VIII. Slay, Red! Slaaay!

13K 488 64
                                    

This chapter is also dedicated to all my readers na hindi nagsasawang magcomment at magvote.

Sa lahat ng hindi pa nagv-vote, magvote na kayo!

THIS CHAPTER IS MY FAVORITE CHAPTER SO FAR! FIND OUT WHY.
Kaya please, Dont forget to comment and vote! Para ganahan pa ko ng sobra. So this is it. Enjoy!
--

Alas-sais palang ng umaga ay nagising na kaagad ako. Maaga kasi akong nakatulog kaya maaga din akong nagising. Inayos ko na ang aking higaan at binuksan ko na rin ang bintana ng aking kwarto para mapasukan naman ng liwanag ng araw. Baka mapagkamalan na kong bampira ng mga kapitbahay nito sa sobrang puti ko.

Nilibot ko pa ang buong kwarto ko. At syempre nalungkot agad ako ng makita ko ang mga bagay na nagpapaalala kay Trey.

Di bale ngayon ko na sisimulan ang pagm-move on at sa friday ko na lang lilinisin ang kwarto ko. Ibig kong sabihin ay tanggalin lahat ng alaala ni Trey. For sure bitterness overload ako sa moving-on stage ko. Sana makayanan ako ni Brylle at ni Kuya, baka kasi maumay silang dalawa sa pagiging emo ko.

Pumunta na rin ako sa banyo ko upang maghilamos at magtoothbrush. Ng matapos na ako ay bumaba na rin ako upang mag-almusal. At dahil nga maaga pa naman ay mabagal lang ang pagkilos ko para iwas effort na din. Parang ex ko, effortless!

Nung nasa kusina na ko ay nakita ko si Kuya Greg na nagluluto ng sinangag. Favorite kasi naming almusal yun. Pero may times naman na normal na kanin lang. Kapag tinatamad syang magluto at kapag late syang nagigising.

Wag na kayong magulat kung bakit si Kuya lang ang nagluluto. Hindi sa tamad ako, baka lang masunog yung bahay kapag ako ang naging tagaluto.

Pero marunong naman akong magsaing no. Ako pa ba?

"Red maupo ka muna dyan, magpiprito pa ko ng ulam. Gutom ka na ba?" Tanong ni kuya habang patuloy pa rin sa pagluluto ng sinangag. Sobrang bango talaga.

"Okay lang Kuya, hindi pa naman ako nagugutom eh. And Kuya Greg mayroon pa ba tayong gatas? Iinom na lang muna ko nun." tanong ko.

"Kunin mo dyan oh, sabay turo nya sa kinalalagyan ng gatas. Mabuti yan mag gatas ka para mainitan yung sikmura mo." nakangiting sabi ni Kuya.

Kahit kailan napaka maalaga talaga ni Kuya. Swerte ng magiging girlfriend nito.

Kumuha naman ako ng baso at nilagyan ng mainit na tubig saka nilagyan ko ng gatas at asukal. Hinalo ko hanggang sa matunaw.

Hinigop ko na ang gatas at talagang gumuhit ang init sa sikmura ko. Ang sarap sa feeling. Medyo malamig din kasi kaya perfect ang mainit na gatas sa umaga.

"Red ubusin mo yang gatas ah baka sayangin mo na naman." bilin ni kuya at hinahango na ang ulam.

"Syempre naman uubusin ko to no. Kailangan ko talaga ng gatas pampalakas! Para kayanin ko ang sakit na dulot ng pag-iwan sakin ni Trey." walang preno kong sabi.

Napalingon naman bigla si Kuya.

"Sinong Trey? Pangalan ba ng lalaki yun? May boyfriend ka Red?" gulat na tanong ni Kuya.

Napangiwi naman ako. Hayyy kahit kailan ka talaga Trey! Pamahak ka! nabuko tuloy ako eh.

Kaysa magsinungaling pa ay sinabi ko na lang kay Kuya ang totoo. Kahit magalit sya ay hahayaan ko na lang. Tutal nandito na to mahirap ng lusutan.

"Opo kuya, ex-boyfriend ko po si Trey. Wag kang magalit kuya, wala na naman po kami." Nakayuko kong sabi sa kanya.

Lumapit naman agad siya sa tabi ko at nilapag ang mga pagkain sa lamesa.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon