XVI. Everything

10.6K 509 93
                                    

Looooong chapter ahead! Full package chapter ito, one of my favorite chapters. Hindi nyo pagsisisihan to kaya magVOTE kayo ng todo, at mag-iwan ng komento yung todo rin. Enjoy!

Dedicated to all the readers na mahilig magvote at comment simula chapter 1. I LOVE YOU ALL.

--
Maaga akong nagising dahil first day of work ko ngayon. Kailangan punong-puno ng energy at goodvibes ang umaga ko para hindi ako lapitan ng mga masasamang hangin kagaya ni Simon. Yung tipong mahihiya lahat ng endorser ng enervon sa sobrang hyper ko! Ganon. All smile din dapat mga pare. Yung ngiting happy.

7:00 am palang ngayon at kakatapos ko pa lang maligo. 8:00 am pa naman ang pasok ko kaya hindi ako gahol sa oras for sure. Hindi naman daw kailangan magformal ng outfit katulad sa kanila na todo suit and tie, sabi ni Homer kagabi nung magka-usap kaming muli. Homer is such a nice guy. Hulog ng langit talaga ang isang yun. Bigla ko pang naalala yung sinabi ni Homer kagabi. Saka parang hinalikan nya ko? Ewan lasing na lasing na ko kagabi eh. But to top it all, Im very thankful to him.

Suot ang gray longsleeve shirt na tinernuhan ng black fitted maong pants at gray na sapatos ay tinignan ko ang repliksyon ko sa salamin.

"Ang gwapo mo ngayon ah? Anong meron? Big day?" Tanong ko sa lalaking mukhang anghel sa sobrang gwapo at amo ng kanyang mukha.

"Oo first day of work eh. Kailangan umaapaw sa self-esteem kaya kailangan presentableng tignan." Sagot naman nito at nagpogi pose pa sabay kindat.

At bago pa ko mabaliw sa pagkausap ko sa sariling repliksyon ay napagdesisyonan ko ng bumaba matapos makapag spray ng pabango at kuhanin ang bag ko. Naabutan ko naman si Kuya Greg sa kusina pagbaba ko kaya dumulog na ko sa hapag at sinabayan sya sa pag-aalmusal. Alam na rin ni Kuya na sa David Business Company ako papasok bilang intern under Homer. He actually congratulated me dahil alam nyang dream company ko yun.

Masaya naman sya para sakin at sinabihan nya pa ko ng mga rules and regulations about sa company. So may instant orientation na agad ako. Hanep di ba? Ibang department lang si Kuya Greg kaya hindi daw madalas magtatagpo ang landas naming dalawa. Pero wala namang problema sakin yun. I want to make it on my own.

Nang matapos kumain ay sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng tricycle.

"Ikaw kuya, kailan ka ba magkaka-kotse? Napaka cheap mo ah!" sabi ko sa kanya.

"Ummp! Matagal na sana akong nakakuha ng kotse kung hindi sobrang mahal ng tuition fee mo! Napaka gastos mo pang bata ka, feeling mo mayaman ka." sabi ni Kuya habang pinipingot ako sa tenga.

"A-aray koooo! Kuyaaa naman masakit eh!" Sabi ko habang hawak hawak ang tenga ko.

"Ang dami mong alam eh. Ikaw magbayad dito sa tricycle!" At bumaba na kami.

Nauna na si Kuya sa sakayan ng jeep kaya ako na ang nagbayad. Muntik na kong mapatumbling sa sobrang saya dahil 50 pesos na lang ang pera ko sa wallet. Paano isang daan lang binigay sakin ni kuya. Wala naman daw pasok saka may allowance naman daw yung mga intern. Tangorange yan oh! Sarap ng buhay ko eh.

Tumabi na ko sa upuan ni Kuya at sumandal sa balikat nya.

"Kuya, nilalagnat na yung wallet ko, baka naman." Pa-sweet kong sabi habang niyakap pa yung isa nyang braso.

Kumuha naman sya ng pera sa wallet at inabutan ako ng 500 pesos. Agad naman akong napangiti.

"Oh pang-isang linggo yan. Pagkasyahin mo, Saka magkakaroon na pala ako ng kotse mula sa company. You know perks of being a supervisor." Nakangiti nyang sabi.

"Hanep! Makakalibre na tayo ng pamasahe, tapos lalaki na yung allowance ko! Alright." wika ko.

"Sira! Ganun pa rin allowance mo! Uutuin mo pa ko baby bro eh." sabi nito.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon