Trey Collins on media section. Red's ex-boyfriend. Played by Alex Pettyfer.
--
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Mahaba at malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Monday na naman. So isa lang ang ibig sabihin niyan para sa aming mga estudyante! May pasok na naman.
Kahit inaantok pa ay pinilit ko na lamang tumayo at dumiretso sa cr dahil kailangan ko ng maligo at baka ma-late pa ko sa first class ko.
Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na rin ang mga gamit ko para diretso alis na ko after kong kumain ng breakfast.
Pagkababa ko sa sala ay nadatnan ko na ring nag p-prepare si Kuya. Papasok na rin kasi sya sa work.
"Good Morning Kuya!" bati ko sa kanya at dumiretso na ko sa kusina para kumain.
"Good Morning din baby bro. About pala kahapon, pagpasensyahan mo na yun si Kuya Simon mo. Mahilig lang talaga yun mang-asar. Pero mabait yun." sagot naman niya.
"Kuya naman! Ang aga-aga badvibes agad ang sinasabi mo. Paano naman naging mabait yun? Like seriously?" iritang sagot ko!
That CD guy! Akala nya siguro ganun-ganun nalang yun! Hindi ako magpapa-api sa kanya. I seek revenge. Ahhhh! sa isip ko lang.
"Okay sorry Red. Enough with him. I'll go to work na, Hurry up baka ma-late ka pa niyan. Saka wag ka ng sumimangot dyan papangit ka sige." pahayag ni kuya.
Kumalma naman ako at binigyan ko sya ng isang napakatamis na ngiti. Yung pamatay!
"Alright Kuya. Ingat sa byahe. I love you." masayang tugon ko.
"Thanks. But before I go, make sure you're already here by 2:30. Remember you're grounded and your class is until 2:00 pm. So are we all clear baby bro?" paalala nya pa.
" Yes Kuya. I keep that in mind."
At after kung sumang-ayon ay umalis na si Kuya para pumasok sa trabaho. Grabe talaga si Gregoryo, talagang naalala pa nya yung parusa ko. Akala ko okay na kasi happy-happy na kahapon eh.
Saka yung Simon na yun! Nako ibibigay ko talaga sa kanya yung five thousand nya. Baka akalain nya talagang callboy ako. That CD guy! Fvck him!
Nang matapos makapag-almusal ay nagtoothbrush muna ko. At ng ready na lahat ay tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na ba.
Its already 7:30 am. Binilisan ko na ang kilos ko dahil my first class will start at 8:00 am. I shoudnt be late.
Agad na din akong lumabas ng bahay at ni-lock ang gate. Dumiretso agad ako papalabas ng subdivision.
It took me five minutes bago makarating sa sakayan ng jeep. Grabe pinagpapawisan na kaagad ako. Ito kasing si Trey hindi man lang ako sinundo.
Itetext ko sana sya kung bakit hindi nya ko sinundo. Then suddenly I realized na wala na pala kami. Nalungkot na naman ako. Ang hirap talagang makapag-adjust at makalimot sa mga bagay na nakasanayan mo ng gawin.
Agad naman akong sumakay ng may humintong jeep sa pwesto ko. Nakipagsisikan talaga ko dahil baka mahuli na talaga ko sa school kapag naghintay pa ko ng mas maluwag na jeep.
15 mins. ang biyahe papunta sa school without ttaffic. So nakarating ako sa university namin by 7:50.
Hindi na ko nagtext kay Brylle kung nasan na sya or kung pumasok ba sya ngayon. Dumiretso na ko sa building namin at pumasok sa room.
Fortunately ay hindi ako na-late. 5 mins. before my first class eh napasok na ko sa room.
Hinanap ko agad kung nandito ba si Brylle. Hindi naman ako nahirapan dahil narinig ko agad ang boses nito na nakikipag kwentuhan sa oba naming nga blockmates. Bida na naman ang loko! Ang aga-aga ang ingay! sa isip-isip ko. At tumabi na ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...