Nang nasa tapat na ko ng aming bahay ay masiglang tumayo ang lalaki. Basang-basa ang kanyang suot na damit ngunit litaw na litaw pa rin ang kanyang kagwapuhan.
"Red kanina pa kita hinihintay." Ang nanginginig sa lamig na sabi ng lalaki
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.
Hindi naman agad sya nagsalita. Tumitig lang sya sa akin na parang nagsasabi na kailangan nya ng makakausap. Na kailangan nya ko. Mga matang nangungusap. Kilalang-kilala ko na ang mga tingin na iyon, kaya hindi na rin ako nag-abala pang usisain sya. Mamaya na lang siguro kapag nasa loob na kami ng bahay.
"Wala ka pa ring pinagbago, halika na sa loob Trey para makapagpatuyo ka." Sabi ko at umiling-iling na naglakad papunta sa kinaroroonan nya.
Agad naman akong lumapit sa kanya at pinayungan sya kahit alam ko naman na kanina pa sya basang-basa sa sobrang lakas ng ulan.
Binuksan ko na ang gate ng bahay gamit ang susi ko at diretsong pumasok sa loob kasabay ni Trey.
Nang makapasok sa loob ay agad kong itinabi ang payong na ipinahiram sa akin ni manong guard upang matuyo at pumasok na sa loob. Hinubad ko na rin ang aking sapatos at niyaya ng pumasok si Trey sa loob na hindi pa rin nagsasalita buhat ng pumasok kami. 6:30 na ng gabi at wala pa rin si Kuya, marahil ay napatagal ang meeting o di kaya'y nahirapang makasakay ng jeep dahil sa lakas ng ulan.
"Red saan ang kwarto mo?" Tanong ni Trey na nagpalingon sa akin.
Umiling naman ako agad.
"Hindi ka sa doon gagamit ng cr, dyan ka mag-cr." wika ko at tinuro ang kung saan ang cr namin sa baba.
Abnormal ba 'tong si Trey? Alam naman nyang basang-basa sya gusto nya pang sa kwarto ko maligo? Wow ah, edi nahirapan naman ako sa pagmop ng sahig kung sakali.
Tumango lang si Trey at dumiretso na sa loob ng cr. Agad naman akong umakyat sa kwarto ko upang magpalit ng t-shirt at boxer shorts. Sobrang lakas pa rin ng buhos ng ulan. Minabuti ko ng patayin ang aircon sa loob ng aking kwarto dahil baka magyelo na ko sa sobrang lamig.
Pagkakuha ng ng extrang towel ay lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Kuya Greg. Pagkabukas ko ay agad akong dumiretso sa kanyang closet at kumuha ng isang plain t-shirt at boxer shorts. Naghanap rin ako ng brief at hindi naman ako nabigo ng may makita akong brief na nakabalot pa. Matapos ay lumabas na din ako bumaba.
Tumapat ako sa pinto ng banyo at kumatok. Saktong pagkawala ng lagaslas ng tubig. Siguro ay tapos na rin maligo si Trey. Bahagya namang bumukas ang pintuan ng cr at dumungaw si Trey.
"Oh gamitin mo." Sabi ko at inabot sa kanya ang damit at tuwalya na agad din naman niyang kinuha.
"Salamat." Nakangiti nyang turan ay marahang isinara ang pinto matapos kuhanin ang mga gamit.
Kumuha ako ng dalawang mug at nagtimpla ng kape para kay Trey, at gatas naman sa akin para mainitan naman kami. Lalo na sya dahil naligo ba naman sa ulan.
Nang matapos ay humigop ako ng gatas at agad na gumuhit ang init sa aking sikmura. Ang sarap lang sa pakiramdam. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Trey sa cr at kasalukuyang nagpupunas ng kanyang basang buhok. Walang kupas, gwapo pa rin si ex.
"Trey, magkape ka muna para mainitan ka." sabi ko at inabot sa kanya ang isang tasa ng kape.
"Salamat Red. Wag kang mag-alala, makita lang kita talagang nag-iinit na ko." Seryosong sabi nya at di kalaunan ay kumindat pa.
Muntik na kong mapabuga ng iniinom ko sa kahalayan nitong si Trey.
"Hoy! ang halay mo talaga kahit kailan!" naiinis kong sabi.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...