"Kuya Greg!" magkasabay na sigaw namin ni Homer.
Mas lalo pang umapoy ang mga naniningkit na mata ni Kuya. Palipat-lipat ng tingin ang kanyang ginawa sa aming dalawa. Katulad nga ng sinabi ko. Mukhang napakamalas ng araw ko. Katapusan ko na 'to kay Gregoryo!
Hinintay kong magsalita si Homer bago pa kami lamunin ni Kuya ng buo dahil sa sobrang galit na ibinubuga ng kanyang dalawang matatalim na tutig pero katulad ko ay napako rin si Homer sa kanyang kinatatayuan. Parehong walang salitang lumabas sa aming mga bibig. Kahit gusto kobg magsalita ay parang tanga akong tinuro si Homer at tinuro din ako. Tila isang pipi na nagsa-sign language. Ganun katakot ang nararamdaman ko.
"Red Austin!" madiin ang pagkakasabi at halata sa mukha ang sobrang galit at pagkadismaya.
Ito na nga ang sinasabi ko eh, kaya ayokong ipaalam dati yung relasyon namin ni Trey dahil alam ko talaga na magiging dragon itong si Kuya. Paano pala kung malaman niya na kami ni Simon? Himagsikan na? Ganon? Mahabagin! Tulungan niyo ko, mukhang palalayasin na ako ni Gregoryo.
"Akala ko ba tanggap mo ko? Kung anong gusto ko?" Nakayuko kong sabi. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig imbes na gumawa ng palusot sa pagkakahuli sa aktong halikan namin ni Homer.
"Tanggap kita Red! Pero hindi ko lang inaasahan na makikita kitang nakikipaghalikan sa boss mo. At talagang ngayong mga oras na 'to Red? Paano kung hindi ako dumating? Baka mas malala pa ang ginawa niyo!" Bulyaw ni Kuya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Sorry Kuya Greg, sa sunod sa kwarto na po namin gagawin. Di ba Red?" wika ni Homer at inakbayan pa ako.
Inalis ko naman ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin at sinamaan siya ng tingin. Yari 'to sakin mamaya. Anong karapatan niyang halikan ako? Paano na lang kung ibang tao ang nakakita? At paano kung si Simon? Sa sobrang inis ko ay muli kong binaling ang tingin ko kay Homer.
"Ikaw!" Sigaw ko at tinuro ko siya.
"Yes?" Nakangiti niyang sagot.
Wala na kong sinayang na minuto. Lumapit agad ako sa kanya at isang malakas na sapak sa kanyang mukha ang aking pinakawalan. Dahil hindi siya handa sa sapak na iyon ay agad siyang natumba.
Isang malapad na ngiti ang agad na sumilay sa aking mga labi. Ang sarap sa pakiramdam. Atleast we're even. Mabuti nga sa kanya. Ang libog kasi.
"Reeeed!" Sigaw ni Kuya sa likuran ko na nagpalingon sakin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Anong bakit? Bakit mo sinuntok yang bf mo?" gulat na tanong ni Kuya habang tinuturo ang ngayo'y naka-upong pigura ni Homer.
"Ha?" Iyon lang din ang naisagot ko. Bf ko si Homer? Kailan pa?
"Ewan ko sa inyong mga bata kayo! Kanina naghahalikan lang kayo, tapos ngayon bigla mong sinapak? Grabe kayo magmahalan!" Naguguluhang sambit ni Kuya Greg.
Napailing na lang ako at inayos ang aking suot. Tinuwid ang medyo nagusot na coat gamit ang aking kamay.
"Hindi kita pinagbabawalan na mag-boyfriend Red. Pero hindi ko gusto yang mga ginagawa mo! Masyado ka pang bata. Mag-usap tayo mamaya sa bahay." Seryoso niyang sabi at bumalik na naman ang matatalim niyang titig sa akin.
Ano daw? Medyo naguluhan ako doon. At may parusa na naman pag-uwi ng bahay? Bakit kasi kailangan pa kaming mahuli? Ay mali. Bakit kasi kailangan pa akong halikan nitong si Homer? Tinitigan ko ulit siya ng masama.
"Lakas nun ah!" Natatawa niyang sabi.
"Tang!na mo!" Sigaw ko.
Mas lumakas lang ang kanyang tawa at sa sobrang inis ko ay mas pinili ko na lang na umalis. Agad na tinungo ang pinto at lumabas. Sinilip ko pa kung anong oras na, laking gulat ko ng mapagtantong late na ako ng 30 minutes. Gusto ko ng magwala. Kasalanan lahat ito ng necktie at ng malibog na Homer na yun! Ito rin si Kuya panggulo din eh. Bwiset na araw yan! Parang gusto ko na tuloy umuwi at matulog dahil sasabog na ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
Storie d'amoreWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...