira at wala din namang insekto o hayop na katatakutan mo. Bakit ka nga sumigaw?" dagdag pa nito.
"Yung foam kasi Kuya gusto ko ng palitan. Yung malambot po, yung tipong hindi na ko masasaktan kapag na-fall ako!" sabi ko sakanya.
"Akala ko naman kung ano na, humuhugot ka lang pala dahil kay Trey." sabi ni kuya.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...