XVIII. 5 in 1, Tinalo ang Nescafe!

11.3K 454 97
                                    

Loooong update, para sa ilang araw na paghihintay. Wag kayong mag-alala dahil sulit ang inyong pagbabasa. Pangako yan!

But nevertheless here's Chapter 18 for all the readers na walang sawang nagv-vote at comment! Walang sawang pasasalamat sa lahat ng aking taga suporta. Love you all.

[Please do Vote and Comment as I love this chapter, and I hope you love this too. Enjoy!]

--
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang huling sinabi ni Simon. Ang mga salitang "I like you" ang nagdulot ng kakaibang saya at kilig sa aking pakiramdam. Bumilis ang tibok ng aking puso at parang may mga nagliliparang paru-paro sa loob ng aking tiyan. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang tunay kong nararamdaman. Oh my God! Hindi ko na kinakaya, parang nung nakaraan lang eh galit na galit ako sa kanya dahil hindi nya ko tinanggap sa interview at ngayon naman ay halos himatayin na ko sa kilig dahil lang sa sinabihan nya ko ng "I like you". Iba talaga ang epekto nya sakin. Ang lakas!

Tinitigan ko lang si Simon para ipaalam sa kanya na malinaw kong narinig ang kanyang confession at wala akong balak na tumutol o magalit sa kanyang inihayag. In fact sobra kong kinikilig. Pero syempre hindi ako nagpahalata, kailangan pa- yummy pa rin ako all the way! Baka isipin ni Simon, kaladkarin ako. Oh sh!t, akala nya nga pala talaga noong una kaladkarin ako, so I guess wala ng saysay kung magpa-virgin effect pa ko. Kaya bumuntong-hininga muna ko ng malalim bago sabihin na tulad nya ay may nararamdaman din ako, hindi ako sigurado kung love na ba talaga, pero ang patunay na gusto ko sya ay sapat ng dahilan para magtapat.

"Simon/Red!" sabay naming tawag sa isa't-isa.

Gooood! Sabay pa kami, meant to be! Thank you lord. You're the best.

"Mauna ka na" sabi ko.

At dahil napaka gentleman nitong si Simon, sya talaga ang unang nagsalita. Ni hindi man lang ako pinilit na mauna. Wala man lang "No Red, ikaw na mauna. I insist." Grabe tong lalaki na to, hindi makaramdam! Sinamaan ko sya ng tingin. Na naging dahilan para mamutla ang kanyang mukha.

"Ah R-red ano-- ahm, a-about doon sa sinabi kong I like you, I want to finish it, I like you to actually clean my office since my secretary has left already. Y-yes I like you to do that." sabi nito sabay lakad pabalik sa kanyang opisina.

Literal naman akong napanganga sa aking narinig. Punyeta! Talaga ba? Akala ko naman I like you na something na, paglilinisin lang pala ako ng opisina nya! Ahhhhhh!

Kung gaano kabilis akong kinilig kanina sa isipin na nagtapat talaga ng nararamdaman nya si Simon ay ganun din kabilis gumuho ang aking kasiyahan. Badtrip naman eh! Andun na eh, hihimatayin na eh!

Syeeeet! Buti na lang hindi ko naamin sa kanya kung hindi mapapahiya lang ako. Punyeta talaga tong si Simon. Napakasama talaga ng ugali, wala pa ring pinagbago. Masasamang hangin pa rin ang nalabas sa bibig. Pwe!

Nilibot ko ang buong paningin ko sa loob ng kwarto. Wala talagang magandang nangyayari sakin kapag nandito ako, grabe asang-asa ko dun!

Simoooon! Ikaw talaga ang hinayupak na nag-alis ng letrang G sa salitang Pag-asa! Mamatay ka na! Ngayon naaaaa! Sa isip-isip ko habang nakatayo pa rin sa pwestong pinag-iwanan sakin ni Simon.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa mataba kong utak at pinuntahan ko pa sya sa loob ng kanyang opisina. Diretso kong binuksan ang pinto para lang makasalubong ang gulat nyang mukha.

Hindi naman nagtagal ay napalitan ito ng seryosong mukha. Tipong hindi mo na babalakin pang magsalita. Sa takot ay umorong ang aking dila at nabahag ang aking buntot kaya't imbes na sigawan sya dahil sa pag-uutos nya sakin na linisin ang office nya ay iba ang nasabi ko. Paksheeet!

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon