Gregory James Alvaro on media section. Red's brother. Played by Theo James
--Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng marinig ko ang malalakas na tunog na nagmumula sa gilid ng aking kama. Wala sa sarili kong tinungo ang telepono.
Nang tumayo ako ay agad kong naramdaman ang pagsakit ng aking ulo, parang binibiyak. Napahawak ako sandali baka sakaling huminto sa pagkirot. Nagusot naman ang aking mukha ng biglang sumakit ang aking pang-upo. Sobrang hapdi. Para kong nakipagsex.
Wala naman akong telepono sa kwarto ah. Bakit nandito to? Inilipat ba to ni Kuya? Saka anong oras palang, 6 am palang eh may natawag na agad? Seryoso ba to? Baka si Brylle to. Nantitrip lang! Humanda talaga to sakin kapag nakita ko to sa school sa monday.
Sinagot ko na lang ang tawag sa telepono para tumigil na sa kaka-ring. Sisigawan ko na sana ang nasa kabilang linya dahil sa maaga nitong pagtawag na talagang nakakaistorbo sa aking mahimbing na pagkakatulog ng bigla itong magsalita.
"Sir, hanggang 6 am lang po ang bayad nyo sa room, Mag eextend po ba kayo ng another 3 hours?" magalang na pahayag ng babae sa kabilang linya.
Nagulat naman ako sa sinabi nung babae kaya nilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto. Hindi ko nga kwarto to. Pero kanino naman tong kwarto?
Inalala ko ang mga nangyari kagabi hanggang sa isa-isang pumasok sa aking isipan ang mga kaganapan kagabi.
Oh my god! Shit kaya pala masakit yung pang-upo ko. Totoo palang nakipagsex ako. Akala ko panaginip lang yun. Nalintikan na! Kumpirmado nasa motel nga ako. Putik para naman akong callboy nito.
Walang ano-ano'y agad akong nag-ayos ng sarili. Paulit-ulit ko ring hinahapit ang aking damit na nagusot at pilit itong tinutuwid gamit ang aking mga kamay.
Nang masiguro kong okay na kong lumabas ng kwartong iyon ay kinapa ko ang aking wallet. Nandun naman at kinapa ko rin ang aking cellphone ngunit hindi ko ito makapa. Nilibot ko pa ang buong kwarto baka sakaling naroroon ang aking cellphone. Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala dahil ng tumingin ako sa bedside table ay nakita ko ang aking cellphone.
Inabot ko ang cellphone ko, ngunit may nakita rin akong pera at maliit na papel sa gilid nito.
"I had fun. Ang sarap mo boy, nandyan na rin yung bayad ko para sa serbisyo mo kagabi. Btw here's my number. If you need some cash just beep me."
At kinuka ko ang pera, binilang ko ito. Five thousand. He gave me five thousand pesos. Oh great! Fvcking great! Anong akala nya sakin callboy? Bakit mukha ba kong callboy? pigil kong sigaw.
Talagang five thousand lang ang rate ko ah? Tangorange naman oh!
Kinuha ko na lang ang pera dahil sayang din naman kung iiwan ko lang dito. Di bale isasaksak ko sa bituka ng hayop na iyon itong limang libo nya. Anong akala niya cheap ako? God! I never imagine myself doing that thing.
I composed myself and headed towards the door. Kahit kinakabahan sa maaring isipin ng mga taong makakakita sa akin paglabas ng motel ay hindi ko nalang iintindihin.
Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay agad akong naglakad sa hallway. Hinanap ko agad kung nasaan ang elevator. Nakita ko rin naman to kaagad kaya pumasok agad ako ng bumukas ito.
Ilang saglit pa ay nasa lobby na ko ng motel. Nakayuko akong naglakad palabas dahil sa sobrang kahihiyan. Halos ipapatay ko na ang lalaking iyon sa aking isipan. Punyeta feeling ko pinagtatawanan ako ng lahat ng tao sa lobby.
Red you're being paranoid. Just walk straight ang leave this fvcking place right now to save your ass in all the humilation you can get.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas ako sa lugar na iyon grabe. Pinagpawisan talaga ko ng todo!
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...